"Dito na lang manong," pagpapatigil ko kay Manong driver ng motor na sinasakyan ko. Dahan-dahang inihinto ni Manong driver ng motor na binook ko sa isang app ang motor niya sa tapat ng dorm building na tinuro ko sa kanya. Bumaba ako saka tinanggal ko sa aking ulo ang helmet at ibinalik sa kanya. Hinugot ko ang wallet ko sa bulsa ng suot kong slacks saka kumuha ng pera doon para ipambayad. Nang mai-abot ko kay Manong ang bayad ay nagpasalamat siya saka na umalis. Nakasunod ang mga mata ko sa papalayong motor ni Manong. Napangiti ako ng tipid. Namiss ko kasing sumakay sa motor kaya sa halip na mag-jeep na lang ay tumawag na lang ako ng masasakyang motor. Naalala ko si Blue at 'yung joyride naming dalawa nu’ng nakaraan. Napangiti ako. Pamaya-maya ay mahinang nagbuga na lamang ako ng hini

