Chapter 8

2050 Words
THIRD PERSON'S POV      PUNO NG pag-aalala ang nararamdaman ng pamilya Medialdia nang muli ay maisugod sa hospital si Scythe— ang pangalawang anak ng mag-asawang Mr. and Mrs. Medialdia. Sa ilang beses na pagkakataon, narito na naman siya sa hospital na ito upang ipaglaban ang hiniram na buhay… upang makiusap na huwag munang bawiin sa kanya ang pinagkaloob na buhay. Huwag muna… hangga't hindi niya pa naisasakatuparan ang lahat ng gusto niya sa buhay… hangga't hindi pa niya nagagawang kausapin ang lalaking minahal niya nang sobra. Alam ni Scythe ang nangyayari, bagaman batid niya rin na hindi siya gumagalaw ngayon sa kaniyang kinahihigaan, bagaman batid niyang mayroon na naman oxygen mask ang sa kaniya'y nakakabit, bagaman mayroon na namang maliliit na karayom na sa kaniya'y nakatusok. Alam niya ang nangyayari sa kaniyang paligid. Hindi nga lang ganoon kalinaw. Sa ilang pagkakataon, nandito na naman siya. Sawang-sawa na siya magpabalik-balik sa ganitong lugar. Sawa na siya sa amoy ng hospital. Sawa na siya sa tahimik nitong paligid at sa hindi magandang pakiramdam kapag siya ay narito. Sawa na siyang tingnan ang puting pader na semento, sawa na siyang makulong sa lugar na hindi naman bilangguan pero minsan lang siya bigyan ng kalayaan. Hindi man siya dumilat ay sinubukan niyang matulog ulit. Iyon lang naman kasi ang maaari niyang gawin. Hangga't hindi pa pwedeng bumisita sa kanyang pribadong kwarto. Upang hindi siya makaramdam ng lungkot, kailangan niyang makatulog. Kahit hindi siya inaantok, kailangan niyang pilitin na matulog. Nang sa gayon ay maiwasan niya ang pag-iisip ng kung anu-ano na siyang nagiging dahilan upang umatake ang kanyang anxiety and depression. Maliban sa kaniyang sakit na cancer, mayroon din siyang sakit sa utak, iyon ang tawag niya, dahil iyon ang paniniwala niya matapos sabihin sa kaniya ng kanyang Psychologist na mayroon siyang tinatawag na Major Depressive Disorder.  Nagsimula iyon nang muli siyang isugod sa hospital, ilang buwan matapos nilang maghiwalay ni Marcus. Labis-labis ang sakit na nararamdaman niya, idagdag pa na nakikita niyang nahihirapan na ang kanyang mga magulang sa mga gastusin niya, isama pa na nalaman niyang nilalayuan si Sceena ng mga dating kaibigan nito dahil nalaman na may cancer siya. Kaya naman, naghalo-halo na sa utak ang mga iniisip niya. Sa ganoong sitwasyon, nagkaroon siya ng sakit sa kaniyang pag-iisip. Sa sobrang pag-iisip niya, nagkakaroon na siya ng hallucinations kung saan, paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang alaala ang pakikipaghiwalay niya kay Marcus, ang nasaksihan niyang pag-uusap ng mga magulang niya ukol sa gastusin, ang narinig niyang kwento ni Sceena sa isang kaibigan nito tungkol sa paglayo ng iba nitong kaibigan sa kaniyang kapatid. Lahat iyon ay tila sirang plaka na paulit-ulit siyang ginagambala. Hindi iyon natapos doon. Dahil kasabay ng mga alaalang iyon, naririnig niya rin ang iba't ibang boses dahilan upang manakit ang kaniyang tainga. Iba't ibang boses ng mga taong nakakasalamuha niya… na siyang dahilan kaya hindi na niya kinaya pa ang sitwasyong iyon, agad niyang sinabi iyon sa mga magulang niya, palibhasa'y malapit naman sila sa isa't isa, at doon nila nakumpirma na hindi na nga normal ang nangyayari sa kaniya. Kahit na mayroon siyang mga magulang na nandiyan lagi para sa kaniya, mga kapatid na todo suporta, ilang kaibigan na nakakaalam ng sitwasyon niya, at si Bruno na hindi nagsawang alagaan, bantayan at intindihin siya, kahit mayroon siya ng mga taong iyon, hindi niya pa rin maiwasang hindi malungkot. Para sa kaniya, mag-isa lang siya. Pakiramdam niya, walang umiintindi sa kaniya. Ang nasa isip niya, kaya lang naroon ang mga taong iyon sa tabi niya ay dahil kailangan, hindi dahil sa mahal talaga siya. Iyon lang ang akala niya. Pero hindi niya pa rin maiwasang hindi magalit sa sarili niya. May kinahaharap na nga siyang problema tungkol sa katawan niya, dumadagdag pa ang pagiging depress niya. At first, she was frustrated to take away her sadness and mental illness. Ginagawa niya ang lahat upang hindi siya malungkot. She faked her laugh, her smiles and even her stories. She was in denial. Lagi niyang sinasabi na wala na siya sakit sa pag-iisip, lagi niyang sinusuksok sa kokote niya na wala lang iyon, na nag-iinarte lang siya, na parte lang iyon ng kalungkutan niya dahil nasa iisang kwarto siya. Pero iyon ang nakapagpa-trigger ng sakit niya dahilan upang magalit siya noon sa sarili. Sa kagustuhan niyang gumaling, ang daming gamot na ang iniinom niya, naniniwalang sa mga gamot na iyon ay gagaling siya. Ngunit ilang taon na siyang nakikipaglaban sa iba't ibang sakit kaya naman, sumuko rin siya.  Sumuko na siya noon. She wanted to take away her life. She wanted to kill herself para hindi na siya maging pabigat sa lahat. Dahil talagang hirap na hirap na siya, tinangka niyang i-overdose ang sarili niya. Pero hindi siya binawian ng buhay dahilan upang magbago ang pananaw niya. Sa ilang pagkakataon na nasalba siya sa bingit ng kamatayan, napagtanto niyang hindi niya pa oras. Kaya naman, ginawa niya ang lahat para gumaling. Sa tulong ni Bruno at ng pamilya niya, muling naging positibo ang pananaw niya. Hindi niya minadali ang proseso ng paggaling ng kaniyang sakit sa pag-iisip. Tinanggap niya lahat ng imperfections niya, tinanggap niya sa loob niya na hindi siya agad gagaling.  Step by step, bumabalik na ang normal na pag-iisip niya. Ngunit hanggang ngayon, paminsan-minsan ay inaatake pa rin siya. Kaya ngayon, nagdesisyon siyang matulog na lang. Dahil ayaw na niyang mag-overthink. Ayaw na niyang mag-isip ng kung anu-ano. She wanted to have a peaceful life. Para kahit man lang sa kamatayan niya, hindi negatibong pag-iisip ang dala-dala niya. Sa kabilang banda ay hindi mapakali sa pag-iisip sa anak ang mag-asawang Mr. and Mrs. Medialdia. Wala silang ginawa kundi ang ipagdasal ang paggaling ng kanilang pangalawang anak. Kung kinakailangan na ibigay at ibenta nila ang kanilang ari-arian, gagawin nila. Upang may maipambayad lang sa mga bills at gamot ng kanilang anak.  They are willing to do everything to save their second born. They are ready to risk everything just to bring back their daughter's normal life. Dahil iyon ang isa sa dahilan ng kanilang pagiging magulang. Ang ibigay ang lahat lahat ng kailangan ng kanilang mga anak.  Maski sila ay nahihirapan na rin. Hindi lang sa pinansyal kundi sa pag-asa. Ilang taon nang nakikipaglaban sa buhay ang kanilang anak. Hindi na nila alam kung ano pa ang maaari nilang gawin para gumaling ito. Hindi lubos maisip at hanggang ngayon ay hindi tanggap ni Mrs. Medialdia ang sakit ng anak. Alam niya naman na hindi perpekto ang katawan at kalusugan ng isang tao. Alam niya iyon, dahil nagsisilbi siya sa Diyos. Pero hindi niya akalain na isang matinding pagsubok pala ang ibibigay sa kanila ng Diyos sa kabila ng pagsisilbi niya nang tapat at totoo. Dahil hindi lang iyon basta sakit. Cancer iyon. Isang cancer na kakaunting porsyento lang ang natitira para mabuhay.  Ang hindi niya matanggap, bakit sa lahat ng tao, ang anak niya pang hindi naman naging masama sa ibang tao ang siyang nagkaroon ng sakit na iyon? Bakit sa lahat ng sakit na pwedeng maramdaman ng anak niya ay iyon pang sakit na imposibleng magamot? "Shhh… God will heal her," anang Mr. Medialdia sa kaniyang asawang umiiyak ngayon sa kaniyang balikat. Mahigpit na yakap naman ang kaniyang iginanti. "She must be tired, Alfred." Dinig niya ang masakit na pagtangis ng kanyang kabiyak. Siya man ay gusto nang lumuha ngunit pinipigilan niya ang sarili. Dahil kailangan, mayroong maski isa sa kanila ang hindi nagpapakita ng kahinaan. Kung lahat sila sa iiyak at magpapakahina, sinong malakas ang magpapalakas sa kanila? Nang bumuo sila ng pamilya, wala silang hangad kundi ang magkaroon nang maayos, kumpleto, masaya at malusog na pamilya. Hangad nila ang walang hanggang kalusugan sa bawat isa. Na kahit hindi sila biyayaan ng limpak-limpak na salapi ay hindi sila sakitin. Totoo nga ang sabi ng iba, ayos nang mahirap ka, basta hindi ka nagkakasakit. Dahil aanhin nga naman ang maraming pera, sa hospital at gamot namin lagi napupunta? Ang pamilya Medialdia naman ay hindi mayaman. Para sa kanila, sapat lang ang kinikita nila bilang tanyag na abogado at isang prosecutor. Mayroon silang maliit na law office at tunay na naninilbihan sila sa mga tao. Lalo na sa mga biktima ng mga mayayamang pulitiko na kayang-kayang bilhin ang hustisya para manalo. Kaya ang ibang abogado ang hanga sa kanila. At ang iba naman ay minamata ang kanilang ginagawa. Ngunit anu't ano man ang gawin ng iba sa kanila, puso pa rin nila ang magpapasya sa kung ano ang tamang sintensya. Samantala, masamang-masama naman ang tingin ni Bruno sa ex boyfriend ng minamahal niyang babae na Marcus Zion Magcawas. Kung hindi lang krimen ang pumatay, matagal na niyang winakasan ang buhay nito para tuluyan nang maka-move on si Scythe sa lalaking ito. Hindi naman sa nagseselos siya o natatakot siyang magkabalikan ang dalawa. Ang kaniya lang, bukod sa manliligaw siya ni Scythe, kaibigan niya rin ito. At hindi niya maatim na sa bawat oras na nakikita o naririnig niya ang pangalan ng lalaki ay iba ang nagiging reaksyon nito. Minsan, natutuwa. Madalas, nasasaktan. Batid niya na nagsisisi na si Scythe sa ginawa nitong pag-iwan kay Marcus. Alam naman niya ang lahat ng nangyari dahil sa kaniya lang nagkukwento si Scythe bukod sa kaibigan nitong si Anne na nasa ibang bansa na nakatira.  Wala namang bahid ng takot ang nararamdaman niya. Oo, nililigawan niya ang babae. Pero hindi ibig sabihin niyon, lilimitahan na niya ang gusto nito. Kung gusto nitong makita ang ex boyfriend nito, handa siyang gawin ang lahat para matupad iyon. Ayaw na niya kasing dagdagan ang sakit ng loob ng kaniyang kaibigan. Hangga't maaari, ginagawa niya ang lahat para mapasaya si Scythe. Kahit masakit. Siyempre natural na masakit iyon. Dahil mahal na mahal ni Bruno ang dalaga. Ngunit alam niyang hindi naman siya ang tinitibok ng puso nito. Alam niyang hindi siya ang lalaking nagpapabagal ng takbo ng mundo nito. Alam niyang hindi siya ang lalaking sinisigaw ng puso nito. Alam niya iyon. Kaya nga martyr na kung martyr. Mas gugustuhin niya na lang na maging magkaibigan sila ni Scythe. Para lagi siya ang nasa tabi nito. Hindi man siya mahal gaya ng pagmamahal na binibigay niya, atleast siya ang nasa tabi nito sa kasiyahan o sa kalungkutan. "Bakit ba nandito ka pa?" maangas niyang tanong sa nakasandal sa pader na lalaki. Hininaan niya ang boses dahil baka marinig sila ng magulang ni Scythe. Ayaw naman niyang gumawa ng eksena rito dahil hindi naman tama iyon. Kahit papaano naman ay mas marunong siyang mag-isip kaysa sa lalaking nasa harapan niya ngayon. "I just w-want to check Scythe." Ramdam niya ang pagka-ilang nang kausap kaya naman, mas lalo niyang inangasan ang tingin dito. May karapatan naman siya para gawin iyon. Dahil bilang isang manliligaw at kaibigan, responsibilidad niya ang mararamdaman ni Scythe. "Para saan?" tanong niyang muli. "Ano ba ang sakit niya?"  Matunog siyang napangisi nang dahil doon. Tunay ngang walang alam ang lalaking ito tungkol sa sakit ni Scythe. Tunay ngang itinago sa kaniya ni Scythe iyon at nang buong bandmates nila. Hindi naman na iyon nakakapagtaka dahil hinabilin talaga ng babae sa kanila, sa pamilya nito at sa mga kaibigan nila na itago kay Marcus ang totoo. Sa loob ng ilang taon, nagawang itago iyon ni Scythe sa lahat, tanging ang mga malalapit na kaibigan at pamilya lang nigo ang nakakaalam. Kaya maski siya ang walang karapatan na ipagsabi iyon. Iyon kasi ang tanging hiling ni Scythe. Ang huwag sabihin sa lalaking mahal nito ang kaniyang tunay na kondisyon. Ngunit hindi rin maiwasang hindi mapaisip ni Bruno. Kung gayong mahal pa ni Scythe si Marcus, bakit ayaw nitong ipaalam ang sakit nito? Hindi nito alam, na baka kapag sinabi nito iyon ay bumalik sa piling nito ang lalaki. At sabihing nagkamali ito ng pag-iwan kay Marcus. Kung siya kaya ang magsabi? Hindi kaya kalabisan iyon sa tiwalang ibinigay sa kaniya ni Scythe? Ngunit ang dalaga lang naman ang iniisip niya. Hindi niya kayang makita ito na palihim na nasasaktan samantalagang masayang-masaya ang ex boyfriend nito. Hindi niya maatim na gumawa ng paraan para makita nito ang ex boyfriend na hindi nila alam kung gusto pa nitong makita sila. Ngunit pakiramdam ni Bruno, iyon ang mas tamang gawin. Huminga siya nang malalim. Pinakatitigan ang nag-aalalang hitsura ng lalaking nasa kaniyang harapan. "Gusto mo bang malaman ang totoo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD