“MAUNA na ako, Kuya. Kita na lang tayo mamayang uwian,” paalam sa akin ni Kevin nang makapasok na kami sa gate ng aming paaralan.
Nakasalubong kasi namin ang mga kaibigan nito habang papasok kami.
“Sige,” tugon ko na lamang.
“Mauna na kami, Boss Justin,” sambit ng isa sa mga kaibigan nito at nagpatuloy na sila sa paglalakad.
Nagsimula na rin akong maglakad upang magtungo sa aming classroom.
Tahimik akong naglakad mag-isa. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin maalis sa aking isipan ang bangungot na napanaginipan ko kagabi.
Bumalik ang isang masamang alaala mula sa nakaraan. Ang yugto ng buhay kong ayaw ko nang balikan. Ang pangyayaring labis na nakaapekto sa akin noon.
Sa isang iglap ay dala-dala ko na itong muli sa aking isipan. Hindi ko na ito maalis-alis anumang pilit ko.
Oo, na-molestya ako ng Don noong maliit pa lamang ako. Hindi nito pinatawad ang mura kong edad at pinagsamantalahan ang aking ka-inosentehan. Wala akong ibang nagawa kundi tanggapin ang nangyari. Ibinaon ko iyon sa limot dala ng matinding takot ko. Takot na mawalan ng trabaho si Itay sa oras na ipagsabi ko iyon sa kanila. At takot sa kung anong pwedeng gawin ng makapangyarihang Don sa aming pamilya. Pinagbantaan kasi ako nito na ipapapatay n’ya raw ang aking mga magulang at kapatid sa oras na malaman n’yang may ibang nakaalam sa panghahalay n’ya sa akin.
Hindi ako nakapagsumbong kaninuman. Sa likod ng aking kamusmusan ay kinailangan kong dalhin ang napakabigat na bagay na iyon. Kung ngayon ngang disi-syete-anyos na ako ay dala-dala ko pa rin ang matinding takot sa nangyari, paano pa ang isang inosenteng syete-anyos?
“Kiko!!!”
Napalingon ako nang marinig ko ang isang napaka-pamilyar na boses.
“Kiko, bespren ko!”
Nagtatatakbo itong lumapit sa akin at niyapos ako ng mahigpit na yakap.
“R-rey!”
“Kiko! Na-miss kita nang sobra!”
Gumanti na rin ako rito at niyakap din s’ya.
“Ako rin, Rey. Sobra,” maluha-luha kong sambit.
Kumalas na ito sa pagkakayakap at hinarap ako habang nakahawak pa rin sa magkabilaang balikat ko.
“Oh, umiiyak ka ba?”
Mabilis kong pinahid ang nangingilid kong luha gamit ang mga daliri ko.
“W-wala ito.”
“Sus. Eto talagang bespren ko, masyadong iyakin. Halika nga rito.”
Muli ako nitong niyakap.
“Huwag ka nang malungkot, bespren. Nandito naman na ako. Hindi na kita iiwanan kailanman.”
Maya-maya pa ay nagpatuloy na rin kami sa paglalakad papunta ng aming silid-aralan.
Ang hindi nito alam ay napaluha ako dahil sa naisip ko tungkol sa nakaraan namin ng Don. At kasiyahan na rin dahil nagkita na kaming muli sa wakas ng pinaka-matalik kong kaibigan. Kahit papaano ay medyo nabawasan ang pangamba ko nang makita ko ito.
Gayunpaman ay pinili ko pa ring patatagin ang aking sarili at nagpahid ng tumulo kong luha.
“Na-miss ko talagang pumasok, Kiko. Alam mo bang bagot na bagot ako roon sa ospital? Sobrang sungit pa ng mga nurse. Hmp,” kwento nito sa kalagitnaan ng aming paglalakad.
“Ano ba kasing nangyari sa ‘yo? Paano ka pala nagka-diarrhea?” naisipan kong itanong dito.
“‘Wag mo nang itanong. Nakakahiya ang nangyari sa ‘kin.”
“Sa ‘kin ka pa talaga nahiya.”
“Oo na, oo na. Ganto kasi ‘yun. Biyernes noon ng hapon. Pagdating ko ng bahay, walang pagkain. Wala rin doon sina Itay. May nakita akong bahaw sa may aparador. ‘Yun ang kinain ko. Alam ko namang medyo panis na ‘yun. Pero gutom na gutom na ako, eh.”
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa naging dahilan nito. Kaya naman pala.
“Bakit kasi hindi ka na lang nagpunta ng bahay? Ipinagluto pa sana kita ng ulam.”
“Nagbibiro ka ba? Gutom na gutom na ako tas maglalakad pa ako papunta ng bahay n’yong napakalayo?”
“Pwede naman, ah. O, ayun tuloy nangyari sa ‘yo.”
“Hays. Kalimutan na nga lang natin ‘yun. Ang importante ay ayos na ako ngayon. Tsaka alam mo ba, fried chicken ang pinabaon sa akin ni Itay kanina! Para daw hindi na kung anu-ano ang kinakain ko.”
Napatawa ako nang may kalakasan sa nasabi nito.
“Sira ka talaga.”
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa aming silid-aralan.
Gulat na gulat ang lahat sa muling pagsulpot ni Rey.
“Aba, ayos ka din, Villanueva, ah. Isang linggong absent,” salubong ng kaklase naming si Peter.
“Kaya nga. Ang dami mo nang na-miss na quizzes at activities. Nagpa-long quiz si Ma’am Catalan. Lagot ka!” segunda ng isa pa naming kaklase na si Mary Rose.
“Mga shunga! Anong akala n’yo, nagbakasyon lang ako? Nagkasakit ako, huy!” sagot naman ng aking kaibigan sa mga ito.
“Totoo bang kumain ka raw ng tae ng kalabaw kaya ka nagka-diarrhea?” hirit ng isa pa naming kaklase na si Aries sabay halakhakan ng lahat maliban sa amin ni Rey.
“Pweh! At sino namang nagsabi n’yan, aber?!” asik ni Rey dito.
“Good morning, guys!”
Sabay-sabay kaming napalingon sa kakapasok lamang na si Louis. Nakangiti ito nang malapad habang naglalakad papalapit sa amin.
Napansin kong sa akin lamang ito nakatingin kaya naman mabilis din akong nag-iwas ng tingin dito.
“Louis, mah men!” Sinalubong ito ng kanyang kaibigang Aries at nakipag-kamayan.
Lumapit ito sa amin ni Rey habang abot-tenga pa rin ang mga ngiti.
“Kumusta, Rey? Mabuti naman at magaling ka na.”
Nakatingin lamang nang matalim si Rey dito.
“Nga pala, I asked Kiko last week kung pwedeng ako lang muna ang maupo sa upuan mo. But now that you’re already here, I guess kailangan ko nang bumalik sa back row kung saan ako nakaupo.”
“Ikaw ba nagpakalat tungkol sa pagtatae ko?!” hindi ko inaasahang singhal ng aking kaibigan dito.
Maging ang iba naming kaklase ay naki-intriga na rin.
“Woah, woah.” Napataas ng kamay si Louis. “At bakit ko naman iyon ipagkakalat?”
“Huwag ka nang magmaang-maangan pa, Louis. Hindi ako tanga!”
“W-well, totoo naman kasi ‘di ba?”
“Gusto mo bang ipagkalat ko rin kung bakit nasa ospital ka noong nakaraang linggo?!”
Napatahimik si Louis nang ilang segundo. Maya-maya pa ay muli itong nagsalita.
“Go ahead. Anong pake ko?”
Tumalikod na ito at naglakad patungo sa kanyang upuan sa may bandang likuran.
Naiwan namang nagtatagis ang mga bagang si Rey habang matalim pa ring nakatingin dito.
“R-rey, maupo na tayo at mukhang paparating na si Ma’am,” sambit ko na lamang dito sabay hagod ng kanyang likod.
Inis pa rin itong napaupo sa kanyang upuan.
Hindi ko na lamang iyon pinansin at naupo na rin sa tabi nito.
Ano kaya ang namagitan sa kanila ni Louis sa ospital? Wala namang naikwento sa akin si Louis na nagtungo s’ya ng ospital noong nakaraang linggo. Ang alam ko lamang ay s’ya ang nagsabi sa akin na nagka-diarrhea si Rey. Kaya pala alam nito na nagkaganoon ang kaibigan ko. Nagkasalubong pala sila mismo sa ospital kung saan ito nagpapagamot. Ano kaya ang rason ni Louis kung bakit s’ya nasa ospital? Sa nabanggit ni Rey kanina ay mukhang may malalim na rason iyon.
Dumating na ang aming guro at nagsimula na rin ang klase. Mabuti na lamang at bumalik din kaagad ang sigla ng aking kaibigan nang kausapin na s’ya ng mga guro tungkol sa kanyang kalagayan. Katulad ko kasi ay kasali rin ito sa honor roll ngunit ‘di hamak na mas malapit ito sa aming mga teachers kumpara sa akin. Medyo mahiyain kasi ako samantalang ito ay tila walang anumang kahiya-hiya sa katawan. Kaya mas nakakasundo nito ang aming mga guro.
Sumapit ang tanghali at oras na upang magtungo kami sa canteen upang doon ay sabay na kumain ng pananghalian. Katulad ng nasabi ko, simula pagkabata ay kasama ko na si Rey sa kahit anong bagay. Maging sa pagpapatuli ay nagsabay pa kami. Hindi na rin nakakapagtaka dahil matalik ding magkaibigan ang aming mga amang kapwa mga trabahante ng hacienda. Kaya naman ay parang kakambal na ang turing ko rito.
“Kiko, mabuti at naabutan ko kayo.”
Napatigil kami sa paglalakad nang biglang may nagsalita mula sa aming likuran.
Nang lingunin namin kung sino iyon ay walang iba ito kundi si Louis.
“L-louis, ikaw pala,” sambit ko rito. Pinilit ko itong tignan nang mata sa mata ngunit naiilang pa rin ako.
Hindi ko kasi maiwasang isipin ang nangyari sa amin noong Biyernes tuwing tinitignan ko ito.
“Maglu-lunch ba kayo? Pwede bang makisabay sa inyo?” sabi nito.
Akmang tatango na sana ako upang pumayag ngunit si Rey ang sumagot dito.
“Bakit? Kaibigan ka ba namin?”
Agad ko namang hinawakan sa braso ang kaibigan ko upang awatin ito.
“Well, ikaw, hindi. But Kiko is. Kaya nga s’ya ang tinatanong ko,” tugon ni Louis.
“Best friend ako ng tinatanong mo. At ang sagot ko ay hindi.”
“R-rey.” Pinigilan ko itong muli.
Ayokong mag-iskandalo rito. Baka mapahamak pa kami at ipatawag ang aming mga magulang. Kilala ko ang matalik kong kaibigan. Palaban ang personalidad nito at wala itong inuurungan.
Kaya naman ay nakapagdesisyon akong tanggihan na lamang muna ang alok ni Louis para sa ika-aayos ng sitwasyon.
“A-ah, L-louis, pasensya ka na pero pwede bang sa susunod na lamang tayong magsabay? P-pramis, pangako ko iyan.” Nagtaas pa ako ng kanang kamay ko.
Hindi ito umimik nang ilang segundo at napatingin lamang nang matalim kay Rey. Maya-maya pa ay bigla itong ngumiti sa akin.
“Sure, Kiko. Anytime.”
Nginitian ko na rin ito nang pilit, ngunit hindi ko mapigilang maawa rito.
“Then, mauna na ako.”
Naglakad na ito palayo habang nakahawak sa magkabilaang bulsa ng kanyang slacks.
Nahuli ko namang nakatingin pa rin dito nang masama si Rey.
“Tara na,” yaya ko rito at naglakad na kaming muli patungong canteen.
Hindi ko alam kung paano nagsimula ang bangayan nilang dalawa. Sa pagkakaalam ko naman ay halos hindi nagpapansinan ang dalawa maliban ngayong araw. May nagawa kaya si Louis na masama kay Rey habang nasa ospital ito?
Ilang saglit pa ay pumwesto na kami sa isang lamesa sa canteen nang magkaharap.
Tahimik lamang ito at ganoon din ako kahit pa nang magsimula na kaming kumain.
Ilang sandali pa ay ito na mismo ang nag-umpisa ng usapan.
“Pasensya ka na, bespren, ah? Sadyang uminit lang ang ulo ko sa lalaking iyon kanina,” banggit nito habang sumusubo ng kanin.
“H-hindi sa nanghihimasok ako. Pero ano ba ang pinag-ugatan ng hindi n’yo pagkakaintindihan?” naisipan ko na rin ditong itanong. Kanina pa kasi ako gulong-gulo sa tila hidwaan nilang dalawa.
Bumuntong-hininga muna ito bago sumagot.
“Ganto kasi ‘yon. Nagkasalubong kami sa ospital. Kinausap ko s’ya. Syempre, kaklase natin ‘yun, eh. Sinabi ko sa kanya ang rason kung bakit ako na-ospital. Ganoon din s’ya. Sinabi n’ya sa akin na nagpapa-checkup daw s’ya roon.”
Tumango-tango lamang ako habang nakikinig sa kwento nito. Para saan kaya ang pagpapa-checkup ni Louis?
“Halos ilihim ko ang pagkaka-diarrhea ko dahil nakakahiya ang nangyari sa ‘kin. Tapos malalaman kong ipinagkalat pala ng hayop na ‘yun. Hindi s’ya mapagkakatiwalaan. Akala ko pa naman simula na iyon ng pagkakaibigan namin. Ahas pala ang animal.”
Ngayon ay mas naiintindihan ko na ang pinangagalingan nito. Kaya naman pala halos isumpa nito si Louis. Bakit n’ya naman kaya iyon magagawa nang walang dahilan? May galit ba ito kay Rey?
“Pasensya ka na sa nangyari, Rey. Sigurado naman akong may rason si Louis kaya n’ya iyon nagawa. May nangyari ba sa inyong hindi maganda bago iyon?”
“Wala. Sadyang masama lang ang ugali ng lalaking iyon.”
Napatahimik na lamang ako. Wala na akong ibang masasabi dahil masama nga naman kasi talaga ang ginawa ni Louis. Kahit ako ay magagalit kapag sinabihan ko ito ng pinakaiingatan kong sikreto tapos ipagkakalat n’ya lamang kung kani-kanino.
Kaagad akong napamulagat sa aking naisip.
‘Y-yung nangyari kaya sa amin, ipagkakalat n’ya rin ba iyon sa iba?
Bigla akong kinabahan. Tiyak na masisira ang buhay ko kapag lumabas ang kwentong iyon. At pinaka-ayokong mangyari ang makarating iyon sa aking pamilya, lalong-lalo na sa aking mga magulang.
“Pasalamat s’ya hindi ako bayolenteng tao. Dahil kung iba ako ay tiyak na nasuntok ko na s’ya sa pagmumukha,” banggit pa ni Rey.
Hindi na ako umimik dahil kinakabahan talaga ako. Natatakot ako sa maaaring gawin ni Louis. Kung kay Rey ay nagawa n’ya iyon, posibleng sa akin din.
Sana lang talaga ay pinahalagahan nito ang pagkakaibigang nabuo namin at hindi n’ya iyon ipagsabi kahit kanino.
“Nga pala, alam mo bang kaya nagpa-checkup ang gagong ‘yun kasi nagpapa-STD test daw s’ya? Takot kasing magkasakit dahil kung sino-sino lang tinitira at nagpapatira. Alam mo naman siguro ang mga bali-balita tungkol sa lalaking ‘yun, ‘di ba?”
Marahas ako ritong napalingon dahil sa sinabi nito.
“S... STD test?”
Mas dumoble pa ang kaba ko.
“Oo. Para magpatingin kung may sakit kang nakukuha sa pakikipagtalik katulad ng HIV at tulo. Hindi ba natalakay na natin iyon sa Health & Science noong junior high?”
Napalunok ako nang buo.
“N-nabanggit n’ya ba sa iyo kung n-nag-positibo daw s’ya?” kinakabahan kong sabi.
“Hmm, wala naman. Pero sa gawain n’ya, baka nag-positive ‘yung unggoy na ‘yun.”
Bigla akong napaubo sa nabanggit nito.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Rey.
Tumango ako.
“A-ayos lang.”
D’yos ko, ano ba ‘tong pinasok ko? Sana naman ay wala akong nakuhang sakit. ‘Di hamak na dobleng mas malala pa iyon kesa sa malaman ng lahat na may namagitan sa amin ni Louis.
Kailangan ko itong makausap mamaya. Kakausapin ko s’ya upang klaruhin ang nakwento sa akin ni Rey. Bakit hindi n’ya iyon sa akin sinabi? Ibig-sabihin kung nag-positibo man s’ya ay sinadya n’ya akong hawaan.
Natapos na kaming kumain ng pananghalian ngunit tila lutang pa rin ako kakaisip nang malalim.
Halos manginig na ako sa takot. Maling-mali yata ang pakikipag-ugnayan ko kay Louis. Alam na alam ko ang mga bali-balitang nakapalibot tungkol sa pagkatao nito ngunit pinili ko pa rin itong patulan.
Ngunit hindi ko rin masisisi ang aking sarili. Nabihag ako ng kanyang patibong. Sadyang malakas mang-akit si Louis at hindi ko iyon natanggihan.
Inosente ako sa maraming bagay. Lalong-lalo na sa pakikipagtalik. Kaya madali ako nitong napa-oo. Ngayon ay minumulto na ako ng kasalanang nagawa ko. Pinagsisihan ko naman iyon kaagad ngunit bakit napakalaking parusa yata ng ibinibigay sa akin?
Natapos ang buong klase nang hindi pa rin ako masyadong umiimik. Napansin din iyon ni Rey at pinilit n’ya akong magsabi kung anong nangyari ngunit sadyang natatakot pa rin ako at mukhang hindi ko pa kayang sabihin iyon sa kanya.
Sa huli ay sinabihan ko na lamang s’ya na mauna nang umuwi dahil may dadaanan pa ako sa library. Hindi na ito tumanggi pa at maayos na nagpaalam sa akin.
Agad kong hinanap si Louis na swerteng nasa loob pa rin ng classroom at mayroong kausap.
Dahan-dahan ko itong nilapitan. Pumipintig-pintig pa rin nang mabilis ang puso ko.
“Hey, Kiks. Uuwi ka na ba? Sabay ka na sa ‘kin. By the way, ang galing mo sa reporting kanina. Binuhat mo lang naman ak-”
“M-mag-usap tayo, Louis,” nakayukong banggit ko rito.
Sandali itong natigilan at muling nagsalita.
“Sure,” nakangiti naman nitong hayag.
“‘Y-yung tayong dalawa lang sana.”
Muli itong napatigil.
“No prob.”
Nagpaalam na ito sa kausap nitong kaklase din namin at sabay na kaming naglakad palabas ng classroom.
Nakasunod lamang ako rito. Hindi ko na magawang kausapin itong muli. Natatakot pa rin kasi ako.
“Sa kotse ko na lang tayo mag-usap. That way mas private ang pag-uusap natin.”
Hindi ko ito inimikan at nagpatuloy lamang sa paglalakad.
Hanggang sa tuluyan na kaming nakarating kung saan nakaparada ang kotse nito.
Pinagbuksan pa ako nito ng pinto.
Nang makapasok na kaming dalawa sa loob ay muli itong nagsalita.
“So, anong gusto mong sabihin?”
Tila nakalimutan ko kung paano magsalita. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin o kung papaano ko sisimulan ang aming usapan.
“I’m guessing Rey told you about it.”
Mabilis akong napasinghap at napalingon dito.
Nakahawak lamang ito sa manibela ng kanyang sasakyan at sa harapan nakatingin.
Naghintay ako ng idudugtong nito.
“Well, it’s true. Nagpa-test talaga ako. I had a fever the day before. And I suspected it’s an STD or something.”
Nangangatog ang aking mga tuhod habang pinakikinggan ko itong magkwento.
“But you don’t have to worry anymore. It was all negative. I could show you the test result right now if you want. I just had a flu.”
Unti-unti akong napahinga nang maluwag sa nasambit nito. Kung ganoon ay ligtas na ako sa STD na nabanggit ni Rey. Wala akong nakuhang sakit mula rito. Masyado lang talaga akong nasobrahan sa pag-iisip.
“The hearsay about me sleeping around is true.”
Kahit halos tumalon na ako sa tuwa ay pinili ko pa ring makinig sa sinabi nito.
“I... I just couldn’t help it. Adik na adik akong kumantot. Gustong-gusto ko ang pakiramdam na sinususo ang b***t ko. And the satisfaction it gives me whenever I see my s*x partner worship my d**k and body like I’m a god. It feels heaven.”
Napayuko ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko roon.
“B-but when I saw you, I knew you were the one. I always had a crush on you since last year pa. You’re completely my type, Kiks. Hindi mo lang alam kung ilang beses kong inimagine na binabarurot kita habang nakikipagtalik ako sa iba.”
Napalunok na lamang ako dahil sa mga nabanggit nito.
“But that friend of yours was always in my way. Hindi ako makalapit sa ‘yo kapag nand’yan s’ya. Kaya noong nalaman kong a-absent s’ya nang 1 week, I took my opportunity to pursue you. I decided to stop f*****g everyone else and focused on you instead. I wanted to commit to you.”
Sa pagkakataong ito ay napaangat na ako ng tingin sa kanya.
“A-and, oo, sinadya ko talagang ipagkalat ang tungkol sa diarrhea ng kaibigan mo. All because I was jealous. I take all the responsibility for it. I was a d**k. I’m deeply sorry, Kiks. And to your friend.”
Kung kanina ay kinakabahan ako dahil sa matinding takot, ngayon naman ay kinakabahan ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan.
Siguro, kaunting kilig na rin dahil unang beses na may nagtapat sa akin ng ganoong nararamdaman. At sa isang katulad pa iyon mismo ni Louis na ubod ng gwapo at yaman.
“H-hindi ka dapat sa ‘kin humihingi ng tawad. Kay Rey mo sabihin ang mga salitang iyan.”
“I know. Pero as you are his best friend, alam kong nasaktan ka rin dahil sa nagawa ko.”
Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi nito.
“G-gusto mo bang samahan kita bukas na makipag-ayos kay Rey?”
“Sure.”
Muli akong napangiti rito at saka ay napaupo na nang maayos.
Agad kong naalala ang flashlight na ipinahiram nito sa akin noong Biyernes ng gabi at dinukot iyon mula sa aking bag upang ibalik sa kanya.
Matapos iyon ay muli akong nagsalita.
“P-pasensya nga pala sa ini-akto ko kanina. Natakot lang kasi talaga ako. Ang pinaka-ayaw kong mangyari sa buong buhay ko ay ang mabigo ko ang aking mga magulang. Kaya ganoon na lamang ang kaba ko noong marinig ko mula kay Rey na nagtungo ka ng ospital upang magpa-test para sa ganoong uri ng sakit.”
“I completely understand. Maging ako ay abot-langit din ang takot habang hinihintay ko ‘yung results. That’s why halos maglululundag sa tuwa ako when I saw it was all negative. It’s like I was given a second life.”
Sandali akong napatahimik.
“K-kaya sana... maging maingat ka na sa susunod. Huwag kang kung kani-kanino lang nakikipagtalik. Sayang naman iyang kapogian mo kung halos lahat... n-natikman ka na.”
“Rich coming from someone na nakatikim din sa ‘kin.”
Agad naman akong napatingin dito.
“P-pinilit mo lang naman kasi ako,” pagtatanggol ko sa aking sarili.
Napansin kong unti-unting nalusaw ang mga ngiti nito.
Hinawakan nito ang aking kamay at inilapat iyon sa pundilyo ng kanyang suot na slacks.
Naramdaman ko ang matigas na pala nitong ari sa ilalim ng kanyang suot na pang-ibaba.
Hinayaan ko lamang ito at pilit nilabanan ang mga titig na ipinupukol nito sa akin.
Marahan ako nitong hinila.
Tila isang dahon naman akong sumama sa hangin at nagpaubaya rito.
Inalalayan ako nitong kumandong sa kanya nang paharap.
Nagkatitigan kaming dalawa.
Ramdam na ramdam ko sa aking pwetan ang naninigas nitong kargada. Hindi ko napigilan ang aking sariling gumalaw upang masahiin iyon.
“Aaahh...,” mahinang ungol nito habang nakatitig pa rin sa aking mga mata.
Maya-maya pa ay ako na mismo ang kusang bumaba upang halikan ito.
Mabilis s’yang napayakap sa akin at halos lamunin na ang aking bibig.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang gumanti.
Habang walang habas kami sa paghalik sa bawat isa ay kusa na lamang gumalaw ang aking mga kamay at binuksan ang pagkakabutones ng kanyang suot na polo shirt.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tapang ko. Ang alam ko lamang ay uhaw na uhaw ako sa laman ng isang lalake.