Habang naglalakad kami nila Drake ay tawa kami nang tawa dahil sa kakulitan ni Yuhan. "Tapos sila Trsitan at Kenjie na lang ang lumaban dahil sa kanilang dalawa pa lang ay taob na ang gang na 'yon kaya na nood na lang din ako," magiliw na k'wento ni Yuhan. Ngayon ko lang din nalaman na disisais anyos lang pala siya pero nasa first year college na siya, hindi ko maisip kung gaano katalino si Yuhan. "Buti na lang at umalis na kami kanina ro'n dahil magsasayang pala kami ng oras ni Drake ro'n," wika ni Recco at tumango naman nang tumango si Yuhan. Ang bata niya pa pala pero kasali na siya sa grupo nila Recco at kanang kamay pa talaga siya ni Recco. Sa pagkakatanda ko sa k'wento ni Recco, kaya niya kinuha si Yuhan ay dahil magaling itong makipag-away at proud na proud si Yuhan nang dahil

