Kabanata 17: Paninindigan ko

1463 Words
7 am ang pasok ni kuya ngayon, ako naman 9 am kaya hindi nya ko maihahatid pero mas okay na yon para hindi nya mapansin ang kakaibang kinikilos ko. Hanggang ngayon kase nanlalambot pa din ang buong katawan ko, ni wala akong ganang kumain at makipag-usap kahit kanino. Epekto pa din ‘to ng mga nanyare sakin nung araw na yon! Wala na tuloy ibang tumatakbo sa isip ko kundi yung gabing yon. Punong-puno ako ng pag sisisi kung bakit ko hinayaan na umabot ang lahat sa ganon! Lumuwa ang mga mata ko ng madatnan kong nakaupo si Prixon sa student center namin. Son of b***h! Anong ginagawa nya dito? Ginulo ko ang buhok ko. Hindi naman siguro dahil sakin. Baka dahil kay Janelle, may usapan nga pala sila! Niyukom ko ang naka half open kong bibig ng mag tagpo ang mga tingin namin dalawa. I looked away at nag patuloy na lang ako sa pag lalakad. “Sandali lang” As in, tumindig ang balahibo ko ng marinig ko ang boses nya. Mother f*cker! Bakit na naman ba? Ano ba talagang binabalak nya? Bwesit talaga! Sa gilid ng mga mata ko ay ang dahan-dahan nyang pag martsa palapit sakin. Pumihit ako at iritadong tumingin sakanya. “Anong kelangan mo at andito ka?” pag tataray ko Hinimas nya ang kanyang batok, dahilan para mas mag form ang kanyang abs sa suot nyang uniform. Grrrr! “A-ahmm. K-kase...” napalunok pa sya bago ulit sya mag salita “Pupuntahan ko lang sana si Janelle” Nag simula na talagang mamuo ang inis sa pag katao ko. Ayoko syang makita at makausap pero tinawag pa talaga nya ko para lang sabihin na pinuntahan nya dito si Janelle? "OKAY!" yan lang ang tanging salita na nasabi ko sakanya, saka ko sya mabilis na tinalikuran Napatalon ako ng maramdaman ko ang pag pigil nya sa braso ko. “Ano ba?” kainis talaga! “K-kumain ka na ba?” “What!?” binawi ko agad ang kamay ko Kumain na ba ko? Anong klaseng tanong yon? Close ba kami? Ano ba talagang trip ng lalaking to? Kabwesit na talaga, ah! “Ano bang tanong yan, huh?” iritado na talaga ako “Nagugutom kase ko, gusto kong kumain kaso ayokong kumain mag-isa” “Wala ka bang klase, huh? Kase ako meron! Kung gusto mo si Paolo na lang ang ayain mo o kaya si Janelle!” Aalis na sana ko pero mabilis nyang hinarangan ang dadaanan ko. Naka open arms pa sya. Feeling ko tuloy nag papatingtero kami. Tumingin sya sa relos nya bago ulit tumingin sakin. “9:30 na. Diba 9 am ang pasok mo? You're 30 minutes late, kaya hindi ka na tatanggapin ng professor nyo sa klase” “It's non of your business! Saka dahil sayo kaya ako na late! Kausap ka pa kase ng kausap!” inirapan ko nga Nag walkout ako. Sa kalagitnaan ng pag wa-walkout ko napa evil smile ako. Yan ang bagay sayo! Son of b***h! Napawi naman agad ang evil smile na yon ng makita ko ang ibang mga estudyante na nakatuon ang buong atensyon kay Prixon. Halata sa mga mata nila ang sobrang pag hanga kay Prixon. Napairap na lang ako sa kawalan! Hindi ako masusundo ni kuya ngayon, gagawa daw sila ng research kaya no choice ako kundi mag bus na lang ulit. Mag-isa lang akong nag lalakad papunta sa bus stop ng mapansin ko na parang may sumusunod sakin. Kumabog agad ng malakas ang dibdib ko. Nanginginig ang mag tuhod ko pero nag sikap akong mag lakad ng mas mabilis para makatakas sa mapangahas na sumusunod sakin. Tumindig balahibo ko, dahil sa mapangahas na palad na tumakip sa bigbig ko. Gusto kong sumigaw pero pano? “Sssshh” Nanlaki ang mga mata ko ng maaninig ko ang seryosong mukha ni Prixon, habang nasa labi nya ang kanyang index finger. Mabilis kong hinawi ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko. “Ikaw? Ano bang ginagawa mo, huh?” sigaw ko sa mukha nya “Tumakbo ka kaseng bigla halatang natatakot ka na dyan, kaya naisip ko na baka mamaya mag sisigaw ka na dyan. Nakakahiya yon” “Bakit mo ba kase ko sinusundan, huh?” panay na ang ikot ng mga mata ko “M-may gusto lang kase sana akong sabihin” Ganon ba ka-importante ang sasabihin nya at kelangan pa nya kong sundan ng ganito? Lakas maka stalker, ha? “Ano ba yon? Bilisan mo at gusto ko ng umuwi!” iritado na talaga ko. Sobra! “K-kase... Kanina nakausap ko si Paolo” “Si Poalo?” OMG! Ano naman kaya ang sinabi ng Paolo na yon sakanya? May alam kaya si Paolo sa nanyare? Andun din kaya sya ng gabing yon? SH*T! “Yes. Ang sabi nya dumating sya sa bar ng mga 12:30 kasama yung kapatid nyang si Arjhay. Hindi nila alam kung san tayo dadalin, bawal din kase sa bahay nila dahil grounded sya kaya sa hotel na lang nila tayo dinala” “Oh tapos? Ano pa? Ano pa yung mga sinabi nya?” I need to know everything! “Wala na” “What?" Napangiwi ako "Yun lang yon?” “Ano pa ba kase yung gusto mong sabihin nya?” “Ang akala ko naman kase sobrang importanteng impormasyon para sundan mo pa ko dito!” “Gusto ko lang kase na malaman mo na hindi ako ang nag dala sayo sa hotel na yon. Na wala talaga akong balak na pag samantalahan ka” “Eh. Ano pa nga ba yung ginawa mo?” tumaas na talaga nag boses ko “Diba nga ikaw na may sabi na walang nanyare?” Wow! AS IN, WOW! Sakin pa talaga nya binalik yung mga sinabi kong yon, no? He's totally a jerk! Tamaan ka sana ng kidlat. “W-wala nga! P-pero wala pa din akong... ano non-” Ngumisi syang bigla, na mas nag painit ng ulo ko “Walang ano?” “Yung a-ano-” “Yung ano nga?” pilyo ang naging pag ngisi nya. Manyak! “Yung... Basta alam mo na yon! Bwesit!” umirap ako at humalikipkip sakanya “Wala kang saplot na kahit ano, ganon ba?” “Oo! Yun nga ang gusto kong sabihin. W-walang s-saplot!” “Kaya may responsiblidad ako sayo?” Napamaang ako. Tanong ba yon o panunumbat? “Ha? W-wala! It's not what I mean!” “Kung ganon paninindigan ko kung ano man yung nagawa ko” aniya gamit ang seryoso nyang ekspresyon Tumindig ang balahibo ko. Para akong pinag papawisan ng malamig. Ano bang ka-g*guhan yung sinasabi nya? Nababaliw na ba sya? Anong paninindigan? Ang alin? Tsss. STUPID! “Hindi mo kelangan gawin yon” “Kelangan! Ayokong isipin mo na ungentleman ako” Ano pa nga ba tawag sa ginawa mo? Pagiging gentleman? Tse. “Wala kang kelangang panindigan kase wala ka namang responsibilidad sakin” nag simula ng kumalabog ng malakas ang dibdib ko “Gagawin ko pa din!” “Mas matutuwa pa ko kung titigilan mo na‘to at aasta ka na lang na hindi mo ko kilala. Na walang nanyare” undag ko sakanya Nakita ko ang pag awang ng bibig nya. Napatalon ako ng bigla nyang hawakan ang mag kabilang balikat ko, saka nya mariin tinignan ako saking mga mata. “Bitawan mo nga ako!” “Mark my word Wincess. Paninindigan ko kung ano man yung nagawa ko sayo. Meron o wala man nanyare, paninindigan ko pa din yon kase yun ako” Nababaliw na talaga tong Prixon na‘to! Alam ko na madaming beses ng may nanyare sakanya sa iba’t-ibang babae, halata naman, eh! Kung ganito lang talaga ang style nya para mauto ako. Sorry hindi ako uto-uto! Alam ko na sinasabi mo lang na paninindigan mo tapos sa huli mag babago din lahat alam kong ganito talaga ang mga gawain mo. And besides, ayoko din naman may mamagitan satin dalawa! Inirapan ko ulit sya “Pwde ba! Stop pretending to be nice, it's not who you are!” Kumunot ang noo nya. Bakas ang pag kainis sa ekspresyon nya pero hindi na sya kumibo. Napalunok ako bago mag patuloy saking sinasabi. “And please stop acting that this is your first time. Hindi naman siguro diba? I know it's normal for you to go out with other girls and having s*x with them, so what’s the big deal?” Napatunganga lang sya sa mga sinabi kong yon. Hindi ko din alam kung san ko na hugot ang mga katagang yon basta parang bigla na lang syang lumabas sa labi ko. Hinawi ko agad ang dalawang kamay nya na nakahawak pa din sa balikat ko saka ko sya tinalikuran. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD