Kabanata 27: Nag lilihi

2035 Words
"Bakit mo ko pinapunta dito?" Tanong ko agad kay Prixon nung kinabukasan ding yon, nang makarating na ko sa rooftop. Nagiging meeting place na yata namin to. Isang text kase nya ang natanggap ko kanina pag mulat pa lang ng mga mata ko. Prixon: Goodmorning mommy ng anak ko. Let's meet before your class. Dating place. See you! Kumain ka muna bago ka pumasok. Wag kang mag madali hindi naman ako aalis dito ng hindi ka pa dumarating. Ingatan mo sarili mo. Lagot ka sakin pag nadapa ka! Ngumisi agad sya ng makita ako "May ibibigay lang sana ko sayo" aniya "Huh? Ano naman yon?" Isang paper bag ang iniabot nya sakin. Nang tignan ko ito ay lampin na kulay pink at kulay blue ang laman nito. "Lampin?" "Nakita ko yan kahapon habang nag lalakad ako sa mall. Ang cute diba?" nakangiti pa na sabi nya "P-pero... Hindi ba masyado pang maaga para bumili ka ng mga gamit ng baby? Ni hindi pa nga natin alam kung babae o lalaki sya" "Kaya nga pambabae at pang lalaki yung kulay na binili ko diba? Ang cute-cute kase nyan kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na bilin yan, tignan mo may binili din akong mga medyas" Seriously? Ganito ba talaga sya ka-excited maging tatay? Napangisi tuloy akong bigla. Ang cute nya pa lang maging tatay. "What are you smiling at?" tanong nya ng mapansin nya ang pag pigil ko sa mga ngiti ko Sumimangot ako "Ha? H-hindi naman, ah?" "Anong hindi ka dyan? Ayan oh. Nakangiti ka" habang duro pa sakin ang index finger nya Sinapak ko agad ang braso nya. Ang kulit, eh! "Hindi nga sabi, eh!" "Pinag tatawanan mo ba ang pagiging excited ko sa pag labas ni baby?" "Hindi nga kulit!" "Kunyare ka pa eh. Mas excited ka pa nga sakin" "Ha? Anong sinasabi mo?" Kuminang bigla ang mga mata nya "Nakita kita non bago mo pa aminin sakin na buntis ka, nasa mall ka non mag isa at tumitingin ng mga gamit nang baby" "what?" Nambilog ang mga mata ko "Nakita mo ko non?" "Oo. Isa nga yon sa dahilan kung bakit ako nag karoon ng idea na buntis ka-" Mabilis lumipad ang palad ko sa bibig nya "Ssshhhh! ano ka ba? Wag ka naman masyadong maingay, baka may makarinig sayo" I whispered Hinawakan nya ang kamay ko at dahan-dahan itong tinanggal sakanyang bibig "Wala naman tao dito kaya walang makakarinig satin" Uminit ng husto ang pisngi ko, ng marealize ko ang kamay namin mag kahawak. Namula din ang pisngi nya kaya sya na mismo ang kusang bumitaw sa kamay ko. Sh*t naman! Bakit ba parang namimihasa na yata ang mapangahas nyang kamay sa kakahawak sa kamay ko? Awkward na kaya nag paalam na ko sakanya. Sabi ko sakanya babalik na ko sa classroom namin. Iniwan ko ang paper bag sakanya ayokong makita ni kuya yon sakin. "Oh san ka galing?" bungad ni Janelle sakin "Huh? D-dyan lang sa canteen, may binili lang ako" I lied "Ah. Ganon ba? Akala ko naman nakipag kita ka kay Prixon" Napalunok ako "Ha?" napailing naman akong bigla sakanila "Naku. Hindi, hindi! Hindi kami nag kita" Humalakhak bigla si Kath "Ang defensive masyado, ha? Guilty lang?" Sh*t! Bakit parang may alam si Kath? "H-hindi naman sa ganon. Hindi lang talaga kami nag kita. Promise!" feeling ko sinasaksak ako dahil sa pag sisinungaling ko "Edi hindi kung hindi. Anyways dahil wala ka dito kanina hindi ka tuloy nakasali sa meeting namin" ani Lenie Kumunot ang noo ko "Meeting? Anong meeting? Tungkol saan?" "Almost one week na lang kase birthday ko na at napag meetingan naming tatlo na sa isang bar na lang ako mag ce-celebrate ng birthday ko" "S-sa bar?" OMG! Hindi 'to pwde! Hindi ako pwdeng sumama sakanila sa bar, hindi ako pwdeng uminom ng alak dahil dito sa kalagayan ko! Kelangan mag suggest ako ng iba kay Leni. "Bakit sa bar pa?" I asked "Hindi ba yon okay sayo?" "Uhmmm. Naisip ko lang kase hindi ba mas okay yung mag outing na lang tayo? Mag over night tayo sa isang resort" "Aba! Ayos yang naisip mo ah?" pag sang-ayon agad ni Kath "Oo nga! Mukhang mas okay nga yan" pag sang-ayon din ni Leni "So, san tayo?" ani Janelle "Okay lang ba kung sa Baler tayo?" suggestion ni Leni "Oo naman! Gusto ko din mag punta ng Baler" "Oo nga ako din" pag sang-ayon pa sakin ni Kath "So, dun na lang tayo? May safe house kase yung tita ko don malapit sa dagat pwde ko syang kausapin na mag o-over night tayo don" si Leni "Ayos pala eh! Sige tara sa Baler!" si Kath ulit "Pwde ba natin isama si Paolo at Prixon, ha?" Halos malaglag ako sa upuan dahil sa suggestion na yon ni Janelle. "si Paolo at Prixon?" "Oo. Sige na Wincess ayain mo sila" "Oo nga. Sigurado kase ko na ipapasama sakin nila mama yung pinsan kong lalaki, tapos kasama din yung boyfriend ko. Para apat na lalaki at apat na babae tayo" "Oo nga naman Wincess, ayain mo na sila, mas masaya kung madami tayo" - Si Kath Napa-kamot na lang ako ng ulo "S-sige. I'll try" Nakita ko nag pag kinang ng mga mata nila. BADTRIP! Kainis! Ano ng gagawin ko? Siguradong hindi ako mag e-enjoy na kasama si Prixon. Oh my! Teka- Lumiit ang mga mata ko at napa evil smile. Maliban na lang kung kusa syang hindi sumama. Natapos na ang morning class namin kumain kami sa cafeteria at tumambay sa student center pag katapos. May 3 hours vacant kase kami ngayong araw. Lumingon-lingon ako sa paligid namin. Nakakapag taka kase ni anino ni Prixon hindi nag pakita ngayon. Walangya! Namimiss ko ba sya? No way! Mas okay na yung wala sya, no! "Andito pala kayo" Isang familiar na boses, amoy at presensya ang naramdaman kong naupo sa tabi ko. Hindi ko na sya kelangan pang lingunin para malaman ko kung sino sya. Naupo si Paolo sa dapat nya, sa tabi ni Janelle. Pumilig ako at nilingon si Prixon na naka ngising nakatingin sakin. Napatunganga ako ng makita ang kakaibang itsura nya ngayon. Aba! Bagong gupit ba sya? Bakit parang mas naging gwapo sya ngayon? "Laway mo tumutulo na" biro pa nya sakin Dun pa lang ako natauhan. Kanina pa pala ko nakatitig sakanya. Kainis! Binira ko agad sya sa kanyang braso. "Siraulo!" Nag baling na lang ako ng tingin sa librong hawak ko para maitago ang nahihiyang mukha ko. Kakahiya! Bwesit! Bat ba kase ka-gwapo nya? "Makatingin ka kase parang wala ng bukas" dagdag pa nya gamit ang nang aasar na tono Nilingon ko ulit sya sagad ang, hanggang tenga ang ngisi nya "Ano ba kaseng ginagawa nyo dito?" kunyare galit ako "Wala na kaming klase, saka alam kong vacant nyo ng 3 hours ngayon kaya naisip naming puntahan kayo dito" "Sakto nga eh! Andito kayo" sabi Leni "Bakit? May problema ba?" si Prixon I swear, gusto kong bitbitin si Leni paalis dito, nang hindi na nya maituloy ang sasabihin. "Next week kase birthday ko na, so we're decided na mag over night sa Baler, sama kayo ha?" "Kami? Isasama nyo kami?" bakas ang excitement sa tono ni Paolo "Oo naman. Mas masaya kung kasama kayo. Oh ano game?" "Sige ba!" mabilis na sagot ni Prixon na nag pabagsak sa balikat ko Nag katinginan kami naka ngiting aso pa ang demonyo! Nakakairita! Lalo na ng kinindatan pa nya ko. Halos umakyat ang dugo ko papunta sa ulo ko. Inirapan ko agad sya sabay tingin sa libro kong nakapatong sa lamesa. Paulit-ulit kong binabasa ang isang sentence pero hindi pa din pumapasok sa utak ko ang mga ito. Sh*t! Masyado yata akong naiirita sakanya. Dahil ba yon sa ngiti nyang nakakalusaw? Sa kindat nyang nakaka-pangilabot at sa ka-gwapuhan nyang nakakapag laway? Napailing agad ako. Damn! Ano na naman ba tong iniisip mo Wincess? Nag kakagusto ka na ba sakanya? Umayos ka nga! UMAYOS KA! Hays! There's really something wrong with me. "Exciting diba? Mag kakasama tayo sa isang overnight?" Halos tumayo ang balahibo ko sa batok, nang maramdaman ko ang hininga nya sa tenga ko. Bigla na lang nanigas ang buong katawan ko. Hindi ko na tuloy nagawang lingunin pa sya. "Tayo? Baka tayong lahat!" pag tama ko pa "Oo nga sabi ko nga. Pero atleast mag kakasama tayong dalawa" Napa-tunganga ako, habang nakatingin pa din ako sa libro ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Nag liparan ang mga paru-paro sa tyan ko. OH MY GOD! Please! Wincess calm down! "Too excited? Hindi ka na naka-imik dyan?" rinig ko pa ang pag halakhak nya "No!" "Uy! galit na sya" Hindi pa din humuhupa ang pag halakhak nya kaya hinampas ko na ang braso nya. "Tse. Ewan ko sayo!" "LQ agad?" natatawang sabi pa ni Kath Hindi ko na pinansin ang sinabing yon ni Kath nag panggap na lang ako na busy ako sa pag babasa, habang malakas naman ang pag halakhak ni Prixon. Tawang demonyo talaga ang lalaking to. "Gutom lang siguro yan. kumain ka na ba?" napawi na ang pag tawa nya "Oo" tamad na sagot ko sakanya habang titig na titig pa din ako sa libro ko "Baka may gusto kang kainin?" "Wala!" "Sige na kahit ano ibibili kita. Hindi kase ko nakapag dala ngayon busy si mama" Napabuntong hininga ako. Pinilig ko ang ulo ko at tinignan sya ng masama. Aba! Kulit mo din, ha? "Wala nga! Kulit mo" iritadong sabi ko at nag baling ulit ng tingin sa libro "Wag ka ng mahiya. Sabi ko nga sayo diba masanay ka na?" Aba! Talaga naman! Padabog kong isinara ang librong binabasa ko (kunyare). Pumihit ako para lingunin sya. Tumaas ang isang kilay ko at nag half smile ako sakanya. "Okay fine! Actually parang gusto ko ngang kumain ng shawarma ngayon, eh" "Talaga? Sige ibibili kita" tumayo agad sya "kayo girls anong gusto nyo?" tanong pa nya sa tatlo "Shawarma na lang din sakin" si Kath "Sakin din" si Janelle "Me too" si Leni "Okay! Pao samahan mo ko?" sabi nya kay Paolo na agad naman din tumayo "Saka pala siomai, calamares, ihaw-ihaw, kwek-kwek, banana q at chicken skin na din.. At yung shawarma pala ayokong may pipino" dagdag ko pa, habang nakatingin na ulit ako sa libro ko Sa gilid ng mga mata ko ay ang laglag nilang mga panga. Wala sakanila ang kumikibo. Bahagya pa kong napangiti, habang nakayuko ako at nakatingin pa din sa libro ko. Tinatanong mo yung gusto ko diba? Sige. Bilin mo ngayon lahat yan! "Ha? Lahat yon?" Tumaas lang ang isang kilay ko, saka ko inilipat ang libro sa kabilang page "Oo. Saka pala buco shake na din" dagdag ko pa ulit Pinigil ko ang pag hinga ng maramdaman ko ang pag lapit ng mukha nya sa tenga ko. Napalunok akong bigla ng maramdaman ang hininga nya dito. "Diba hindi pwde sayo yung mga mamantika at mga inihaw?" matabang nyang sabi Oo nga pala! "E-edi... Bilin mo na lang kung gusto mong bilin!" nanigas na ko "Okay it's better. S-sige... teka lang ibibili kita- Tara Pao?" Napa buntong hininga pa ko ng malalim ng makaalis na sila ni Paolo. Iniangat ko ang ulo ko at pasimple kong tinignan ang tatlo na kanina pa walang imik. Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin. Iisa lang ang ekspresyon nilang tatlo. Mga naka titig sila sakin, habang nakasalubong ang mga kilay at punong-puno ng pag tataka ang mga tingin nila. "Oh. Bakit ganyan kayo makatingin?" Tumaas ang isang kilay ni Kath sakin "Nag lilihi ka ba?" Napailing agad ako sa tanong yon "Naku! H-hindi no! Ano ba yang sinasabi mo?" sh*t! Napaka guilty ko! "Porket nililigawan ka ni Prixon wagas ka ng makademand huh!? Daig mo pa yung nag lilihi kakapabili sakanya" singir naman ni Janelle "A-ah! A-ano k-kase-" nauutal na ko medyo na nginginig kase ang labi ko "Ano ba naman kayo girls! Ayos lang yung ginawa ni Wincess na yon para ma-test nya yung sincerity ni Prixon sakanya" pag tatanggol pa ni Leni sakin "Uhmmm. Sabagay may point ka dyan, basta Wincess ishare mo samin yung mga pinabili mo huh?" ngising aso na si Kath "O-oo ba!" hilaw ang ngiti ko Buti na lang ligtas pa din ako! ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD