Chapter 7

1167 Words
SCEENA'S POV "ANO NA?" tanong ko sa kasama kong si Miguel na ngayon ay nakasilip sa isang puno dito sa garden. Nandito kami ngayon sa garden dahil dito raw nakita ng classmates nila ni Miguel ang boyfriend kong matalino pero hindi kayang pag-aralan na mahalin ako. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita, ngayon na lang ulit. Noong araw na kasama ko sila Leslie na maghanap, hindi talaga siya namin nakita noon. Magaling kasi siyang magtago. Sana kaya niya rin itago ang katotohanan na ayaw niya sa akin, 'di ba? Masyadong obvious. Hello? May nasasaktan dito. Naiinis ako. Nakita na namin ang boyfriend kong pinagtataguan talaga ako. As if naman gustong-gusto ko siya kasama, 'di ba? Bakit naman niya ako kailangan pagtaguan? Feeling ko nga, mas maiintindihan ko pa kung sasabihin niya sa akin na may girlfriend siya. O kung ayaw niya talaga sa akin. I mean, he can say it naman. Hindi iyong ganito na lagi niya akong pinahihirapan sa paghahanap sa kaniya. Lagi rin akong nangangapa kung may feelings na siya sa akin dahil minsan naman, kapag magkasama kami nang kami lang, nararamdaman ko naman ang sincerity niya. Pero ngayon? Bakit parang hindi? Bakit parang sinasabi sa akin ng mundo na huwag na akong umasa sa lalaking tulad niya? Kasi alam naman niya na kanina ko pa siya tinatawagan at kanina ko pa siya hinahanap pero heto siya, nasa garden, nakaupo sa ilalim ng puno, hindi kalayuan sa pwesto namin ni Miguel. Nakasandal lang doon habang nagbabasa ng libro. Bakit kaya hindi ko na lang hayaan si Raven na iwan ako? Pero siya naman kasi ang papagalitan ng parents niya kung sakaling maghiwalay kaming dalawa. And surely, masasaktan ako. I love him… sobra. Pero napapagod na rin akong ipakita sa kaniya iyon. Napapagod na rin akong maging masaya sa harapan niya para hindi siya ma-bored kapag kasama ako pero sa loob-loob ko, nasasaktan ako. Kasi, why do I need to do all the effort? Para sa kaniya? Para mahalin niya ako? Para maging akin na talaga siya? Am I that numb? Am I that martyr? This is suicide. Pero mahal ko kasi talaga siya. "Tara, lapitan na natin. O gusto mo, ikaw na lang?" Humaba ang nguso ko at humalukipkip. "Ako na lang." "Kaya mo?" Huminga ako nang malalim at tiningnan siya nang may matamis na ngiti sa mga labi. Tumango-tango ako nang sunud-sunod, tinatago ang lungkot na nararamdaman. "Oo naman, 'no! Ano ang akala mo sa akin? Weak?" "Tsh." Nagpaalam na ako kay Miguel. Sinabi niya sa akin na babalik na siya sa classroom nila dahil magsisimula na ang first subject nila after lunch kaya naman, nagpaiwan na lang din ako. Gusto ko kasing makausap si Raven. I mean, I want to clear things with him. And also, to plan. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko habang pinapagpagan ang uniform kong suot. Napuno kasi iyon ng maliliit na dahon dahil sobrang nagtatago kami ni Miguel kanina. Nang malapit na ako sa kaniya ay nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Hindi na nga siya nagulat. Para bang inaasahan na niyang darating ako. Mabilis siyang tumayo at tumungo sa gawi ko. Sinalubong ang paglalakad ko. "What happened to you?" nag-aalala ang mga mata niya nang makita ang ilan pang mga dahon sa ulo ko na isa-isa niyang tinanggal. "Moron!" asik ko pero hindi naman ako galit. Nagtatampo ako sa kaniya. Masama talaga ang loob ko. Pero hindi ko magawang magalit sa kaniya. At heto na naman, his worried eyes, his worried voice, his unexplainable things. Bakit kailangan niyang iparamdam sa akin na nag-aalala siya kung wala naman siyang pakialam sa nararamdaman ko? Imagine? Ilang araw siyang hindi nakipagkita sa akin. Ilang araw niya akong tinaguan at kung umasta siya ngayon, parang walang nangyari. Tumawa nang bahagya si Raven. "The baby missed me." I wanted to burst out crying dahil sa sinabi ni Raven. Ganito siya, sweet siya sa mga salita. Nararamdaman ko minsan na mahalaga ako sa kanya, na mahal niya ako, na may pagtingin na rin siya sa akin. Pero lagi kong kinukwestyon din ang sarili ko. Kung mahal niya ako, bakit hindi niya sabihin? Bakit ayaw niya akong makasama? "Bakit hindi ka nagpakita sa akin?" inis kong tanong pero tinawanan niya lang. Ayan! Ayan ang isa pa sa nakakaasar sa kaniya. Kapag nagtatanong ako, hindi niya ako sinasagot. Hello? Mag-boyfriend and girlfriend po kami rito? Baka nakakalimutan niya? Pero baka rin nakakalimutan ko na palabas lang naman ito. Na hindi niya talaga ako gusto. "Why?" inosente niyang tanong kaya umiling na lang ako nang sunud-sunod. Wala na. Hindi ko na naman siya kayang bitawan. Ilang beses ko na sinabi sa sarili makikipaghiwalay na ako sa kaniya dahil hindi ko na rin kaya na ako lang itong nagmamahal. Nagmumukha akong kawawa kaya ayoko niyon. Pero sa tuwing makikita ko siya, sa tuwing maririnig ko ang boses niya, sa tuwing napagmamasdan ko ang mga ngiti niya, ako mismo ang umuurong. Nilulunok ko lahat ng mga sinasabi ko sa sarili. Kasi mas nangingibabaw naman ang pagmamahal ko sa kaniya. Kahit masakit. Kahit wala siyang panukli. At kahit mayroon naman, pero ayaw niyang suklian. "Wala. Idi-date mo ba ako?" Iniba ko na lang ang usapan at ngumiti sa kaniya nang matamis. "Gusto mo ba?" "Moron!" Siyempre gusto ko. Makasama lang kita, masaya na ako, maka-date mo pa kaya? Hinawakan ni Raven ang kamay ko at hinila ako patungo sa ilalim ng puno kung saan siya nakaupo kanina. Inayos niya ang mga gamit at sinilid sa backpack niya pagkatapos niyon ay ngumiti siya sa akin nang matamis. "Kung gusto mo ng date, eh, edi tara?" Huminga ako nang malalim. Hindi ko gustong mag-assume pero parang iba ang mood niya ngayon. Bakit parang ang sigla-sigla naman niya ngayon? May nangyari kaya? I can't ask him kahit na gusto kong malaman kung may nangyaring maganda sa araw niya ngayon. Siya kasi iyong tipong kapag gusto niyang sabihin, sasabihin niya. At kapag hindi naman, hindi niya talaga sasabihin. Nanlaki ang mga mata ko at agad napayuko. Wait. Baka naman kaya siya masaya ay dahil makakasama niya ako? Teka lang, ah. Don't tell me... "Mahal mo na ba ako?" tanong ko sa kaniya, puno nang pag-asa. Pero ang pag-asa na iyon ay bumagsak nang imbes na sagutin iyon, ginulo niya lang ang buhok ko at inakbayan ako na parang kaibigan niyang lalaki kasabay ng sabay naming paglalakad. Bumuntong-hininga ako ngunit hindi ko pinaramdam sa kaniya iyon. Yes, I am hurting again because of him. Pero wala, eh. Masyado ko siyang mahal para pakawalan. "Joke lang. Okay lang naman kung hindi mo pa ako mahal. Duh? Sa ganda kong 'to. Mamamahalin mo rin ako soon." Soon? Kailan pa iyon? Eh, taon na ang binilang ng relasyon namin, hindi niya pa rin ako mahal. Soon pa nga. "Let's go?" tanong niya sa akin kaya ang malungkot kong mukha ay bigla na namang sumaya. "Let's go!" At sabay kaming umalis ng garden para magtungo sa mall kung saan kami laging nagpapalipas ng oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD