"Anong nangyari?" agad na tanong ni Daji sa mga kawal na naabutan niyang nanghihina sa loob ng kwarto ni Haring Riviel. Inilibot niya ang tingin sa kabuoan ng silid. Wala na ang katawan ng Hari at gano'n din ang kumot. "P-Pasensiya na po mahal na Duke, pero hindi rin namin alam kung anong nangyari. Naunahan kami ng mga kalaban bago pa kami makakilos," paliwanag ng isa. "Nakita niyo ba ang itsura nila?" Umiling ang mga ito. "Bigla po silang sumulpot galing sa kung saan." "Bool! Sinong lapastangan ang magtatangka sa katawan ng isang patay na Hari? Anong kailangan nila at nagawa nilang kunin ang katawan niya?" Nagmartsa siya palabas ng kuwarto at hinanap ang kawal na tumawag sa kanya kanina. "Anong balita kay Regenni?" "Gaya po ng iniutos niyo, minanmanan namin ang kilos ng knight, kanin

