JADE Labis ang tuwa ng magulang ko ng makausap at mayakap nila ako. Halos ayaw nila akong paalisin sa tabi nila. Si Lola Amor naman ay iyak ng iyak habang kinakausap ako. Gayon din si Tita Lucy. Magkagayon man ay bakas sa mukha nila ang kasiyahan. Tuwang-tuwa rin sila sa kabibuhan ni Lexus. Halos puno ng tawanan namin ang apat na sulok ng bahay dahil sa kadaldalan ng anak ko. Napatawad na rin ng magulang ko si Lucas. Humingi rin sila ng tawad sa asawa ko dahil nagalit sila rito. Pinaliwanag ko rin ang nangyari sa akin simula ng napadpad ako sa California. Simula sa wala akong malay habang pinagbubuntis si Lexus. Ang amnesia ko ng magising ako at si Tristan na ang nasilayan ko. Hindi ko na lang sinabi kung ano ang hidwaan sa pagitan ni Tristan at Lucas. Gusto ko na kalimutan ang mga ba

