Tuwid na nakatayo si Blue sa gilid ng kama. Pinagmamasdan niya si Luis na mahimbing nang natutulog sa ibabaw nito. Naririnig pa ni Blue ang mahihinang hilik ng kanyang nobyo. Kakauwi lamang ni Blue galing sa kanyang store. Tiningnan niya ang oras sa orasan na nakasabit sa may pader. Quarter to nine na ang oras. Muling tiningnan ni Blue si Luis. Mahina siyang natawa. “Sabi mo sa akin hihintayin mo akong umuwi,” may halong pagkadismaya na wika ni Blue. “Ang daya mo. Knock-out ka kaagad diyan,” dagdag pa niyang sambit saka muling tumawa nang mahina. Maaga pa namang umuwi si Blue dahil excited siyang makita si Luis at malambing ito. Nagkibit-balikat na lamang si Blue saka tipid na ngumiti. Mas lumapit pa siya sa kama at bahagyang yumuko. Dahan-dahang hinubad ni Blue mula kay Luis ang suo

