Nakasakay sa umaandar na bus sila Luis at Blue. May pupuntahan silang magandang lugar. Parehas silang nag-day-off muna sa trabaho para magbakasyon kahit isang araw lamang. Tiningnan ni Blue si Luis na katabi niya sa inuupuan na pandalawahang upuan. Sumilay ang ngiti sa kanyang malambot na labi. Tinitigan niya si Luis habang mahimbing itong natutulog sa kanyang balikat. Inayos ni Blue ang pagkakapatong ng ulo ni Luis sa kanyang balikat. Hinawakan niya ang gilid ng mukha nito para maalalayan at hindi maalis sa balikat niya. Ilang minuto ang lumipas at nakatitig pa din si Blue sa mukha ni Luis. Hindi nawawala ang ngiti sa labi niya. Kitang-kita sa kanyang mga kumikinang na mga mata ang pagmamahal para sa nobyo. Hindi naman alintana ni Blue na may mga tumitinging ibang pasahero ng bus sa g

