Kahit kinakapos na ng hangin ay hindi pa rin tumigil sa pagtakbo ang isang pirata. Panay ang lingon niya sa likod, sinisigurong walang kahit sinong bumubuntot sa kanya. Napapalibutan na siya nang matataas na puno at wala na rin ang sementadong daan na kanina lang ay tinatakbuhan niya. Humihingal na huminto ang siya nang maabot ang nag-iisang matandang puno sa kalagitnaan nang maliit na gubat. Sumulyap muna siya sa likuran, nang walang makitang kahit sino ay saka siya lumapit sa puno at saka kinatok ang katawan nito. Tok tok tok... tok tok... tokotok! Nagsimulang gumalaw ang puno. Umangat ito at mula sa ilalim nito ay bumukas ang isang lagusan. Pumasok do'n ang lalaki at dirediretsong binagtas ang makipot at mabatong kweba. Makaraan lang ang ilang sandali ay nakita niya na ang liwanag mu

