JADE Sinunod ko ang sinabi ni Lucas na magpagaling. Hindi siya umalis sa tabi ko. Parati siyang nakaalalay sa akin. Gusto raw niyang sulitin ang mga panahon na wala siya sa tabi ko. Ang sabi niya ay nag-leave siya ng isang linggo sa opisina para lang sa aming dalawa ni Lexus bagay na ikinatuwa ng anak ko. Halata naman na sabik siya sa anak niya dahil halos hindi na siya humiwalay kay Lexus. Pumasyal din sa bahay ang tatlo nitong kaibigan. Tuwang-tuwa ang mga ito ng makita ako at malaman na buhay ako. Pakiwari ko'y malapit ako sa kanila dahil sa paraan ng pag-welcome nila sa akin. Mas lalo pa silang natuwa dahil kay Lexus. Ang magkaroon daw sila ng inaanak kay Lucas ang matagal na nilang hinihintay. Halos mapuno nga ang kuwarto dahil sa dala ng tatlo. Bawi raw nila iyon kay Lexus sa

