Chapter 6.5

2037 Words
SCYTHE'S POV HANGGANG SA matapos mag-perform ang The Revolution ay nakatingin lang ako kay Marcus habang hindi humihinto ang pagragasa ng tubig mula sa mga mata ko. Ni hindi nga ako kumikibo kahit pa ilang beses na akong kinakalabit ni Bruno para yayaing umuwi. Siguro kasi, masyado siyang nag-aalala sa kalagayan ko. Baka nga naman kung mapaano ako. Pero sadyang ayoko pang umalis sa kinatatayuan ko ngayon. Dahil mula sa kinatatayuan kong ito, kitang-kita ko ang lalaking pinakamamahal ko. "Having you near me… having you near me. I want you to stay and never go away…" pagkanta ni Marcus sa kantang 'Having You Near Me' ng Air Supply. Oo, siya nga ang kumakanta niyon kahit mayroon namang vocalist. Iyon kasi ang request ng isang customer kapalit ng mas malaking tip. Ganoon naman talaga ang gawain ng banda namin. At normal iyon. Normal naman na kumakanta si Marcus dahil singer din siya, iyon nga lang, iba ang lagay niyon sa puso ko. Lalo pa ang liriko ng kantang iyon. Para bang may pinatatamaan. Dalawa lang iyon. Ako o si Jennie. Pero pakiramdam ko, para iyon sa girlfriend niya dahil ganoon naman si Marcus kapag kumakanta. Lagi niyang inaalay iyon sa babaeng tinitibok ng puso niya. Hindi ko maiwasang kaawaan ang sarili ko. Nagsusumiksik ako na parang pusa sa buhay niya. Kahit na hindi naman ako nagpupumilit, umaasa pa rin ako. Kahit malabo, umaasa pa rin ang puso ko. Natapos ang kanta at muling humiyaw ang mga manonood. Doon ay muling bumalik ang isip ko sa reyalidad. Lalo na nang mapansin ko ang kamay ni Bruno, may hawak itong panyo at inaabot sa akin. "Sampung minuto nang nakaganyan ang kamay ko. Baka gusto mo nang kunin iyong panyo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Bruno. Hala? Seryoso ba siya? Agad kong kinuha iyon at pinunas ko sa mukha kong punong-puno ng luha. Hindi pala ako ako nakapagdala ng banyo. Tinanggal ko saglit ang mask kong suot ngunit agad na tinakpan ni Bruno ang ilong ko para hindi ako makasinghot ng usok. Kumuha ako ng panibagong disposable mask na baon-baon ko at sinuot iyon dahil iyong mask na suot ko kanina ay basang-basa na dahil sa mga luha. "Seryoso bang ten minutes na?" tanong ko, hindi pa rin makapaniwala. "Oo nga. Tanong mo pa iyong boyfriend mong may girlfriend nang iba." Mahina ko siyang hinampas sa kanyang braso at nakabusangot na umiwas ng tingin. "Nakakainis ka talaga!" "Why? Because I am spitting the truth?" Inosente niyang tanong kaya lalo akong bumusangot. Kahit kailan talaga, hindi ko matalo-talo sa pang-aasar si Bruno. Iba naman kasi ang panlaban niya sa akin. Personalan na nga, usapang pang-puso pa. At talo ako roon. Sobrang talo ko roon. Kaya wala akong magawa kundi ang samaan na lang siya ng tingin. Hindi ko nga alam sa taong 'to kung bakit ako inaasar kay Marcus. Kung bakit niya pinamumukha sa akin na wala na akong pag-asa. Pero siya naman itong gumagawa ng paraan para makita ko ang lalaking mahal ko. Siya ang nagbibigay sa akin ng impormasyon. Siya ang nagtutulak sa akin para makita ko si Marcus. Imbes kasi na bakuran niya ako or ilayo ako kay Marcus dahil ito ang nagbibigay ng sakit sa puso ko, imbes na hayaan niya akong mag-move on, he is pushing me. And I don't get the reason why. Ayoko namang magtanong. Kasi ayoko ng magiging sagot. Ano man iyon, ayaw kong marinig ang sagot. "Uuwi na ba tayo?" tanong ko kay Bruno dahil tapos naman na ang perfomance ng banda. Tapos na ang sandaling nasilayan ko si Marcus. Tapos na ang pakay ng pagpunta namin dito. "Hindi pa." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya kasabay ng nagtataka kong paglingon. "Bakit?" Ngunit imbes na sagutin niya ako ay tumingin na lang siya sa malayo at nginuso niya sa akin ang direksyon kung saan naroon ang daan patungo at palabas ng backstage. Isang tao ang nakita kong palapit papunta sa gawi namin. "Scythe!" pananabik ang naramdaman ko nang mula sa tinatapakan ko ay hinintay ko ang paglapit sa akin ng baklang si Frin. Isang matamis na ngiti ang sinalubong ko sa kaniya kahit na nagtatago ang mga ngiting iyon sa mask kong suot. "Hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka pala?" tanong niya. Agad naman akong umiling. "Biglaan lang din. Hindi rin naman kami magtatagal." "Sino ang kasama mo?" Nagpalinga-linga si Frin sa paligid, doon ay nakita niya ang kasama kong si Bruno na masama ang tingin sa kaniya. "Eww naman ng kasama mo, bakla!" Akmang susugurin na ni Bruno si Frin ngunit tinaasan siya ng kilay ng bakla. Kaya naman, ginantihan niya na lang ito ng maanghang na salita. "Mas eww ka dahil bakla ka!" Kwento sa akin ni Bruno, nangyari daw ang pagkainis niya kay Frin nang dumalaw ito sa akin sa hospital. Iyong malapit nang magpasko. Ayon sa salitang ginamit ni Bruno, tatanga-tanga raw noon si Frin at hindi napansin na malapit na siyang mabangga nito. Mabuti na lang daw at hindi siya tanga kaya agad siyang nakaiwas. Kung hindi, matatapunan na siya ng kapeng binili nito sa labas ng hospital. Kaya hanggang ngayon, kumukulo ang dugo nila sa isa't isa. Hindi ko naman pwedeng pagbatiin ang dalawang 'to. Sa napapansin ko kasi sa kanilang dalawa, siyempre matagal ko nang kilala at nakasama si Frin habang si Bruno naman ay sapat na rin ang taon na magkakilala kami para makilala ko siya at ang ugali niya. Magkapareho ang ugali nila. Kaya parehong hindi marunong magpatalo ang dalawang ito. Walang pwedeng manalo, wala ring pwedeng matalo. "Hoy! Mas eww kaya iyong mga baklang feeling lalaki," pang-aasar pa ni Frin at pinanlakihan niya ng mata ang kausap. *Sinasabi mo bang bakla ako?" Akmang susuntukin na ni Bruno si Frin pero ito na rin ang pumigil sa sarili. Pinagtitingnan na sila ng ibang taong nakakarinig pero hindi pa rin sila tumitigil. Ang iba naman ay walang pakialam. Dahil malakas na muli ang tugtog sa buong bar. Kaya naman, tuloy ang kanilang pagsasaya. Samantalang kaming tatlo rito ay hindi na nga nagsasaya, nag-aaway pa iyong dalawa. "Sinabi ko bang ikaw 'yon?" Kapwa sila ayaw magpatalo kaya naman, sumakit na ang ulo ko. "Teka. Teka. Sandali," pigil ko sa dalawa. "Dito pa talaga kayo nag-aaway?" Sapo ko ang noo nang tingnan silang dalawa. Kapwa naman sila nananahimik nang dahil doon. Nagpalitan na lang sila ng masamang tingin kaya naman, agad na hinawakan ni Bruno ang palapulsuhan ko at akmang hihilahin ako nang pigilan siya ni Frin. "Tara na, uuwi na tayo," aniya at muling hinila ang kamay ko. Gusto ko sanang sabihin na masakit na ang pagkakahila niya dahil sa higpit at lakas niyon ngunit hindi ko magawang magsalita. Para bang ang dalawang ito ay tinatanggalan ako ng karapatan para magsalita. Ganito na ba talaga katindi ang galit nila sa isa't isa? Para sa isang pagkakamali, hindi nila kayang magpatawad at magbigayan na lang? Para sa isang pagkakamali, nakakalimutan na nila kung gaano sila kabuting tao sa paningin ko at sa ibang mga taong nakakasalamuha nila. Kung si Marcus kaya? Galit kaya siya sa akin dahil sa isang pagkakamali na ginawa kong pag-iwan sa kaniya? Ganito rin ba kasukdulan ang galit niya sa akin dahil sa ginawa ko? O baka naman napatawad na niya ako? Ilang taon na rin naman na mula nang maghiwalay kaming dalawa. Kakatwang limang taon kaming magkasintahan noon at pagkatapos niyon, bumilang naman ang mga taon buhat nang kami ay maghiwalay. At tatlong taon na iyon. Tatlong taon na simula nang saktan ko ang puso niya. Tatling taon na simula nang maging makasarili ako at iwanan siya. "Scythe, sumama ka muna sa amin," si Frin naman ang nagsalita. Nagulat na lang ako nang hilahin niya rin ako mula sa kabila kong kamay. Huminga ako nang malalim dahil lubha na akong naguguluhan sa kanilang dalawa. Nakita kong humarap si Bruno, halatang ayaw makipag-agawan ngunit hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko. I know, ayaw niya lang gumawa pa ng mas malaking gulo ngunit hindi ko naman pwedeng sawayin si Frin dahil palaban talaga ang baklang 'to noon pa man. Wala siyang pakialam sa career nila dahil sabi niya nga, ganoon na talaga ang ugali niya, wala pa man ang banda. Dagdag niya pa, kung talagang mahal sila ng fans, mahalin sila sa kung ano sila. They or we don't need to change for anyone. No one can change us. Love our music, not us. Iyon pa ang sabi niya. At some point, Frin has a point. But the people also need to change, not for a person, but for themselves. And that is my perspective. "At saan mo siya dadalhin?" Muling bumalik sa reyalidad ang isip ko nang marinig ang maangas na boses ni Bruno, si Frin pa rin ang kausap. Tinanong kung saan ba ako dadalhin ni Frin. Napatingin ako sa baklang ka-banda ko rati. Saan nga ba niya ako dadalhin? "Ihahatid namin siya pauwi," saad ni Frin. Ang boses niya ay para bang naninigurado na walang mangyayaring masama sa akin at pagkatiwalaan siya. "Saan mo nga dadalhin?!" Nagtaas ulit ng boses si Bruno dahil hindi nga naman sinagot ni Frin ang tanong niya. Alam ko namang nag-aalala lang para sa akin si Bruno kaya heto, nananatili akong tikom ang bibig. Pinanonood lang ang dalawa na magtalong muli pero sa loob-loob ko, nananakit na talaga ang aking ulo. "Bakit? Boyfriend ka ba? Kung makaasta, daig mo pa kahit ang ex boyfriend, ah?" Ngumisi si Frin na siyang ikinainit muli ng ulo ng kaibigan kong lalaki. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Bruno sa kamay ko. Alam kong pigil na pigil na niya ang sarili dahil ramdam ko na rin ang panginginig ng mga kamay niya. Lubha akong nag-alala. "Bruno," tawag ko sa kaniya para mag-iba ang direksyon ng mga nag-aalab niyang mga mata. Ngunit hindi iyon nangyari dahil pansin kong hindi niya inaalis ang mga mata niya sa taong kausap. "What?" Naroon ang gigil sa boses. Para bang anumang oras ay kayang-kaya niyang patulugin sa suntok si Frin. "Ano ba kayong dalawa?" Nasapo ko ang aking ulo dahil mas nananakit iyon sa kadahilanang hindi ko sila mapigil. Kanina pa ako naiinis sa dalawa ngunit ayokong makialam. Wala naman akong lakas para makialam sa kanilang dalawa. Sumikip ang paghinga ko. Nahihilo na rin ako dahil sa patong-patong na stress na nararamdaman ko. Habol ko ang paghinga ngunit kahit gusto kong tanggalin ang mask na nakatakip sa aking ilong at bibig ay hindi ko magawa. Paano ko tatanggalin ang mask kung walang malaya sa dalawa kong kamay? Pareho iyong hawak ng dalawa. "Magpapahinga 'yan. Na-stress sa mukha mo," banat pa ni Bruno. "Hello? Mas nakaka-stress siyang bigote mo," sagot naman ng isa. "P-please…" tumigil na kayo. Hindi ko na magawang maisatinig ang mga nais ko pang sabihin dahil nanghihina na ang katawan ko. Anumang oras ay inaasahan ko nang babagsak na ako. Ang mga malilikot na ilaw, halu-halong amoy ng pabango ng mga tao, usok, malakas na tugtog, idagdag pa ang nangyayari ngayon sa dalawang ito, talagang tatakasan ako ng lakas. At hindi ko na kinakaya iyon. "Aba't talagang—" Batid ko ang dahilan ng pagtigil ni Bruno sa pagsasalita. Iyon ay kadahilanang tuluyan na nga akong bumagsak. Nakikita ko pa ang nangyayari ngunit nanlalabo na ang aking paningin. Humihina na rin ang tugtog sa aking pandinig. At mas nasisilaw na ako sa mga liwanag dulot ng iba't ibang kulay ng ilaw. "Scythe! Damn!" Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay napangiti ako sa aking nakita. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ito o dala lamang ng pananabik ko. Ang nag-aalalang si Marcus ang siyang nasa harapan ko. Sinusubukan akong gisingin mula sa papatulog kong katawan. Napangiti ako. Siya nga ba talaga ito o baka naman, ilusyon ko lang? Baka naman sa sobrang pag-iisip ko sa kaniya kaya nakikita ko na siya sa bawat taong lalapit sa akin at ganito ang kalagayan ko. Dahil sa kaniya, dahil sa paglapit niya sa akin ngayon. Totoo man ito o hindi. Nilabanan ko ang pagpikit ng aking mga mata. Nilalabanan ko ngayon ang katawan kong pakiramdam ko ay hihimlay na. Ngunit hindi ko na kaya… tuluyan nang pumikit ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD