Mababakas ang pagkainis sa mukha ni Hyde. Kakatapos lamang ng kanyang huling transaksyon. Naiinis siya dahil panay ang pagkakamaling ginagawa niya sa counter. Mabuti na lang at hindi naman nainis ang customer kay Hyde dahil nagwa-gwapuhan ito sa kanya. Hindi makapag-pokus sa trabaho si Hyde. Hanggang ngayong tanghali ay apektado pa din siya sa nakita niya kaninang umaga. Hindi iyon maalis sa isip niya at para itong sirang plaka na palagi na lamang nagpe-play sa kanyang utak na nagiging dahilan kaya para siyang mababaliw. Marahas na bumuntong-hininga si Hyde. Isinuklay niya paitaas sa kanyang buhok ang kanyang kanang kamay. Pumikit ang kanyang mga mata. Wala namang kamalay-malay si Hyde na lumabas mula sa stock room si Blue. Tiningnan nito ang paligid ng store niya hanggang sa tingnan ni

