“Ang sakit ng ulo ko!”
Ito agad ang nasabi ko nang maimulat ko na ang mga mata ko. Napahawak agad ako sa ulo ko na sobrang bigat ngayon. Tumingin ako sa ilaw na nasa kisame ng kwarto. Napatalon ako ng marealize ko na hindi pala sakin kwarto ang lugar na to.
“Sh*t! Asan ako!?”
Pinasadahan ko ng tingin ang kwartong hindi pamilyar sakin. Laglag ang panga ko ng makita ko si Prixon na nakahiga sa tabi ko. Oh. Sh*t! Kumaripas agad ako ng bangon sa kama. At halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko na wala na palang sablot ang buong katawan ko na naka balot na lang sa makapal na kumot. Damn!
Sinapo ko agad ng palad ko ang noo ko. Teka! Bakit katabi ko yung lalaking to!? Bakit wala akong suot na damit!? May nanyare ba? Bakit wala akong maalala!?
Umiling agad ako. Medyo lutang na ko. NO! It can't be! IMPOSIBLE to! Hindi to pwde! Nag simula ng kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko as in sobrang lakas ng kabog. Sobrang natataranta ako. Hindi ko alam kung anong iisipin ko sobrang naguguluhan na talaga ko. Bumaling ulit ako ng tingin sa tulog pang si Prixon. Mabilis kong kinuha ang isang malaking unan saka ko ito ibinato sakanya.
“Gumising ka dyan! Hayop ka!”
“Ano ba!?” naaalimbungatan pa ang loko
F*ck! Ang bwesit na‘to! Halos kumulo ang dugo ko dahil sa hindi nya pag bangon agad kaya paulit-ulit ko syang hinampas ng unan. Hayop kang lalaki ka! Bumangon ka dyan! Hindi ko tinigilan ang pag hampas sakanya hanggang sa tuluyan na nyang idilat ang mga mata nya.
“Ano ba? Bakit ba- Woah! What the f*ck!”
Halos lumuwa ang mga mata nya sa gulat. Kumaripas sya sa pag pag bangon. Wala syang imik. Pinasadahan lang nya ako ng tingin kaya medyo uminit pa ang pisngi ko. At siguro ng mapag tanto nya na wala akong sablot ay ibinaling naman nya ang tingin sa sarili nya. Halos mapatalon sya ng makita na parehas lang kaming walang sablot na damit.
Tsss! Kung maka-react din sya parang wala talaga syang alam sa ginawa nya sakin e‘no? Nyeta! Sobrang badtrip na ko sa ginagawa nyang pag titig lang sakin! Kumunot ang noo ko saka ko sya binato ng unan.
“You're a jerk! Anong ginawa mo sakin huh!?”
“A-anong ginawa? Wala akong ginawa sayo no!” natataranta na sabi pa nya
“Damn! Wala? Eh. Bakit mo ko dinala dito? Bakit wala akong damit? Bakit?” sigaw na ko sakanya sabay kalabog ng dibdib ko
“E-ewan. s-sorry pero w-wala talaga a-akong alam. Wala akong maalala. A-ang naaalala ko lang nung sobrang lasing na ko t-tapos tinawagan ko si.... S-si Paolo para mag pasundo tapos nakatulog na ko”
Pag papaliwanag pa nya. Lumunok syang bigla at bahagyang nag half open ang labi nya kaya bahagya din akong napatitig sa kissable lips nya.
Teka? KISSABLE LIPS? Ewan ko ba kung bakit pero parang bigla na lang may nag flash back sakin tungkol sa nanyare kagabi. Ang naaalala ko nga si Paolo ang nag dala samin dito sa hotel saka nya kami iniwan ni Prixon na mag katabi dito sa kama at....
*Flash Back*
Umalis na si Paolo, kaya dalawa na lang kami ni Prixon ngayon habang nakahiga dito sa kama. Nakapikit na sya, siguro tulog na sya. Mag kaharap kami ngayon habang nakahiga. Di ko mapigilan mapatitig sa mga labi nya. Kakainis kase iba ang tama sakin ng alak nagiging bastos ang pag iisip ko! Parang gusto ko kaseng halikan ngayon ang mga labi nya.
“Ang lambot siguro ng labi mo”
Pabulong na sabi ko pa. Napatalon naman ako ng biglang dumilat ang mga mata nya.
“Gusto mong hawakan?” saka sya nag evil smile
Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko o baka hindi na talaga ako nag iisip kaya dahan-dahan kong inilapit ang mga kamay ko sa labi nya. Halatang nagulat sya sa ginawa kong yon. Napatunganga lang sya. Hindi nya siguro expected na gagawin ko talaga yon.
“Ang lambot nga. Pwde ko bang halikan?”
“Ha?” nanlalaki ang mga mata na sabi pa nya
Hindi ko na hinintay ang pag payag nya, mabilis ko na agad inilapit ang mukha ko sakanya saka ko sya hinalikan sa labi nya.
Isang mainit na halik.
*End of Flash Back*
Napailing na lang ako bigla at napasabunot sa sariling buhok. Sh*t!
“Bakit? May naaalala ka ba?” aniya
“H-huh? W-wala!” pag de-deny ko pa
Mabilis akong tumayo habang naka balot pa din ng kumot ang buo kong katawan, isa-isa kong pinulot ang mga damit ko na nag kalat sa kwarto saka ako nag tungo sa c.r. hindi ko na nagawang tignan kung ano ang ekspresyon nya. B*llsh*t! Totoo ba talaga yung mga naaalala ko!? Ginawa ko ba talaga yon!? Damn this life!! Kung ganon ako pala ang nag simula!? Ako!?
Gosh! IMPOSIBLE to! Hindi ‘to pwde! Hindi talaga! Kelangan kong alalahanin lahat ng nanyare! LAHAT-LAHAT! Pumikit ako. Hinga ng malalim Wincess. Alalahanin mo lahat. T*ng*na naman! Bakit ba kase wala akong maalala!? KAINIS!
Pero pwde din naman na wala na talagang ibang nanyare maliban sa kiss na yon, tutal wala naman akong ibang maalala at mukhang wala na din naman syang naaalala kahit yung kiss na yon. Mainam pa nga na hindi na lang nya maalala!
P-pero pano kung may nanyare talaga samin? Nag simula na naman kumabog ng malakas ang dibdib ko, sobrang lakas. Sumisikip na ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng malaking takot. Mabilis namuo ang luha ko sa mga mata ko. Hindi to pwde! Walang nanyare! WALA! Ito ang gusto kong paniwalaan kaya ito ang totoo! Pero sh*t talaga! Pumikit ako at dito na kumawala ang luha ko na kanina pa namumuo sa mga mata ko. Pilit kong pinakalma ang sarili ko gusto ko ng lubas dito at umuwi. Lumabas na nga ako ng c.r. Naabutan ko syang nakaupo sa kama habang sinusuot ang sapatos nya.
Nilapitan ko sya “Pwde ba tayong mag usap?” seryoso na sabi ko
Tumango lang sya sakin. Naupo ako sa tabi nya. Tinignan ko sya ni wala man lang bahid ng kaba sa mukha nya. Ang siraulong to! Kung hindi lang talaga kasalanan ang pumatay!
Lumunok muna ko. Para kaseng may kung anong nakabara sa lalamunan ko “A-about l-last n-night. Uhmm. K-kase hindi-”
“Deretsahin mo na ko pwde?” iritado na sabi nya
Umusok talaga ang ilong ko. Aba! At sya pa tong parang galit? Seriously?
Inirapan ko agad sya “Wala ka ba talagang naaalala?”
“Actually, I was too drunk last night. Wala na ko sa kondisyon non para maalala pa ang mga nanyare”
Laglag talaga ang panga ko sa sinabi nyang yon. Parang ang sarap mang bugbog ngayon ah! Ano bang ibig-sabihin nya sa sinabi nyang yon!? Na hindi big deal ang kung ano man nanyare kagabi para maalala pa nya!? Napaka kapal talaga ng mukha nya! Bwesit! Tumingin ako sa kawalan saka ako nag cross arms.
“Good! Kung ganon kalimutan na natin lahat ng yon!”
“What do you mean?”
“Walang nanyare kagabi diba?”
Mariing na sabi ko pa sakanya, saka ko pa lang sya nilingon. Naka salubong ang dalawang kilay nya habang naka half open ang mga labi nya.
“W-wala?”
“Wala tayong maalala kaya walang nanyare!”
“Ganon lang yon sayo? Akala ko pa naman iba ka. Akala ko-”
Tumindig ang palahibo ko sa sinabi nya. Pakiramdam ko umakyat na sa ulo ko ang dugo ko. Hindi ko na kinaya pinutol ko na agad ang sinasabi nya. Padabog akong tumayo sa harapan nya habang naka cross arms pa din ako.
“Akala mo ano? Na hahabulin kita? Na gagamitin kong dahilan to para makuha ka? Why should I? Sino ka ba sa akala mo?”
Inis! Mag wa-walkout ako! Gusto kong mag walkout! Pumihit ako para talikuran sya pero tumindig ang balahibo ko ng maramdaman ko ang pag pigil ng kamay nya sa braso ko.
“Sandali lang”
Nilingon ko agad sya “Bakit?” mataray na sagot ko
“Pano yung kuya mo?”
Napa evil smile agad ako sa sinabi nyang yon “Kung si kuya lang pala yung iniisip mo! Don't worry hindi nya kelangan malaman na mag kasama tayo buong gabi at hindi din nya kelangan malaman na mag kakilala tayo” nanginginig pa ang boses na sabi ko pero sinikap ko pa din na masabi yon ng maayos
Agad ko din binawi ang braso ko sakanya. Nanginginig ang tuhod ko pero nag sikap ako na mag lakad palabas ng kwartong yon. Halos matulala ako habang nag lalakad palabas ng hotel na yon. Dito na nag sink in sakin na totoong hotel pala ang lugar na’to at totoo pa lang buong gabi ko kasama ang siraulong lalaking yon! Hayop sya! Hayop talaga sya! Halos manginig ang buo kong kalamnam, habang nag lalakad sa kawalan. Namuo ang luha ko at walang ano-ano’y parang sirang gripo na itong tumulo sa mag kabilang pisngi ko. Wala akong ibang ginawa kundi punasan ang mag kabilang pisngi ko na basang-basa na ngayon. Hanggang sa halos mapagagulgol na ko ng iyak kaya mabilis kong tinakpan ng dalawang kamay ko ang mukha ko.
Anong gagawin ko? Natatakot ako!
Maswerte ko kase ng makauwi na ko nalaman ko na hindi pala dito natulog si kuya, nag over night pala sila ng mga barkada nya kela Franco. Hays! Buti na lang talaga! Thank you po Lord! Nag tungo agad ako sa c.r para mag shower. Pag katapos ay nahiga na ko sa kama ko. Hindi ko alam pero parang kusang kumakawala ang mga luha ko sa mata ko.
~
To be continue...