XII

2567 Words
TAGAKTAK ang aking pawis habang binabaybay namin ni Itay ang daan patungong hacienda. Nagsimula na kasing sumikat ang araw at medyo mahapdi ito sa balat. Gayunpaman ay tahimik pa rin akong naglakad nang walang kahit anong reklamo sa katawan. “Oh, anak, ayos ka lang ba?” Napansin ni Itay ang bagal ng paglalakad ko. Paminsan-minsan kasi akong tumitigil nang ilang segundo upang mag-ipon ng sapat na lakas. Hindi rin kasi biro ang daan patungo sa kanyang pinagtatrabahuan. ‘Di hamak na mas malayo ito kumpara sa aming palayan. “Ayos lang ho ako, ‘Tay,” tugon ko rito. Tuloy pa rin ako sa paglalakad. Sandali muna itong hindi umimik habang nakatingin sa akin at muling nagsalita. “Gusto mo bang buhatin kita sa likod ko, anak?” Nagulat naman ako sa sinabi nito. “H-hindi na ho, ‘Tay. Ayos lang ho talaga ako. Huwag n’yo ho akong alalahanin,” agad na tanggi ko. Hindi naman na ako syete-anyos na musmos upang buhatin pa ng aking ama sa paglalakad. “Medyo malayo pa tayo, ‘nak, ah. Sigurado ka ba?” Tumango ako. “Opo, ‘Tay. Mabuti na rin ‘to bilang ehersisyo. Kesa naman sa nakatutok lamang ako sa mga babasahing libro. Kakailanganin ko rin paminsan-minsang magpapawis.” Matapos kong sabihin iyon ay ginulo nito ang aking buhok sabay ngiti. “Napaka-bibo talaga nitong anak ko.” Nahawaan na rin ako ng mga ngiti nito. “Kaso ako naman ngayon ang nangangalay. Hinto muna tayo, nak. Ayun, sa may lilim ng punong iyon.” Itinuro nito ang isang malaking puno ng mangga. Naglakad kami palapit roon. Napansin kong may mga bunga ang puno. Mga hinog pa. Sino kaya ang may-ari nito? “‘Tay, tingnan mo. Hitik na hitik sa bunga,” hindi ko napigilang bigkas habang nakatingala. “Oo nga, ‘no. Ngayon ko lamang napansin.” Nakahawak ito sa kanyang magkabilaang bewang habang nasa taas din ang tingin. “Kanino kaya ang punong manggang ‘to?” mahinang bigkas ko. Napatingin ito sa akin. “Gusto mo bang pumitas, ‘nak?” tanong nito. “H-ho? Huwag na, ‘Tay. Baka pagalitan pa tayo ng may-ari.” Bigla itong napatawa. “May nakikita ka bang mga kabahayan dito? Sino ba sa tingin mo ang may-ari?” Napalingon-lingon ako sa paligid at saka ko lamang napagtantong nasa kalagitnaan nga pala kami ng kagubatan. “Huwag kang mag-alala. Kung may nagmamay-ari man ng punong ito ay hindi n’ya naman malalamang pumitas tayo ng ilang piraso.” Kumuha ito ng mahabang kawayan at saka ay pumitas ng mangga. Nang mahulog ay agad rin nito iyong sinalo. “Ayos. Hinog na hinog na, oh. Heto, anak.” Ibinigay n’ya sa akin ang naunang napitas na prutas at saka ay kumuha ng isa pa para naman sa kanya. “Tinitignan ko pa lang, natatakam na ako, ‘Tay.” Napaupo na ako sa damuhan at sinimulan nang balatan ang mangga. Maya-maya pa ay tumabi na rin ito akin at sinamahan ako sa pagbabalat. “Ang tamis!” bulalas ko nang malasahan ko ang mangga. Isang ngiti naman ang agad nitong iginanti. “Masarap ba, anak?” “Sobra po!” Ninamnam ko ang tamis ng masarap na prutas. Ngayon lang yata ako nakatikim ng ubod na tamis na mangga. At nasa kalagitnaan pa ito ng masukal na gubat. Sana lamang talaga ay walang nagmamay-ari ng punong ito. Dahil kung meron ay tiyak na malilintikan kaming mag-ama. Matapos kong masipsip ang napakasarap na mangga ay akmang itatapon ko na ang buto nito nang bigla akong pinigilan ni Itay. “Oh, anak. Sayang naman kung itatapon mo na kaagad nang may natitira pang laman. Akin na, ako na ang mag-uubos.” Kinuha niya ito mula sa aking kamay at agad iyong sinipsip sa kanyang bibig. Wala na akong ibang nagawa pa kundi panoorin na lamang itong sipsipin ang laman ng mangga na hindi ko naubos. Napatingin ito sa akin. Ganoon din ako sa kanya. Hindi ko alam kung namamalik-mata lamang ako pero tila nakikipaghalikan ito sa buto ng mangga. Nilalabas n’ya ang kanyang dila. Eh hindi naman ganoon ang tamang pagkain ng mangga. O baka naman masyado lamang itong sarap na sarap sa kinakain. Napatingin na lamang ako sa ibang direksyon upang mag-iwas ng tingin. “Pasensya ka na, anak. Gutom na gutom kasi ang Itay. Sana ay hindi mo ako pag-isipan na patay-gutom.” Bigla itong tumawa. Napalingon akong muli sa kanya at saktong itinapon na nito ang manggang hindi ko naubos kanina. “S’ya, halika na, anak, at baka maabutan pa tayo ng tanghali.” Tumayo na ito kaya’t sumunod na rin ako. Napatingin-tingin ito sa buong paligid at muling nagsalita. “Mukhang may maliit na batis roon. Maghugas muna tayo ng kamay.” Naglakad kami papunta sa maliit na batis at naghugas ng aming mga kamay. Pagkatapos ay itinuloy na namin ang mahabang paglalakad. Habang binabaybay ang masukal na kagubatan ay kapansin-pansin ang aking pananahimik. Nakaramdam kasi ako ng mga paru-paro sa aking t’yan kanina habang kinakain ni Itay ang mangga ko. Parang naghalikan na rin kami nang hindi lamang direkta sa lagay na iyon dahil puno ang mangga ng laway ko. Ngunit sa kabilang banda ay wala namang malisya iyon dahil sarili ko itong ama. At anak n’ya naman ako. Para sa kanya siguro ay wala lamang iyon. Ako lang talaga ang parating mahilig maglagay ng malisya sa mga bagay-bagay. Naguguluhan man ay pinilit ko na lamang iyon balewalain. Baka nga naman kasi gutom na gutom lamang ang Itay. Mabilis n’ya rin kasing naubos ang mangga n’ya kanina. “‘Nak, malapit na tayo. Kaya mo pa ba?” Nabasag ang pag-iisip ko nang bigla itong magsalita. Agad naman akong tumango sabay ngiti. Mas binilisan ko pa ang paglalakad upang masabayan s’ya. “Ibang klaseng layo rin ang nilalakad mo sa araw-araw, ‘Tay,” banggit ko rito. Napangiti naman ito. “Kung para sa inyo lang naman, balewala lamang ito sa akin. Isa pa, sanay na ako rito, anak.” “Kaya pala kahit mga binti at hita mo ay batak na batak at punong-puno rin ng mga masel, ‘Tay.” biro ko kaya ay napatawa ito. “Syempre, anak. Ayaw ata ng Tatay mo na magkaroon ng chicken legs. Dapat pantayan ng pang-ibaba ko ang laki ng katawan ko.” Napailing-iling akong tumawa. “Pero, seryoso, ‘Tay. Maraming-maraming salamat sa mga sakripisyo mo para sa amin. Mas lalo akong nagkaroon ng determinasyon na pag-igihan ang pag-aaral upang maihaon ko kayo sa hirap. Maghintay ka lang, ‘Tay. Darating din tayo doon,” paglalahad ko rito. Pinigilan kong mangilid dahil malapit na kami sa hacienda at ayokong makita ako ng mga katrabaho ni Itay na mugto ang mga mata. Ginulo nito ang aking buhok sabay ngiti nang napakatamis. “Maaari mong gawing determinasyon ang kahirapan natin ngunit nais kong malaman mo na wala akong hinihinging anumang kapalit mula sa ‘yo, anak. Kung ano lamang ang makakaya mo, doon na rin ako. Ang pagkakayod ko sa trabaho ay para mabigyan kayo ng magandang kinabukasan. Hindi upang mapakinabangan ko kayo sakaling may kanya-kanya na kayong mga disenteng trabaho. Basta’t galingan mo lang palagi, anak. Nandito lang si Itay sa likod mo.” Mas lalo akong nangilid dahil sa mga nabanggit nito. Kung kelan talaga malapit na kami sa hacienda, eh. “‘Tay naman, ang aga mo namang magpaiyak, eh.” Muli itong tumawa at agad akong inakbayan ng yakap. Dumikit ang aking pisngi sa napakalaking kanang dibdib nito. Dinama ko ang mainit nitong yakap. “Mahal na mahal kita, anak.” “Mahal na mahal din kita, ‘Tay.” Isang may kahabaang halik sa bumbunan ang iginawad nito sa akin. ────୨ৎ──── “OH, Karlos. Mabuti naman at nakarating na kayo.” Agad kaming sinalubong ni Mang Paeng pagdating namin ng hacienda. Lumapit sa amin ang matanda upang batiin kaming mag-ama. “Magandang araw, Boss Paeng. Pasensya na kung medyo natagalan ang pagdating namin. Mas tirik yata ang araw ngayon kaya naisipan muna namin ng anak ko na sumilong sa puno upang magpahinga saglit,” banggit ni Itay rito. “Ayos lang ‘yon, Karlos, anak. Ang mahalaga ay nakarating na kayo,” tugon nito sabay tingin sa akin. “Aba, isinama mo nga itong anak mo, ah. Paniguradong matutuwa ang mga trabahante kapag nakita nila ang bibong batang ito.” Napangiti ako rito nang malapad. “Magandang araw ho, Mang Paeng. Kumusta ho kayo?” “Ayos naman, anak. Ikaw, kumusta ka na? Habang patagal nang patagal ay mas lalo ka yatang lumalaki sa paningin ko. Binata ka na nga talaga.” Napakamot na lamang ako ng aking batok habang nahihiyang tumingin sa ibang direksyon. “Naku, huwag mo nang ipaalala, Boss Paeng. Parang sinasabi mo na rin na patanda na rin ako nang patanda.” Nagtawanan ang dalawa. “Ikaw talaga, Karlos. Pero darating din ang araw na medyo uugod-ugod ka na rin katulad ko. Kaya napakaswerte mo at ikaw yata ang may pinakamagandang katawan sa buong bayan. Habang nasa ganyang anyo ka pa ay lasapin mo na.” Muli silang nagtawanan kaya nakitawa na lang din ako. Ilang saglit pa ay sinamahan na rin kami ni Mang Paeng na dumiretso papasok ng hacienda. Ang matanda ang namamahala sa mga trabahante rito sa buong plantasyon. Kanang kamay kasi ito ni Don Leandro, ang s’yang may-ari ng haciendang ito. Bata pa lamang ako ay kilala ko na ito. Sadya kasi itong magiliw at parating nakangiti. Kaya naman ay napakagaan ng loob ko rito. Katulad ng naging reaksyon ni Mang Paeng ay binati rin ako ng mga ka-trabaho ng aking ama nang makita ako ng mga ito. Labis ang kanilang tuwa nang muli akong masilayan dahil ilang buwan na rin noong huli akong bumisita rito. Musmos pa lamang kasi ako ay madalas na akong isama rito sa hacienda ni Itay. Nasaksihan ng mga ito ang paglaki ko. Kaya naman ay parang anak na rin nila ako kung ituring. “Natutuwa ako sa pagbabalik mo, Kiko,” ani Aling Nora matapos ako nitong yakapin. S’ya ang nagsilbi kong ina-inahan dito sa hacienda. Si Aling Nora ang dating taga-alaga ng mga anak ni Don Leandro. “Kung alam ko lamang na pupunta ka pala rito ay isinama ko na rin sana si Rey,” banggit ni Mang Rio, ama ng matalik kong kaibigan na si Rey. Katulad ng aking ama ay taga-buhat din ito ng mga ani rito sa plantasyon. “Nga pala, Mang Rio. Kumusta na ho si Rey?” naisipan ko nang tanungin ito tungkol sa kalagayan ng aking kaibigan. “Ayos na s’ya, anak. Katunayan ay makakapasok na s’ya simula sa Lunes.” Napahinga ako nang maluwag sa aking narinig. Sa wakas ay makakasama ko na rin sa paaralan ang pinakamatalik kong kaibigan. Sobrang nami-miss ko na kasi ito. Halos hindi kami mapagbuklod ni Rey simula noong mga uhugin pa lamang kami. Kung nasaan ako ay naroon din s’ya. Ganoon din ako sa kanya. Kaya natutuwa akong makakapasok na ito sa Lunes. “Salamat ho sa napakagandang balita, Mang Rio.” Matapos kaming mag-usap-usap ay pinatawag na ni Mang Paeng sina Itay upang magbuhat ng ilang mga ani na ide-deliver daw sa siyudad. Ang plantasyon kasing ito ang pinakamalaking pinagkukuhanan ng ilang mga produkto katulad ng tubo at mais sa buong rehiyon. Habang abala sina Itay ay naisipan ko na munang tumulong sa paglalagay ng mga dekorasyon sa lokasyon kung saan magaganap ang kanilang munting piging. Nasa harapan lang din ito ng plantasyon at napapalibutan ng mga puno. Presko ang hangin dito dahil sa nasa lilim ito ng mga puno. Nalaman kong si Don Leandro pala ang nag-orkestra ng piging na ito upang bigyan sila ng araw upang magliwaliw at makalimutan pansamantala ang trabaho. Hindi rin naman kasi biro ang dinaranas nilang pagbabanat ng buto rito sa hacienda. Dahil nakapagtala raw ng pinakamataas na produksyon sa buong kasaysayan ng plantasyon ay nagdesisyon ang Don na taasan ang kanilang sahod at bigyan sila ng araw upang magsaya. Patunay na may ginintuang puso ito kahit pa ubod ng yaman. Abala ako sa pag-iihip ng mga lobo nang bigla na lamang akong siniko nang mahina ng isang lalaki. Nang lingunin ko ito ay agad kong nakita si Kuya Paul. Kapwa ito trabahante ng aking ama at kasama n’ya sa pagbubuhat ng mga produkto. Nasaksihan ko kung paano nagbago ang anyo nito bilang isang patpating tinedyer noon hangang sa isang ubod ng maskuladong lalaki ngayon. “Kuya Paul. Ikaw pala,” bati ko rito. “Kumusta ka na, Kiko?” Tila tagos hanggang buto ang mga titig na ipinupukol nito kaya naman ay nag-iwas ako rito ng tingin. “A-ayos lang naman ho, Kuya.” “Kanina ka pa pinagmamasdan ng Don. Hindi mo man lang ba s’ya babatiin?” May tinignan ito mula sa malayo. Sinundan ko rin ng tingin kung saan nito ipinukol ang mga mata. Nasaksihan ko si Don na nakatayo mula sa itaas ng balkonahe ng mansyon. Ngayon ko lamang ito napansin. May hawak itong sigarilyong pang-mayaman habang mukhang nakatingin nga sa aking gawi. O baka naman hindi lamang ako ang tinitignan nito kundi ang buong paghahanda ng piging? Nag-iwas na ako rito ng tingin at agad na nagsalita. “B-baka naman ho hindi lamang ako ang pinagmamasdan ng Don.” Agad na ngumisi si Kuya Paul. “Malaking isda na mismo ang lumalapit, bata. Bihira ang mga pagkakataong ganto.” Matapos sabihin iyon ay kinindatan ako nito at saka ay umalis. Naiwan naman akong naguguluhan at kinakabahan. Ano kayang ibig sabihin ni Kuya Paul? At ano ang nais ipahiwatig ni Don Leandro? Natapos na ang paghahanda at oras na upang magsimula ang kasiyahan. Bumalik na rin sina Itay kasama ang ilang mga trabahador. Maayos nang nakalatag ang mga pagkain at dekorado na rin ang buong paligid. Kapansin-pansin ang aking pananahimik sa kabila ng maingay na salu-salo. Napagtanto ko na kasi ang ibig sabihin ni Kuya Paul kanina. Kung ganoon ba ay may gusto sa akin ang Don? Mukhang imposible. Hindi naman ako ganoon kagwapo. Hindi ako kagusto-gusto (base sa sarili kong opinyon). Ngunit dahil sa mga sinabi ni Louis tungkol sa akin ay baka nga may katangian akong gusto ng kalalakihan. Dahil ba sa mukha akong babae at maamo ang mukha? O sa medyo balingkinitan kong pangangatawan? “Anak, nariyan ka pala.” Halos mapaigtad ako sa gulat nang bigla na lamang akong kalabitin ng aking ama. “Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpunta?” “‘T-tay... Kanina pa ho ako nandito.” “S’ya nga pala, anak. Gusto kang makilala ni Don Leandro.” Saka ko lamang napansin na nakatayo pala ang Don sa likod nito mismo. Nakangiti itong lumapit sa akin. “Good morning, Kiko. Kumusta ka na?” Tila natuyuan ako ng laway sa lalamunan at hindi ako makapagsalita. Yumuko na lamang ako upang magpakita ng respeto rito. “Pasensya na ho kayo, Don Leandro. Likas na mahiyain ho kasi itong anak ko.” Napatawa ng mahina ang Don. “I see, I see. S’ya, it’s so nice seeing you again, dear.” Hinawakan nito ang aking balikat at marahan iyong hinagod. Pagkatapos ay tumalikod na ito at naglakad palayo habang kausap pa rin ang aking ama. Naiwan akong nanginginig at nangangatog ang mga tuhod. Bumalik kasi sa aking alaala ang nakaraan. Ang araw na iyon na hinding-hindi ko na gustong balikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD