Tahimik sa loob ng opisina ni Rhilia at mahimbing ang tulog ng dalawang alaga niya. Gusto sana niyang magpahinga kahit sandali pero dahil sa ulat na ibinigay ni Killian—isa sa dalawang tigre na inutusan niyang pumunta sa Asturia—ay hindi siya mapalagay ngayon. "Kung gano'n, si Latrell Olanticart at Black Troa ang nakapatay kay Chance Akindarima." Ipinatong ni Rhilia ang dalawang paa sa lamesa at napapaisip na tumingin sa kisameng gawa sa asul na marmol. Bilang isang Zu-in mabilis na nakakarating sa kanya ang mga balita tungkol sa ginagawa ng iba pa. Subalit iba ngayon. Tatlong araw na ang nakalipas simula no'ng mangyari 'yon pero ngayon lang nakarating sa kanya ang balita. Hindi niya pa 'yon malalaman kung hindi niya inutusan si Killian na alamin ang mga kaganapan sa loob. "Kumilos

