SCYTHE'S POV
"HOW ARE YOU?"
Sumakit ang mata ko dulot ng matinding liwanag nang subukan kong buksan iyon. Idagdag pa ang puting kisame na bumulaga sa akin ngayong mayroon na akong malay. Nanakit ang ulo ko. Para bang lumalaki nang lumalaki ang ulo ko. Maging ang gilid ng mga mata kk ay sumangit.
"Scythe…" Kumunot ang noo ko dahil hindi pa magawang idilat ang aking mga mata pero narinig ko ang boses ni Bruno kaya kumalma ako.
"Ate…" It was Sceena, nag-aalala na rin ang tinig. Maldita lang talaga 'tong bunso namin pero alam kong ayaw niya rin na may nangyayaring masama sa amin.
Hindi pa man tuluyang bumubukas ang mga mata ko ay ginawaran ko na sila ng isang matamis na ngiti uoang mapawi ang pag-aalala sa kanilang dibdib.
"Ayos lang ako," paninuguro ko sa kanila ngunit kahit nakapikit pa ang aking mga mata, ramdam ko ang mga tingin nila sa akin na hindi sila naniniwala.
Teka, nasaan ba ako? Nasa hospital na naman ba ako?
Gustuhin ko mang idilat ang mga mata ko ay hindi ko pa kaya. Isa pa, lubhang masakit ang ulo ko ngayon kaya kailangan ko munang ipahinga iyon.
Lumungkot ang pakiramdam ko kung tunay ngang nandito na naman ako sa hospital. Pero hindi ko naman maramdaman na nandito ako. Instead, naaamoy ko nga ang pamilyar na amoy ng kwarto ko.
"Matulog ka na muna ulit." Narinig ko ang boses ni Bruno. Mayamaya pa, naramdaman kong itinaas at inayos niya ang kumot na tumatabon sa kalahati ng aking katawan. Katapos niyon ay inayos niya ang mga hibla ng buhok na tumabon sa aking mukha.
Napangiti ako. Ngunit agad ding napawi ang ngiti ko nang mapalitan iyon ng pagtataka. Bakit naaamoy ko ang paboritong pabango ni Marcus?
Doon ay naaalala ko na ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Nakita ko ang humahangos na mukha ni Marcus papalapit sa akin. Naramdaman ko ang paghawak niya sa akin. Nasaksihan ko ang pag-aalala ng mga magagandang mata niya para sa akin.
Gusto kong dumilat. Gusto kong makita ang kaniyang mukha. Dahil natatakot ako. May ibayong takot sa puso ko. Dahil sa hindi ko kayang dumilat, baka magising ako, wala na siya. Baka pagmulat ng mga mata ko, hindi ko na siya makita.
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Ngunit hindi pa man nangangalahati ang pagbukas niyon, nasilaw na agad ako. Bakit ganito ang epekto sa akin niyon? Lubhang sumasakit ang ulo ko.
"Magpahinga ka muna kasi." Boses ni Kuya Sehun iyon na batid kong naiinis na sa akin pero naroon ang pag-aalala.
"Si… si…." Marcus…
Gusto kong isatinig iyon. Ngunit ayaw kong malaman nila na hanggang ngayon, hindi pa rin ako moved on. Ayaw kong pati ang mga magulang ko at mga kapatid ko ay makiusap kay Marcus para balikan ako. Ayos na akong si Bruno lang ang nakakaalam niyon. Ayos na sa akin na siya lang ang nakakaalam ng nararamdaman ko at lahat ng sakit na dinaranas ko na hindi kayang gamutin ng kahit anong gamot.
"Sino, anak?"
"May hinahanap ka ba?"
That was my mom and dad. They were both panicking. I started to calm myself down. Hindi maaari na bigyan ko ng bagong sakit ng ulo ang mga magulang ko. Hindi sila pwedeng mag-alala sa akin ngayon.
Ngunit nang simulan kong pakalmahin ang aking sarili ay hindi iyon tumalab. Lalo pa ngang lumala nang maramdaman kong nagsisimula nang manggulo, magsabay ng panic attack at anxiety sa akin. Bigla, ay nanginig ang kalamnan ko. Nanlamig ang katawan ko. Hindi ko na kinakaya ang aking paghinga dahil nahihirapan ako. Sumikip nang sumikip ang paghinga ko. Nararamdaman ko na naman ang masakit na bahagi ng dibdib ko kung saan naroon ang aking baga.
Umaatake na naman siya. Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak dahil mas makadaragdag lang iyon sa pagsikip ng paghinga ko. Ngunit sadyang ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa baga ko ang siyang nagpapaluha sa akin.
Umawang ang mga labi ko dahil sa pagkapos ng paghinga.
"Call the ambulance now!"
"O—xy…" Gen… oxygen…
"Ate! Ate!"
"Scythe!"
Lahat sila nag-aalala na. Naririnig ko na naman ang pag-aalala, takot at pagkataranta sa boses nila. Bagay na ayaw kong marinig dahil pakiramdam ko, mahina ako. Pero ano ang magagawa ko? Mahina talaga ako.
Kasalanan ko 'to. Na-expose ako sa maraming tao. Nakalanghap ako ng mga usok. Nakaamoy ako ng mga matatapang na pabango. Kasalanan ko 'to.
"Scythe! Dammit!"
Ang kaninang pinipigilang luha ay tuluyan na ngang bumagsak. Sa pangalawang pagkakataon ay narinig ko muli ang boses niya… ang pag-aalala niya para sa akin. Ngunit tulad sa unang beses, ganitong muli ang kalagayan ko, hindi ko muli makikita ang mukha niya pagkatapos nito.
At sa pangalawang pagkakataon, muli niya akong binuhat.
Sa pangalawang pagkakataon, muli akong bumagsak.
SCEENA'S POV
IT IS HARD seeing your sister suffer from her disease. It makes me weak. It makes us all weak. Pero hindi namin pinapakita sa kaniya dahil ayaw niya ng kinakaawaan siya. Ayaw niya ng tinitingnan siya nang may awa sa mga mata. Ayaw niyang mas pinamumukha sa kaniya na may sakit siya. Kaya nga kahit nag-alala kami sa kaniya, sa oras na gumising siya, wala sa amin ang umiiyak. Kahit gustong-gusto na ng mga luha namin ang pumatak, pinipigilan namin dahil ayaw naming makita niya na nanghihina kami dahil nanghihina siya.
Gusto naming makita niya na malakas kami dahil lumalakas daw siya roon. Kapag patuloy kaming lumalaban, lumalaban din siya. Ilang beses na itong nangyari. Hindi ito ang unang beses na sinugod siya sa hospital… but everytime may mangyayaring masama sa kaniya, all our fears, parang unang beses at hindi namin alam ang gagawin. Ang pagkataranta at pag-aalala namin ay para bang hindi namin ala. Kung ano ang sunod na gagawin.
She just loves her so much. Lalo na ako. Though, hindi ko masyadong pinararamdam sa kaniya by words kasi medyo corny iyon but God knows how I love my ate so much.
Buhat ni Kuya Marcus si Ate Scythe— he was once my ate's boyfriend. Kilala siya ng buong family but I was shocked kanina nang makita ko siyang kasama ni Kuya Bruno— that was ate's manliligaw.
Ang alam ko, they were already separated a long time ago. Feeling ko nga, ilang taon na rin ang binilang buhat nang mag-break sila. Nagkabalikan kaya sila? Pero paano naman si Kuya Bruno na laging kasama ni ate sa hirap at ginhawa?
We headed to our own vehicle. Kasama ko ngayon si mommy, daddy at Kuya Sehun. While sa isang car naman ay sina Kuya Bruno at Kuya Marcus, kasama si Ate Scythe. Hihintayin pa sana namin ang tinawag na ambulance ng mga katulong namin pero tama ang sinabi ni Kuya Marcus, walang magagawa kung maghihintayan lang kami roon sa loob ng kwarto ni ate. We need to hurry because it is an emergency.
"Mom…" I hugged my mom and tapped her shoulders. Umiiyak na naman kasi siya. Tuwing isusugod si Ate Schythe sa hospital ay umiiyak si mommy. Sino bang magulang ang hindi iiyak? Sino bang nanay ang hindi mag-aalala para sa anak niyang ilang beses nang nag-aagaw buhay?
"Sana gumaling na ang ate mo, anak."
"Ayun lang din naman ang wish nating lahat, mom."
Every christmas, new year, birthdays and even small gatherings, even everydays, we always wish for Ate Schythe's healing. Wala kaming ibang gusto kundi ang gumaling siya at bumalik sa malayang buhay. Kung saan, nagagawa niya ang mga gusto niyang gawin. Kung saan, hindi niya kailangan ng mask upang maging protektado. Kung saan, hindi niya kailangang iwasang makipaghalubilo sa mga tao. At hindi siya nahihirapan sa kaniyang sitwasyon.
Kasabay ng paghikbi ni mommy ay ang pagtulo rin ng mga luha ko. Napapagod na kaming makita siyang napapagod. Gusto naming nakikita siyang maayos palagi.
Ilang sandali lang ay huminto ang sasakyan. Narating na namin ang hospital kung saan siya laging kino-confine. We search for her doctor at ilang sandali lang ay humahangos itong nagpakita sa amin.
"Nasa ER siya, doc." Kalmadong saad ni Kuya Bruno. Hindi naman nag-aksaya ng panahon si Doctor Tuazon, agad niyang pinuntahan ang ate ko para asikasuhin.
Hindi kami mapakaling lahat. Iyong puso namin, patuloy ang malakas na pagdabog. Hindi kami kumakalma.
"Sceena!" Sa hindi kalayuan, narinig ko ang isang pamilyar na tinig kaya mabilis akong lumingon doon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang humahangis niyang hitsura, bakas doon ang pag-aalala at mas nagtataka ako kung bakit ganoon ang reaksyon niya.
Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"f**k! I thought something happened to you!"
Bakas sa boses niya ang pagkataranta kaya lalo akong naguluhan. What is he doing here? Suddenly?
"What are you doing here, Raven?"