Naghahanda na ang lahat ng mga pirata sa pag-alis. Akyat baba ang karamihan sa kanila dahil sa pagkakarga ng mga kagamitan sa barko. "Malaki ang maitutulong sa'min ng mga gamit na ibinigay mo Rhilia," turan ni Spayer. Bumaba siya ng barko dahil tinawag siya ni Rhilia. "Maliit na bagay. Malaki rin ang dapat na ipagpasalamat ko sa'yo. Kung hindi dahil sa tulong mo baka napahamak na ang mga mamamayan dito sa Idlanoa." Tumawa si Spayer. "Sinong mag-aakala na mahihina ang mga sundalong idinispatsa ng siraulong Duke?" "Hindi natin sila masisi. Nasa palasyo ang mga magagaling na kawal at hindi sila susunod hanggat walang utos mula kay Regenni Sulaire, kaya personal na kawal ni Radness Daji ang ipinadala rito ngayon" "Kahit pa'no alam ng knight na 'yon kung pa'no gamitin ang utak niya. Mukha

