KENAN’s POV “Mamaya, hintayin mo kami rito dahil may pupuntahan tayo.” tiningnan ko si Drake nang sabihin niya ang bagyay na ‘yon. Tiningnan ko siya na parang sinasabing, “Seriously?” Nakita ko na tumaas ang kilay niya nang dahil sa uri ng tingin na ibinigay ko sa kaniya. “What are you staring me like that?” tanong nito sa akin kaya tumingin ako sa malayo bago sumagot sa kaniya. “Malamang, Drake, sa inyo ako sumasabay, iisang sasakyan ang ginagamit natin kaya obligadong hintayin ko kayo rito," ani ko bago ko marinig ang mahinang pagbungisngis nila Yuhan at Recco na hindi ko naman na pinansin at nanatiling malayo ang tingin. "Shut up, both of you," pagpapatigil nito sa dalawa naming kasama at kahit hindi ko siya tingnan, alam ko na masama ang tingin niya sa akin. Alam ko naman na hin

