Linggo ngayon, ito ang unang check-up ko sa isang O.B. kaya sobrang kinakabahan talaga ko.
Mag isa lang ako. Naupo agad ako sa bandang gitna sa tabi ng bintana pag sakay ko ng bus. Naramdaman ko na may taong naupo sa tabi ko kaya nilingon ko sya agad. Halos malaglag ako sa upuan ng makita ang lalaking naka gray jacket at maong pants. Nakangisi pa sya habang nakatingin sakin
"A-anong ginagawa mo dito? Mr. Evans?"
"Ngayon ang check-up mo diba? Sasamahan kita"
"Hindi mo naman na yon kelangan gawin, baka mamaya may makakita satin na kakilala ni kuya"
"Pero gusto kitang samahan. Kelangan ko din naman malaman ang kalagayan nyo ng anak ko"
Biglang nag liparan ang mga paru-paro sa loob ng tyan ko. Agad akong nag iwas ng tingin sakanya. Kinagat ko ang labi ko at nag sumikap akong pigilin ang pag ngiti ko. Umiling ako para gisingin ang sarili ko. Kinikilig ba ko!?
Sh*t! What's wrong with me? Bakit ko nararamdaman to? Di ko din alam. Kainis! Umayos ka nga Wincess!
"Binilan pala kita ng pag kain baka kase hindi ka pa kumakain, makakasama yon sa bata" aniya saka nya iniabot sakin ang isang paper bag
"Kumain na ko" tamad na sabi ko
"Pero si baby hindi pa kaya ayan kunin mo na" pinatong nya agad sa legs ko paper bag na yon
Hindi na ko umimik. Bumaling na lang ulit ako ng tingin sa bintana at pinag masdan ang mga sasakyan na naka kasalubong namin. Kainis! May parang nakakakiliting kuryente akong nararamdaman sa twing dumidikit ang balat nya sa balat ko. Ano ba naman 'to!
Huminto na ang bus, agad nyang kinuha ang bag ko saka kami sabay na bumaba ng bus. Nag papaka gentleman pa ang loko!
"Akina ang bag ko, kaya ko na yan"
"Hindi pwde! Hindi ka dapat nag bubuhat ng mabibigat"
"Hindi naman mabigat yan eh!"
"Basta wag ka ng makulit!"
Inirapan ko agad sya "Ikaw 'tong makulit eh!" saka ko pilit inagaw ang bag sakanya "Kaya ko na nga yan"
Inilayo nya agad sakin ang bag ko. Iniangat pa nya to para hindi ko maabot saka nya hinawakan ang kamay ko kaya napahinto akong bigla. Nang hina akong bigla kaya hindi ko na nagawang pumalag pa sakanya.
"Tara na sa loob" aniya saka nya hinila ang kamay ko
Umiinit ang pisngi ko habang pinag mamasdan ko ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko.
"You must be the father of the child?" sabi ni doktora
"Yes doc. I am"
Nanlaki pa ang mga mata ko sa pag amin nya.
"Mabuti naman at sinamahan mo ang misis mo dito, kadalasan kase yung iba hindi na sila sinasamahan ng mga asawa nilang mag pa check-up"
Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi ni doktora "N-no d-doc, I'm not his wife"
"O-oh. I thought you are, well I'm sorry. Anyways healthy naman si baby... Ang kaso... Hindi sya masyadong makapit"
"Po? So anong dapat naming gawin?" nauna pa talaga syang mag react sakin!
"Kelangan lang umiwas ka sa kahit anong stress, sundin mo tong mga nilista ko na dapat at hindi mo dapat kainin saka inumin mo yung vitamins na irereseta ko sayo. "
"Okay po doc"
"Salamat po doc" dagdag ni Prixon
Medyo awkward pa din. Na pag kamalan pa talaga kaming mag asawa. Tssss! Tapos awkward din tong mga kinikilos ni Prixon. Naka todo alalay pa talaga sya sakin, sa pag lalakad ko, sa pag akyat at baba ko ng hagdanan. Bawat hakbang at kilos ko naka alalay sya. Kainis! Akala mo namang totoo talaga yung pag aalaga at pag aasikaso nya sakin. Galing din mag panggap, eh! Masyadong ginagalingan.
"Gutom ka na? Gusto mong kumain?"
"H-hindi na. Sa bahay na lang ako kakain"
"S-sige na kumain muna tayo, gutom na din ako, eh"
Tinitigan nya ko na tila hinihintay nya ang pag payag ko. Pero nag kibit balikat lang ako. Hays! Ano ba naman 'to! Hindi to pwde. Pano kung may makakita samin na kakilala ni kuya? Pero langya! Parang gusto ko pa syang makasama. There's something wrong with me. Ugh!
"Are you worried about something?" pag basag nya sa biglang pag tahimik ko
"Huh?"
"Worried ka ba na may makakita satin na kakilala ng kuya mo?"
Napakunot agad ang noo ko. Aba! At pano nya nabasa yung iniisip ko? Psychologist ba sya? Kainis naman talaga. Baka naman pag lihian ko abg lalaking 'to.
"Am I right?" dagdag pa nya
Inirapan ko nga "Oo na! Tama ka na. Worried nga ako na may makakita satin tapos isumbong ako sa kuya ko!"
"Edi dun tayo kumain sa wala tayong kakilala"
"Saan?"
Dinala nya ko sa isang 'Chicken Restaurant' ngayon lang ako nakapunta sa lugar na'to. Mukha ngang wala akong makikitang kakilala dito.
"May ganito pa lang lugar dito?"
"Ngayon ka lang nakapunta dito?"
"Oo" malamang tanga. Kaya nga nag tatanong ako, eh!
"Siguradong magugustuhan mo ang chicken dito"
Masarap nga ang chicken nila dito. Pero medyo may kamahalan. Isang buttered chicken ang in-order ko, habang chicken inasal naman ang in-order ni Prixon. Gusto ko din sana yon kaso ayaw nya. Bawal daw kase sakin ang mga inihaw.
"Naku. Ang dami pa lang bawal sayo. Ang daming mong hindi pwdeng kainin" aniya, habang isa-isa nyang binabasa ang inilista ng O.B ko
Napabuntong hininga ako "Oo nga. Halos paborito ko pa naman yung mga binawal sakin"
Humalakhak sya "Tapos ito pa yung madalas nakikita sa cafeteria nyo"
"Kaya nga. Ano na ngayon kakainin ko sa lunch?"
"Edi dito na lang tayo mag lunch lagi o kaya mag papa-luto na lang ako dito ng pag kain na pwde sayo tapos babaunin ko sa school para yun ang kakainin mo sa lunch"
Nag diwang na naman ang mga paru-paro sa loob ng tyan ko. Gagawin nya ba talaga yon para sakin? Hindi ko mapagilan ang mapangisi, kaya umubo ako ng mahina para maibalik ang sarili kong ulirat.
"Madalas ka siguro dito at ka-close muna pati ang cook"
"Oo. Pag wala kase akong ginagawa tumutulong ako ditong mag serve"
"Ha? Mag serve?" Bakit?
"Oo" saka sya ngumisi sakin
Nag salubong ang dalawang kilay ko. Ano bang ibig nyang sabihin don? Bakit sya nag se-serve dito? Muka namang may kaya sila para maaya pa nya ko sa ganitong mamahaling restaurant tapos may mamahaling kotse pa sya. So bakit kelangan pa nyang mag part time? Ang weird nya talaga!
"Prixon?" isang babae ang lumapit samin at tumawag kay Prixon
"Ma" ani Prixon saka sya tumayo para lapitan ang babae
What the! Ma? Mama nya? OMG! Bakit andito din ang mama nya? Nakakahiya! Agad din akong napatayo sa kinauupuan ko.
"May kasama ka pala anak"
Napatayo pa kong bigla "H-hello po!" medyo nahihiya ako pero pinilit ko pa ding ngimiti sakanya
"Ma. Si Wincess po pala, Wincess mama ko, sya ang chief dito at taga manage ng restaurant namin"
Laglag ang panga ko sa sinabi nya. What? Chief? Taga manage ng restaurant? Restaurant nila? Kung ganon sila din ang owner ng restaurant na'to? Sh*t! Kaya naman pala!
"Hello iha" sabi pa ng mama nya saka ito nag beso sakin
"K-kayo po pala ang nag luluto? kaya po pala masarap ang chicken dito"
"Naku. Bolera pala 'tong girlfriend mo anak" nakangiti na sabi pa nito
Tumindig bigla ang balahibo ko kasabay ng pag init ng pisngi ko. Anong girlfriend!? Ako? Girlfriend ng hambog na'to? Tsss.
Pero bat parang natuwa ako don? Hays! NO WAY!
"Po? Naku mali po kayo ng iniisip hindi-"
"Totoo naman ma ang sinasabi nya, masarap ka talagang mag luto"
"Isa ka pa! Anyways Salamat iha! Sige maiwan ko muna kayo dito ng makakain kayo ng mainam"
"Sige ma"
"Sige po tita, salamat"
Damn! Nakakahiya! Iniisip yata talaga nya na girlfriend ako ng isang to. Badtrip!
Nang makalayo na ang mama nya agad ko syang hinampas sa braso nya.
"Aray! Oh. Bakit?
"Nag tatanong ka pa! Bakit hindi mo sinabi agad sakin na kayo pala may-ari ng restaurant na'to?"
"Kelangan ko pa bang sabihin yon?"
"oo?" ewan!
"Eh. Bakit parang galit ka?"
"Nakakahiya kase sa mama mo! Iniisip yata talaga nya na girlfriend mo ko!"
"Bakit hindi ba?"
Nag seryoso bigla ang ekspresyon nya. Tumaas ang isang kilay ko. Hinampas ko pa ulit sya ng dalawang beses sa braso nya. Hindi ko alam kung dahil sa inis yon o dahil sa minapainit nya ang pisngi ko.
"Aray!" with pilyong ngiti pa sya
"Siraulo ka talaga! ano bang sinasabi mo?"
"Na girlfriend na kita at boyfriend mo na ko"
Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug!
Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug!
Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug!
Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug!
Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug!
"What!? Are you stupid?" inirapan ko pa sya
"Bakit parang gulat na gulat ka? Diba yun naman talaga ang usapan natin? Paninindigan ko kayo ng anak ko kaya simula ngayon boyfriend mo na ko at aalagaan ko kayo" Ngumiti sya. Nakita ko na naman tuloy ang cute dimple nya sa chin "Oh. Kumain ka pa"
Seryoso ba sya? Ganon ba talaga ang naging usapan namin? Leche!
Naupo na lang ulit ako at nag patuloy sa pag kain.
"Ang lamig dito, ang lakas ng aircon" aniya saka sya mabilis na tumayo at lumapit sakin. Hinubad nya ang gray jacket na suot nya "Isuot mo muna tong jacket ko"
Isinuot nya sakin yung jacket. Tanging white shirt na lang ang natira sakanya. Nanigas ang buong katawan ko halos hindi na ko makagalaw. Tanging pag kurap na lang yata ang kaya kong gawin. Nyeta! Dahil sa mga weird na ginagawa nya kung ano-ano na tuloy ang nararamdaman ko sa buong sistema ko! Hindi ko naman dapat nararamdaman to! Kainis!
"A-ano ka ba!? H-hindi na kelangan"
"Kinikilig ka ba?"
Natigilan ako at napatunganga sakanya. Alam na alam ko ang ibig-sabihin ng ngiti nyang yon, ngiti yon ng pang aasar! Kaya nag iwas agad ako ng tingin sakanya
"Ha? Of course not!" siguro! Grrr.
"Dapat masanay ka na. Lagi na kong magiging ganito sayo"
Napatingin ulit ako sakanya saka sya ulit ngumiti sakin, isang napaka tamis na ngiti. Kitang-kita ko na naman ang cute nyang dimple sa right chin nya. Sh*t! Ano ba namang ngiti yan!? Nakakapang lambot ng mga tuhod! Bakit ba nya kase 'to ginagawa sakin? Konti na lang yata bibigay na ko! Sh*t! Napailing na lang ako. No Wincess! NO!
~