-Wincess's POV-
"Wincess nasan na ba sila Prixon? Kanina pa tayo andito, ah?" may bahid na ng pag aalala sa tono ni Leni
"Oo nga! Nasan na ba yung mga yon 7 am ang usapan natin mag 8 am na, ah!" singit ni Kath
Nag kibit balikat lang ako sakanila. Ngayon na kase ang punta namin sa Baler para sa over night namin. Dito sa tapat ng campus ang usapan naming meet up pero tulad nga ng sabi nila wala pa ding Prixon at Paolo na dumarating!
Simula nung araw na mag talo kami ni Prixon ni anino nya hindi na ulit nag pakita sakin. Kaya malamang hindi na din sila dumating ngayon.
Tumayo ako bitbit ang bag pack ko.
"Oh. San ka pupunta?" tanong Janelle
"Mukhang hindi na dadating yung mga yon. Mauuna na kong maupo sa van. Kayong bahala kung gusto nyong mag hintay"
Napatunganga lang sila, habang pinag mamasdan ako sa pag lalakad. Binuksan ko ang pintuan ng van nila Leni. Nag tungo ako sa dulo ng wala sa sariling ulirat at dun naupo. Nagulat ako ng mapag tanto kong may lalaki na pa lang naunang maupo dito. Pinasadahan ko sya ng tingin kase mukhang tulog naman sya. Isang gwapo at morenong lalaki ito. Naka blue shirt sya, black pants at black nike shoes. Naka shades din sya at may earphones na nakasuot sa tenga nya. Siguro sya yung pinsan ni Leni?
Napalunok ako ng bigla syang pumihit at napalingon sakin. Leche! Napaupo tuloy ako ng maayos. Gising na ba sya? Hindi naman siguro. Hindi ko kase makita kung nakadilat ang mga mata nya dahil sa shades nya kaya hindi ako sigurado.
Nag pasya na lang ako na lumipat ng upuan. Dahan-dahan ko ulit binuhat ang bag ko para hindi sya tuluyang magising. Lilipat na lang ako dito sa upuang nasa harap ko. Bahagya akong tumayo para makalipat na pero napahinto akong bigla ng maramdaman ko ang pag hila nya sa bag ko. Dahan-dahan kong pinilig ang ulo ko para tignan ang kamay nyang nakahawak sa bag ko saka ko sya pinasadahan ng tingin. Ganon pa din nakasandal pa din sya habang suot ang shades nya. Kumunot ang noo ko.
"Diba uupo ka dito?"
Halos mapatalon ako ng marinig ko ang malamig na boses nya. Tinanggal nya ang suot na shades nya. Oh my! Nakaka pang lambot ang maala 'Daniel Padilla' nyang mga mata.
"Pwde kang maupo dito kung gusto mo"
"Ah okay" Napapahiya kong usal at dahan-dahan na lang bumalik sa pag upo
Halos hindi ako makagalaw, habang nakaupo ako, dahil sa gilid ng mga mata ko ay ang mga titig nya sakin. F*ck! Ano ba naman to! Bakit ba kase dito ako naupo!?
"Aalis na ba tayo?" aniya
Napalingon akong bigla sakanya. Hindi ako umimik. Nag kibit balikat lang ako. Hindi naman kase kami close.
"Oh. Gising ka na pala Neji"
Nalaglag ako sa upuan ng marinig ko ang boses na yon ni Leni. Nilingon ko sya naka silip sya sa pintuan ng van. May bahid ng pag tataka sa mukha nya ng makitang mag katabi kaming dalawa. Anyways! NEJI? So, yun pala ang pangalan nya. In fairness naman, bagay sa gwapong mukha nya ang magandang pangalan nya.
"Oh. Wincess? Mag kakilala na kayo?"
Umiling lang ako sakanya.
"Well. Sya yung sinasabi kong pinsan ko si Neji"
Pumihit ako para tignan si Neji na seryosong nakatingin sakin. Parang hinihintay pa nya na mag pakilala ako sakanya pero hindi pa din ako kumibo. Tumango ako at ningitian lang sya. Lumapit naman agad si Kath at Janelle ng marinig ang sinabing yon ni Leni. Lumapit sila para silipin din si Neji. Ang mga to talaga. Mabibilis pag dating sa mga lalaki!
"Omg! May gwapo ka pa lang pinsan Leni!" abot tenga pa ang ngisi ni Janelle
Isa-isa naman kaming pinakilala ni Leni sakanya, ngumiti lang sya ng matipid at bahagyang tumango samin pero hindi sya nakipag kamay.
"Aalis na ba tayo?" tanong pa nya kay Leni pag katapos
"A-ah! o-oo tara na girls?" si Leni
"Tara!" si Kath
"Sa harap na ko mauupo ha? Kayo dito na kayo maupo" patukoy pa ni Leni sa upuan na nasa harap ng inuupuan namin ni Neji
Sa harap mauupo si Leni sa tabi ng driver's seat, boyfriend nya kase ang mag di-drive para samin. Ito yung lalaking nag sayaw sakanya nung acquaintance namin.
"Pwde bang dito na lang ako sa tabi nya?" patukoy pa ni Janelle kay Neji
"Hindi pwde!" mataray na sagot pa ni Kath kay Janelle saka nito itinuro ang upuan na nasa harap namin "Dito tayo"
"Fine!" padabog pang pumasok sa van si Janelle
Isasara na sana ni Janelle ang pintuan pero laglag ang panga namin ng biglang may kamay na pumigil sa pag sara nito at bumangad dito si Prixon na medyo hinihingal pa. Nanlaki agad ang mga mata ko. Dumating sila? Sasama sila? Naka white jacket sya, baong black short at black adidas running shoes. May dala din syang black bag pack. Ang gwapo din nya lalong tignan sa black earings at black shades na suot nya. Kitang-kita din ang makapal na kilay nya na isa sa mga nag bibigay ng malakas na appeal nya. Damn! Mag ka-galit kami pero pinupuri ko pa din sya. Babdtrip!
"Oh. Prixon" si Janelle
"Late na ba kami?" aniya
"Hindi pa. Sige na maupo na kayo" si Leni
Luminga-linga muna sya. Kuminang ang mga mata nya ng mapatingin sya sakin. Napangisi agad sya pero agad din napawi yon at napalitan ng pag kunot ng noo ng mapansin nya si Neji na nakaupo sa tabi ko. Umakyat sya ng van at nakaupo sa tabi ko. Natigilan ako ng mag dikit na ang mga balikat namin. Gusto kong batukan ngayon ang sarili ko. Kainis! Dapat galit ako sakanya diba? Dapat naiinis ako sakanya pero bakit parang natuwa at na excite akong bigla nang dumating na sila?
Marahan nya kong pinasadahan ng tingin. Uminit tuloy ang pisngi ko.
"Why are you wearing that?" bungad nya agad sakin
Kumunot bigla ang noo ko "What?"
Pinasadahan ko agad ng tingin ang buong katawan ko. What's wrong with this? Naka black jumper ako na maiksi at may black sando na nakapaloob dito, white vans shoes at nakabusod ng paikot ang buhok ko. Wala naman akong nakikitang mali sa suot ko.
"Diba dapat hindi ka nag susuot ng... Uhmmm. M-masisikip... At... Maiiksi na din?"
Napairap agad ako sa sinabi nya. Tinitignan pa nya ko na parang hinihintay nya ang pag angal ko pero sumandal na lang ako at hindi na umimik. Ayoko pa naman sa lahat ay yung pinipintasan ang 'OOTD' ko! Halos isang araw kong pinag isipan ang isusuot ko ngayon at yung mga dadalin kong damit tapos kokontrahin lang nya!? Saka hindi naman to ganong ka-fit, hindi ko naman hahayaang maipit ang baby ko kung yon ang inaalala nya!
"Saka hindi mo naman sinabi na may kasama ka pa lang iba" malamig ang tono na sabi nya
Tumaas agad ang isang kilay ko, pumihit ako at nilingon sya "Ano na naman yang sinasabi mo?" galit agad ako
"Yan oh!" Ngumuso pa sya para ituro si Neji na nakaupo sa tabi ko "Kung alam ko lang sana nag dala na lang ako ng kotse para dun na lang tayo sumakay! Kainis!"
Pumilig ako at nilingon si Neji na nakatingin pala samin. Sh*t! Lumikot tuloy bigla ang mga mata ko at napakurap-kurap pa. Kaya mabilis ulit akong humilig ng tingin kay Prixon.
"A-ah! S-si Neji pala pinsan ni Leni" biglang sabi ko na gamit ang awkward na tono
"Ah... Neji pala"
"Neji si Prixon nga pala... B-barkada-"
"I'm Prixon boyfriend ni Wincess"
Napahampas agad ako sa braso nya bago nya mailahad ang kamay nya kay Neji na agad naman din tinanggap nito.
"Anong boyfriend ka dyan!" inirapan ko agad
"Umiikot na naman yang mata mo" ngumisi sya
"Pano nag sisimula ka na naman! Umayos ka nga!"
"Oo na. Sorry"
"Sshhh! Kung mag e-LQ lang kayo dito, paki-hinaan naman please!" suway ni Janelle samin
"Sus! Inggit ka lang yata sakanila, eh!" sabi naman ni Paolo sakanya
"Hindi no! Bakit naman ako maiinggit?"
"Kunyare ka pa! Kung maiinggit ka naman andito lang ako" biro pa nya kay Janelle saka sya humalakhak
"Ewan ko sayo! Tse."
Gusto ko din sanang humalakhak ng malakas kaso awkward naman kaya pinigilan ko ang pag tawa ko.
"Buti pala at nakaabot kami no?" pag iiba pa ni Prixon sa usapan
"Akala nga namin hindi na kayo sasama eh!" sabi ko pa ng hindi man lang sya nililingon
"Nag alala ka ba?"
Sinamaan ko sya ng tingin. OO! MALAMANG TANGA!
"Hindi... mas masaya nga sana ako kung hindi ka sumama"
Pinigil ko ang pag hinga ng maramdaman ko ang pag lapit ng mukha nya sa tenga ko at ng maramdaman ko ang pag hinga nya.
"Nag lilihi ka na naman"
Naramdaman ko pa ang pag ngisi nya. Itinulak ko agad sya palayo sakin at pinandilatan ko sya ng mata ng mag tagpo ang mga mata namin. Pero ang bwesit! Ngumisi lang at kininditan pa ko! Buti na lang at iniba na nya ang usapan, mukang gets naman nya ang gusto kong iparating sakanya.
"Anyways. Pinagawan nga pala kita ng chicken sandwich kay mama" aniya na iniabot pa sakin ang isang chicken sandwich na nakalagay pa sa isang transparent box
Nabuhay na naman ang mga paru-paro sa tyan ko at masayang nag liliparan.
"Konti lang yung sibuyas nyan, pinabawasan ko" dagdag pa nya
Ewan ba kung bakit pero kusa yatang gumalaw ang labi ko. Bigla na lang kase akong napangiti sakanya, mabilis naman din syang ngumisi sakin kaya nakita ko na naman ang cute dimple nya. Binawi ko agad ang ngiti ko at pinalitan ko ito ng pag kunot ng noo ko ng magising ako sa sariling ulirat ko.
Teka lang! Bakit ko ba sya ningingitian!? Hindi nga pala kami okay! Hindi nga pala kami bati. HINDI!
"Salamat na lang pero busog pa ko" kahit gusto ko talagang tanggapin yon
Ngumisi sya sakin na parang nang aasar pa "Talaga?"
"Oo!" Inirapan ko na nga
"Edi mamaya mo na lang kainin pag nagutom ka na"
"Hindi na masarap yan pag nag tagal na kaya hindi ko na din makakain yan mamaya" mataray na sabi ko pa sakanya
"Kaya nga ngayon mo na kainin"
"Eh. Busog nga ako!"
Napa-kamot pa sya ng ulo "P-pero sa-"
"Anyways, nakausap mo na ba si Lauriz? Ano? okay na ba kayo? Nag kabalikan na ba kayo? Kayo na ba ulit? Congrats, ha?"
Hindi ko na nagawang mag preno. Direderetsong sabi ko pa. Uminit ang ulo ko ng humalakhak sya. Ang bwesit na'to!
"Jealous Win-"
Hindi ko na sya pinatapos sa pag sasalita agad akong bumaling ng tingin kay Neji na nakikinig ng music sa earphones nya kaya napawi agad ang pag halakhak ni Prixon. Narinig ko pa ang mahinang pag buntong hininga nya. Tinanggal ni Neji ang earphones nya sa tenga. Siguro napansin nya na parang may gusto akong sabihin sakanya.
"Pakinig naman ng music?" nakangising sabi ko pa sakanya. Feeling close lang Wincess?
Ngumisi din sya sakin "Sige. Mahilig ka ba sa mga acoustic?"
"Oo naman. Basta music"
Tinanggal nya ang isang earphone sa tenga nya "Okay. Ito oh!" saka nya ito iniabot sakin
Ngumisi ako ng malaki sakanya. Isinuot ko agad ang isang earphone sa tenga ko, sumandal ako sa sandalan ng upuan, ipinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ko ang 'with a smile' acoustic version na kanta sa iPad ni Neji. Napamaang ako sa gulat ng biglang may mag tanggal ng earphone sa tenga ko kaya napa-dilat akong bigla. Bumungad sakin Prixon na hawak pa ang earphone. Tumaas agad ang isang kilay ko sakanya.
"Bakit na naman ba!?" iritado na ko
Ngumisi sya sakin "Wala lang!"
Inirapan ko sya at nag baling ulit ako kay Neji na nakangisi agad sakin "Gusto mong manuod na lang ng movie?"
"Movie?"
"Oo. Mahilig ka bang manuod ng mga horror?"
"Horror!?" nanlaki agad ang mga mata ko "uhmmm. H-hindi gano eh"
"Ah. Ganon ba? Anong movie ba ang hilig mo?"
"Uhmmm. Kung gusto mo naman comedy na lang panoorin natin? May comedy movie ako dito sa cellphone ko"
Ngumisi sya sakin "Oh. Sige ba!"
Omg! Close na kami! Hihi. Kinuha ko agad ang iPhone 6 ko. Isinaksak ko dito ang earphones, iniabot ko kay Neji ang isang pares ng earphone at hinanap ko ang movie na naka save dito sa cellphone ko. Nag simula na kami sa panonood, ako ang may hawak ng cellphone. Unang eksena pa lang ay namula na kami kakatawa.
"HAHAHA!"
Isang malakas na halakhak ni Prixon ang umagaw ng atensyon namin ni Neji. Halos mahiga na sya habang naka sandal sa balikat ko. Dinuro-duro pa nya ang cellphone ko habang malakas syang humahalakhak. Napakunot bigla ang noo ko. Kulang na lang mahiga na sya! At ano bang tinatawa-tawa nya? Ni hindi nga nya naririnig yung movie?
"Nakakatawa pala yan!" aniya na kinuha pa ang cellphone na hawak ko habang hindi pa din mawala ang pag halakhak nya
"T-teka! Anong gagawin mo?"
"Manunuod nakakatawa eh. HAHAHAHA!"
Na high blood agad ako. Umakyat ang dugo ko papunta sa buong ulo ko. Nag papapansin ba sya!? KAINIS ha!? Inagaw ko agad ang cellphone ko sakanya.
"Akina nga yan!"
"Manunuod tayo diba?"
"KAMI! Kami ang manunuod!" madiin ang pag kakasabi ko sa unang salitang binanggit ko
"Ang sungit mo na naman!"
Inirapan ko ulit sya "Kainis ka, eh!"
"Oh. Nag e-LQ na naman kayong dalawa dyan" biro na naman ni Paolo samin
"Lagi naman silang ganyan" dagdag pa ni Janelle
Umirap na lang ako sa kawalan at hindi ko na lang sila pinansin. Nag baling ulit ako ng tingin kay Neji na natatawa sakin kaya kumunot ang noo ko sakanya.
"Makinig na lang ulit tayo ng music?" aniya
"Sure!" hilaw ang ngisi ko
~