"Balak mo bang palubugin ang buong Idlanoa para lang sundin ang gusto mo Spayer?" "Kung yan ang kailangan kong gawin para maialis siya sa gulong hindi mo nakayang pigilan gagawin ko." Ibinuka ni Spayer ang kanang kamay at nagpalabas ng kapangyarihan. "Kung kinakailangan kitang saktan gagawin ko." Naalerto si Rhilia. Hindi nagbibiro si Spayer. "Wala akong sinabi na hahayaan kitang gawin ang gusto mo." "Kung gano'n..." Hindi na nag-alangan si Spayer na tirahin si Rhilia. Nakailag naman ito kaagad at gumanti rin. Gamit ang kapangyarihan, pinaangat ni Spayer ang tubig at pinag-anyong dragon. Sinugod nito si Rhilia, nagpalabas naman siya ng matinding kidlat para pigilan ang tubig na dragon, natunaw ito nang matamaan nang malakas na boltahe ng kuryente. Pero hindi pa tapos si Spayer. Tumalo

