EPISODE 55

1375 Words

Medyo malalim na ang gabi pero dahil sa tulong ng mga street lights, naliliwanagan pa rin ang paligid. Mabagal ang bawat hakbang ng mga paa ni Blue sa gilid ng kalsada na nilalakaran niya. Diretso ang tingin ni Blue at kumukurba ng maliliit na ngiti ang kanyang labi. Nasa tapat ng kanang tenga ni Blue ang hawak niyang cellphone at kausap si Luis sa kabilang linya. “Pauwi ka na ba?” pagtatanong ni Luis kay Blue. “Oo,” sagot ni Blue. “May ipapabili ka ba?” dagdag na tanong pa niya. “Hmmm... wala naman,” pagsagot ni Luis. “Basta bilisan mo na lang umuwi,” dagdag pa niyang sambit. Mas lalo namang napangiti si Blue. “Hindi naman halatang miss na miss mo ako,” nakakalokong wika ni Blue. Narinig ni Blue ang malutong na pagtawa ni Luis. Nahawa si Blue sa pagtawa ni Luis kaya natawa din ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD