Muli akong napabuga ng hangin sa aking bibig nang makita ko ang pregnantcy test na ginamit ni Luna at isang linyang pula lang ang nandoon at ibig sabihin lang no'n ay hindi siya buntis. "Bakit mo naman sinabi na buntis ka? Paano na lang kapag hinanap nila ang apo nila? Anong na lang ang ipapakita mo?" sunod-sunod kong tanong kay Luna at umiling naman siya sa akin. "Hanggang kasama kita ay hindi ako nangangamba kung sakali mang mangyari ang sinasabi mo na 'yan," wika niya bago mapakibit-balikat na parang ang simple-siple lang ng kalagayan namin ngayon. 'Hindi ko malaman kay Luna kung bakit nakukuha niya pang maging kalmado sa mga ganitong sitwasyon.' "Paano na lang kapag hinanapan ka talaga nila ng bata? Ano na lang ang ipapakita mo?" Tumingin siya sa akin bago sumandal sa sofa na inuu

