Pagkababa nga namin sa sala naabutan nga namin si Brain na nakaupo habang kaharap si Drake at halatang may hinihintay pero kusa na lang tumaas ang mga kilay ko dahil sa mga naabutan kong mga bagay na katabi ngayon ni Brain. Pagkain, bulaklak, at dragon fruit. 'Daig niya pa mamamanhikan.' Lihim akong napapairap bago habulin si Luna na ngayon ay paupo na sa tabi ni Brain? Seriously? Doon siya tatabi? “Luna—” Hindi ko na naituloy ang pagtatangka kong pagtawag dito nang umiksena na si Brain. “How are you, Luna? Dala ko pala ‘yong mga pagkain na hinahanap mo no’ng nakaraan,” sabi nito habang nakatingin kay Luna at sa hitsura niya ngayon ay gusto ko na siyang birahin sa mukha. Alam ko na tauhan lang siya ni Luna pero hindi na nakakatuwa ang ginagawa niyang ‘to kay Luna. Nag-igting ang m

