"Oh? Saan ka nanggaling, Bro?" nagtatakang tanong ni Mark sa akin nang pumasok ako sa classroom. "Saka bakit ang gulo na ng buhok mo? Kanina parang dinilaan pa 'yan ng baka sa sobrang ayos," saad pa niya habang natatawa. Tumigil ako sa pag-aayos ng buhok ko at masamang tiningnan si Mark. Iling lang ang sinagot ko sa mga tanong niya at umiwas na ako nang tingin sa kanya at pumunta sa upuan ko. Pinatong ko ang bag sa upuan. Napatingin ako sa mesa ko kung saan nakita kong may nakapatong na namang chocolate drink. Hay! Consistent talaga siya. Pero may iba ngayon, dahil may kalakip na papel ang chocolate drink na nasa ilalim at pinagpapatungan nito. Napatingin ako kay Jared. Nakatingin pala siya sa akin. Huminga ako ng malalim saka naupo. Muli kong tiningnan ang nakapatong sa mesa ko. Maba

