Excited pumasok ngayong araw si Hyde. Day-off ni Philipp kaya naman ang makakasama niya sa store buong araw ay si Blue. Hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Hyde habang siya ay naglalakad papunta sa store. Hindi pa bukas ang mall kaya medyo madilim at nakakabingi pa ang katahimikan sa loob. Tanging ang mga empleyado lamang sa mga store na meron dito sa mall ang siyang pinapapasok at dahil empleyado si Hyde sa store ni Blue at may ID naman siya kaya siya nakapasok. “Ganito pala ang loob ng mall kapag sarado pa,” mahinang sambit ni Hyde habang inililibot niya ang tingin sa loob ng mall. May mangilan-ngilan siyang tao na nakikita at nagmamadaling maglakad at ang iba ay tumatakbo pa. Sa tingin ni Hyde ay mga empleyado din iyon katulad niya at papunta na ang mga ito sa store na pinapasukan. P

