“Ito na yung shawarma nyo”
Agad akong umayos sa pag kakaupo ko at nag baling ulit sa libro ko ng marinig ko ang boses na yon ni Prixon.
“Thankyou!” sabi pa ng tatlo ng maibigay na ni Prixon ang shawarma at buco shake sakanila
Naramdaman ko ang muling pag upo nya sa tabi ko. Langya! Kumalabog agad ang traydor kong puso.
“Ito na yung buco shake mo, siomai, and shawarma without cucumber”
Nanigas ako ng maramdaman ko ulit ang pag lapit ng mukha nya sa tenga ko.
“Hindi ko na binili yung mga bawal sayo”
“S-salamat”
Inipat ko ulit ng page ang libto ko para kunyare nag babasa talaga ko, pero ang totoo naiilang lang talaga kong tumingin sakanya.
“Hindi ka pa ba kakain? Lalamig na‘to” aniya
“Oo nga naman Wincess! Pinabili mo tapos hindi mo kakainin?” Pag tataas ng kilay ni Janelle sakin
Ay, pag tulungan daw ba ko? Siguro masama pa din ang loob nito dahil kay Prixon. Tsss! Kinuha ko agad ang shawarma saka ko ito kinain.
“Masarap?”
“Oo-”
Dahan-dahan nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang sunggapan ng kagat ni Prixon ang shawarmang kagat-kagat ko pa. Oh. Sh*t! Umakyat yata lahat ng dugo ko papunta sa pisngi ko.
“Ang sarap nga!” Pilyo nyang sabi
Hinampas ko agad ang braso nya saka ko nilingon ang mga kasama namin na pare-parehas laglag ang panga sa ginawang yon ni Prixon.
“Baka naman langgamin na kayo dyan” pang aasar ni Paolo
“Ayiiiiieeee!” dagdag pa ni Leni at Kath
“Tumigil nga kayo!” suway ko pa sakanila saka ko sila inirapan
Bumaling ulit ako ng tingin kay Prixon na nakangisi na naman sakin. Nakakainis na yung ganitong feeling! Hindi ko na magets. Minsan kinikilig ako sakanya madalas naman naiinis ako. Naiinis ako sa mga kinikilos nya. Naiinis ako sa pag papanggap nya. Naiinis ako sa mga plastik na ngiti at pag tawa nya! Naiinis ako pag naiisip ko yung totoo na napipilitan lang naman sya sakin, na hindi naman nya ginagawa lahat ‘to dahil sa gusto nya talaga ko. Na kaya lang naman nya ginagawa lahat ng ‘to dahil lang dinadala ko ang magiging anak nya. Yun lang ang dahilan ng lahat. KAINIS!
Halos tumambling ang lamesa sa pag kakatayo ko kaya naagaw ko ang atensyon nilang lahat.
“C.r lang ako”
Hindi ko na nahintay ang pag tango nila tumalikod na agad ako sa kanila at nag lakad paalis.
“Kainis! Kainis talaga!”
Sigaw ko sa sarili ko, habang naka tingin sa salamin. Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng c.r Napahinto ako ng makita ko si Prixon sa tapat ng pintuan ng c.r pag kalabas ko. Nakasandal sya sa dingding habang nakapa-mulsa pa ang dalawang kamay nya. Napatalon sya ng makita ako kaya lumapit agad sya sakin.
“Okay ka lang ba?” Bakas ang pag aalala sa tono nya
“Anong ginagawa mo dito?” pag tataray ko pa
“Nag-aalala kase ko na baka naduduwal ka na naman, baka may nakain ka na di mo nagustuhan”
Tumaas bigla ang isa kong kilay “okay lang ako!” nag patuloy na ko sa pag lalakad
Napahinto ako ng mabilis namang hinawakan ng mapangahas nyang kamay ang braso ko.
“Sandali lang. May problema ba?”
Nilingon ko sya saka ko binawi ang braso ko sakanya “Wala! Okay nga lang kako ako, diba?”
Bigla syang ngumisi. Naiinis tuloy akong lalo.
“Bakit ba kainit ng ulo mo? Ganyan ba talaga pag nag lilihi?”
Hindi na ko umiik. Inirapan ko lang sya. Nag tangka ulit akong umalis pero hinawakan na naman nya ang braso ko saka nya ko hinila paharap sakanya. Kumabog agad ng malakas ang dibdib ko ng mag tama na ang mga mata namin.
“Prixon?”
Napahinto kaming dalawa. Sabay kaming pumilig para tignan ang babaeng tumawag sakanya. Laglag parehas ang panga namin ng bumungad samin ang ex-girlfriend nya na nakatayo doon. Oo tama! Yung ex-girlfriend nya na kasama nya nung may laban sila nila kuya sa basketball, yung ex-girlfriend nya na iniwan nya para samin ni baby, at yung ex-girlfriend nya na iniyakan nya. Sya nga ang ex-girlfriend ni Prixon na nakatayo ngayon sa harapan namin. Mabilis kong binawi ang braso ko sakanya.
“Lauriz? Anong ginagawa mo dito?”
“Katabi lang nito ang faculty namin diba? eh. Ikaw anong ginagawa mo dito? Diba masyadong malayo ang faculty nyo para makarating ka pa dito?” matabang na tanong pa nito pero kita ko ang pamumuo ng mga luha nya
“It's non of your business!”
Naningas ang buong katawan ko dahil sa tensyon na nabubuo ngayon. Hinawakan nya ulit ang braso ko para hilahin ako palayo.
“Aray! Ano ba, bitawan mo nga ako!” reklamo ko pa sakanya
“S-sandali lang” gumaralgal na ang boses ni Lauriz
Napahinto kami ni Prixon sa pag lalakad. Sabay pa kaming napatingin kay Lauriz, gigil at nakayukom ang mga kamay nya namumula at namumuo ang luha sa mga mata nya.
“Bakit?” Walang kabuhay-buhay na tugon ni Prixon
“Sya ba? Sya ba ang pinalit mo sakin?” mariin at pasigaw ang pag kakasabi nya sa huling pangungusap. kasabay nito ang pag tulo ng luha nya.
Namutla ako. Nakaramdam akong bigla ng awa ng makita ko ang itsurang yon ni Lauriz. May mga karayom akong nararamdaman na tumutusok sa puso ko. Sobra akong na gi-guilty ngayon. Feeling ko inagawan ko talaga sya, na ako ang third-party sakanila, na ako ang kontrabida sa love story nila.
I hate this!
“Are you qualified to asked that question?” sarkastikong tanong ni Prixon sakanya
Pinilig ko ang ulo ko para tignan si Prixon na ngayon ay madilim na ang mukha. Nakaramdam ako ng sobrang inis sakanya. Lagi naman.. pero iba yung inis ko ngayon. Napaka sama ng ugali nya. Bakit ganito nya itrato si Lauriz? Hindi na umimik si Lauriz kaya nilingon ko ulit sya. Kitang-kita ang pag ka-bigo sa mukha nya. Hindi ko talaga maiwasang hindi ma-guilty! Ako ang may kasalanan kung bakit iniwan sya ni Prixon at kung bakit ganito sya itrato ngayon ni Prixon.
Hinila ulit ni Prixon ang kamay ko palayo kay Lauriz. Naubusan ako ng lakas para pumalag sakanya. Dama ko ang galit nya dahil sa mahigpit na pag hawak nya sakin.
“Bitawan mo ko!” pero nagawa ko pang sumigaw sakanya
“Ano ba talagang problema mo? Bakit bigla ka na lang nag susungit?” tumaas ang tono nya
Galit na din sya sakin ngayon? dinadamay ba nya ko sa galit nya ng makita si Lauriz, o baka naman sakin talaga sya galit kase ako naman talaga ang dahilan ng lahat diba? Buong pwersa kong binawi ang braso ko sakanya. Medyo nanlambot sya kaya wala na syang nagawa.
“Ikaw! Ikaw ang problema ko!” basag na ang boses ko pero sinikap ko pa din na iayos ang pag sasalita ko
Inis nyang ginulo ang buhok nya “Bakit ako? Ano na naman yung ginawa ko?” basag na din ang boses nya
“Yan! Yan ang problema sayo! Naiinis ako sa mga inaarte mo na yan!”
“Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan!”
Huminga muna ako ng malalim bago mag salita ulit “Bakit mo sya kelangang itrato ng ganon, huh? At sa harapan ko pa?” medyo bumaba ang boses ko
Nakita ko ang pag ngiwi nya. Lumapit sya sakin, hinawakan nya ang dalawang balikat ko. Medyo madiin ang pag hawak nyang yon pero hindi ko na nagawang dumaing sakanya.
“Bakit ano ba dapat itrato ko sakanya, huh? Kelangan ba salubungin ko pa sya at i-beso sya? At maging sweet pa din ako sakanya kahit wala na kami?”
Itinulak ko ang dibdib nya palayo sakin “Naiinis ako kapag umaarte ka sa harapan naming lahat na kunyare concern ka talaga sakin. Naiinis ako kapag nag papanggap ka na kunyare gusto mo talaga ko. Na nililigawan mo talaga ko” nag simula ng mamuo ang mga luha sa mata ko “Alam mo ba kung gano nakakainis na makita ang plastik na ngiti at tawa mo? Ang pagiging kunyare masaya ka?” tuluyan ng bumagsak ang luha ko “Alam mo ba kung gano nakakainis na itrato mo sya ng ganon sa harapan ko para lang ipakita na pinaninindigan mo talaga ko? Alam mo ba na nakakainis kase feeling ko sobrang laki ng kasalanan ko sakanya, kase feeling ko inagaw talaga kita sakanya?” humikbi ako, mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko bago ulit ako mag patuloy sa pag sasalita “Sobrang nakaka-guilty na makita syang ganon!”
Kinagat ko ang labi kong nanginginig pa. Hindi ko alam kung pano ko nasabi ang lahat ng yon at kung san galing yon basta kusa lang syang lumabas sa bibig ko. Kinabahan ako ng makita ang pag dilim lalo ng mukha nya.
“Bakit akala mo ba ganon lang kadali para sakin ang lahat ng ‘to? Akala mo ba madali lang para sakin na iwan ang babaeng ilang taon kong hinintay na bumalik dito, para lang sayo!? Para sayo na nakasama ko lang nung gabing yon?” basag na din ang boses nya habang pulang-pula na ang mga mata nya “Akala mo ba masaya ako na ibang babae ang kasama ko ngayon at hindi ang babaeng totoong mahal ko? Akala mo ba madali para sakin na itrato sya ng ganon para lang kamuhian nya ko at tuluyan na nya kong makalimutan? Oo nag papanggap lang ako! At hindi ako masaya don!” sigaw nya sakin
Piniga ang puso ko. Panay ang punas ko sa mga luha ko na parang sirang gripong tumutulo ngayon. Pakiramdam ko ay may ilang parte sa puso ko ngayon ang konti-konting nangungunaw. Pakiramdam ko isa-isang namamatay ang mga paru-paro sa loob ng tyan ko. Sobrang sakit! Kumakalat sa buong sistema ko ang sakit.
Humikbi ako at pinilit pang mag salita “Yun naman pala, eh! Hindi ka naman pala masaya edi itigil mo na ‘to! Bumalik ka na lang sakanya!” nanginginig na ang boses ko “Walang pumilit sayo, walang nag makaawa sayo! Ikaw tong nag pumilit na pumasok sa buhay ko diba? Sinabi ko na sayo non, wala kang kelangang panindigan! Pero nag pumilit ka pa din!”
“Kase nga mahal ko ang anak ko!” sigaw pa nya “Nag sakripisyo ako kase ayokong matulad sya satin na lumaking walang tatay!”
Halos manigas ako sa sinabi nyang yon. Hindi ko na kayang mag salita pa, sobrang tuyo na ang lalamunan ko. Pakiramdam ko buong puso ko na ngayon ang nangunaw at namatay. Hindi ko na maramdaman ang pag t***k ng puso ko, tanging sakit na lang ang nararamdaman ko. Hindi ko na kaya to! Sasabog na ko! Bumuhos ulit ang luha ko. Dumapo agad ang dalawang palad ko sa mukha ko saka ako napa-hagulgol ng iyak.
Damn!
F*ck!
Sh*t!
T*ngna!
Malulutong na mura ang nasabi ko sa isip ko. Bakit kelangan sakin pa mangyari lahat ng to?
Tumindig ang lahat ng balahibo ko at napahinto ako sa pag hikbi ko ng maramdaman ko ang pag yakap nya sakin. Ramdam ko ang matigas at mainit na katawan nya dahil sa mahigpit na pag yakap nya. Narinig ko din ang pag hikbi nya at naramdaman ko ang malalim na pag hinga nya.
“I'm sorry”
Nanlaki bigla ang mga mata ko. Ramdam ko ang pag ka-bigo nya sa tono ng boses nya. Mas lalo pa tuloy akong naiyak. Ayoko ng ganitong feeling! Ayoko yung feeling na parang na gi-guilty ako ngayon dahil nag so-sorry sya sakin, ayoko yung ganitong feeling na nasasaktan ako dahil alam kong hindi talaga sya masaya at alam kong nasasaktan din sya dahil nasasaktan nya ang babaeng mahal nya. Ayoko yung ganitong feeling na isang sakripisyo lang para sakanya ang makasama ako! Hindi ko na talaga alam, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
NASASAKTAN AKO!
Kung pwde lang mag paka manhid na lang ako edi sana ginawa ko na.
“I'm sorry” pag ulit pa nya
Bawat ‘Sorry’ nya kumikirot ang puso ko. Ganito na ba talaga ang epekto nya sakin?
Bahagya ko munang pinakalma ang sarili ko. Kumawala ako sa pag kakayakap nya. Humikbi ako at pinunasan agad ang mga luha ko. Iniangat ko ang ulo ko at hinarap sya.
“Wag mong gawin ‘to kung alam mong hindi ka sasaya. Ayokong yung feeling na napipilitan ka lang, na ako ang dahilan kung bakit may dalawang taong nag kahiwalay at nasasaktan ngayon”
“But you're carrying my child! Kaya anong ine-expect mo na gagawin ko!?” medyo tumaas pa ang tono ng boses nya
Huminga muna ako ng malalim “Kausapin mo sya, ipaliwanag mo sakanya ang lahat. Hindi naman natin kelangan ipilit ang sarili natin sa isa‘t-isa kung hindi talaga pwde... para lang maging ama ka sa anak natin. Hindi ko naman tatanggalin ang karapatan mo sakanya. But for now, hayaan mo na lang sana na ako ang mag alaga sa sarili ko, na ako na lang ang bahalang umayos sa buhay ko at ayusin mo din ang sariling buhay mo”
“P-pero Wincess... a-ako din naman ang dahilan kung bakit nasira-”
“Please lang! Yun ang mas dapat nating gawin”
Grabe! Ang OA ko na ngayon.
-Prixon’s POV-
Pumihit sya at tinalikuran ako. Hindi ko na nagawang pigilan ang pag-alis nya. Kahit kelan ayoko talaga ng mga ganitong drama! Pero bakit imbis na magalit at mainis ako sakanya ito ko at naiinis sa sarili ko! Parang may kung ano akong nararamdaman na kumukurot sa dibdib ko sa twing maaalala ko ang pag-iyak ni Wincess kanina.
Ginulo ko ang buhok ko at bigla ko na lang naramdaman ang pag tulo mg luha ko sa pisngi ko.
NAKAKA-PUT*NGNA TALAGA!
~