Chapter 9

1033 Words
THIRD PERSON'S POV "GUSTO MO bang malaman ang totoo?" Napangiti nang palihim si Bruno nang makita niya ang interes sa mga mata ng lalaking katunggali. "Yes. Gusto kong malaman ang totoo dahil hindi ito ang unang beses niyang ma-hospital." Gusto niyang makonsensya. Hindi naman siya magpapakahipokrito para hindi makita na talagang nag-aalala ang binata kay Scythe. Nakokonsensya siya. Dahil halata sa taong iyon na gusto nitong malaman ang totoo. Pero hindi pwede hindi dahil iyon ang bilin ni Scythe, kundi dahil alam niyang mas gugulo ang lahat kapag nalaman nito. Naniniwala si Bruno na may tamang panahon, araw at oras para malaman nito ang totoo. Nagbaba siya ng tingin saglit ngunit agad din iyong inangat. Ayaw man niya ngunit ito na lang ang kailangan niyang gawin upang protektahan ang babaeng mahal niya laban sa lalaking nananakit sa puso nito. "Makakaalis ka na," matabang niyang saad. "What?" "You heard me. Baka hinahanap ka na ng girlfriend mo." Huminga siya nang malalim ngunit hindi niya pinahalata. Doon ay nakita niyang biglang natauhan si Marcus at para bang ngayon niya lang naalala na may girlfriend siyang nagdadalang-tao na naghihintay sa kaniya. "Shit." Dinig niyang napamura si Marcus. Ilang oras na itong nakabuntot sa kanila matapos ang gig. Hindi man lang nito naalala na may naghihintay rito na girlfriend. Kung hindi pa niya sabihin, hindi ito matatauhan. Mas lalo siyang nagkaroon ng rason upang hindi sabihin sa lalaking ito ang totoo. Baka mamaya, ganoon din ang gawin nito kay Scythe, sakaling magkabalikan ang dalawa na siyang hindi niya hahayaang mangyari. Hindi dahil sa natatakot siyang ito ang piliin kaysa sa kanya kundi dahil sa natatakot siya na muling masaktan ang dalaga. Hindi niya talaga kayang makita na nasasaktan ito. "Alis na ako, p're." Pre? Kailan pa sila naging magkumpara? Gusto niya sanang isatinig iyon at angasan ang lalaking kaharap ngunit hindi na niya pinag-aksyahan iyon ng panahon. "Ge." Iyon na lang ang nasabi niya. Sa pagtalikod ni Marcus ay ang pagbalik ng alaala niya sa araw kung saan, napagtanto niyang mahal niya si Scythe at ayaw niyang nasasaktan ito. Pasyente rin siya sa hospital na ito nang mangyari iyon. Sakto namang kakasugod lang ni Scythe dito. Malinaw niya pang naaalala ang mga pangyayari kung saan, naglalakad siya nang marahan kasama ang isang nurse, hila-hila ang dextrose na nakakabit sa kaniyang katawan. Malayo pa man sa emergency room ay narinig na niya ang atungal ng isang babae at ilang mga boses kung saan, pinapakalma siya ng mga ito. Agad siyang nagkaroon ng interes dahil malakas ang iyak ng babae at lubha iyong nakasasagabal sa mga naroon. Ang mga nagpapatahan naman sa kaniya ay halatang pamilya niya. Maging ang ina nito ay umiiyak. "Ano ang nangyayari?" Iyon ang naging tanong niya sa bantay niyang nurse noon habang nakatingin lang sa malayong emergency room kung saan sinugod ang babae. Nakasarado na ang emergency room at nasa loob na nito ang babae at pamilya pero pakiramdam niya, nakikita pa rin niya nang malinaw sa kaniyang paningin ang hitsura nito, ang iyak nito, ang masakit nitong mga mata. "Ah, iyon po ba? Nalaman po kasi niya na stage 4 na ang cancer niya." Bigla siyang naawa nang malaman niya iyon. Stage 4? Masyado nang delikado iyon. Nakakawalang pag-asa para sa kanya na namatayan ng ina dahil sa breast cancer at hindi niya masisisi kung ganoon ito kung umiyak. Sino ba ang matutuwa sa mapait na kapalaran na nalaman? Sino bang hindi masasaktan at iiyak kapag nalaman mo na imposible na para sa iyo ang mabuhay nang matagal. It was cancer. At mababa ang survival rate sa sakit na ito. Depende pa iyon kahit matatag ang iyong loob, kahit mahina ang iyong loob, kapag pinaghina ka nito, hihina at hihina ka talaga. Naglakad siya paabante. Gusto niyang makita ang dalaga. Para bang mayroong isang matibay na sinulid ang humihila sa kaniya palapit sa direksyon ng emergency room kung saan dinala ang babaeng iyon. Naku-curious siya. At hindi lang iyon. Pakiramdam niya kasi ay mayroon siyang dapat gawin sa babae para gumaan ang mabigat nitong nararamdaman. Kung ano man iyon, hindi niya alam kung ano at kung paano. Basta malinaw sa kanya na gusto niyang pasiyahin ito. It was already a week since the day he first met that girl. At ngayon, nabalitaan niyang naka-confine na ito sa kwarto kung saan katabi ng kwarto niya. Sinusubukan niyang pakiramdaman ang galaw nito sa kabilang kwarto. Ngunit hindi niya kayang marinig. Sa susunod na linggo ay madi-discharge na siya dahil sa sakit niyang over fatigue. Iyon lang naman iyon, pahinga lang. Ngunit mas lumala iyon nang imbes na magpahinga siya ay gumagawa siya ng paraan para makapagtrabaho online o asikasuhin ang mga business niya sa kaniyang laptop. At hindi lang iyon, na-confine din siya dahil sa ginawa niyang kabulastugan. Sinubukan niya kasing wakasan ang buhay niya kaya ngayon, patuloy pa rin siyang minomonitor. Ayaw niya na nga sana sa hospital na ito, ilang beses na siyang nagwala at nagmakaawa na huwag nang habaan ang pananatili niya rito ngunit hindi siya pinagbigyan. Noon iyon. Noong hindi niya pa nakikita ang dalaga. Ngayon, pakiramdam niya, ayaw na niyang umalis kung hindi rin aalis ang babaeng iyon sa hindi magandang lugar na ito. Lumabas siya ng kanyang kwarto, tangan-tangan ang dextrose na muli ay nakakabit sa kanyang katawan. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa harap ng pinto ng kwarto nito. Kakatok na sana siya ngunit narinig niya ang malakas nitong pag-iyak kaya naman, naiwan sa ere ang kamay niyang handa na sanang kumatok. Nagbaba siya ng tingin, pinakinggan ang mga hikbi nitong malakas at masakit. Sa tingin niya, sa paraan nito ng pag-iyak, hindi na iyon dahil sa sakit na nalaman niya. Pakiramdam niya, may malalim pang dahilan. Kung ano man iyon, gusto niyang malaman dahil gusto niyang makatulong. Lalo pa nang malaman niya ang magandang pangalan nito. Scythe Medialdia. Mula nang malaman niya iyon sa isa sa mga nurse ay mas lalo siyang nagkaroon ng interes para makilala ito at makausap. Kaya naman, huminga siya nang malalim. Handa na muling kausapin ang dalaga at istorbohin ito sa pag-iyak. Kumatok siya ng tatlong beses. "Sino 'yan?" dinig niyang tanong ng dalaga. Kaya naman, bigla siyang napangiti nang malawak. "An angel."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD