JAYDEE Kasalukuyan akong patungo sa opisina ni Lucas. Gusto ko muna siya makita bago siya umalis. Matagal na ang dalawang araw para sa akin kaya mami-miss ko siya ng sobra. Hindi pa man ako nakakapasok sa opisina niya ay naulinigan ko na may kausap siya. "What? Ano'ng gagawin n'ya doon? Damn! Hindi na ako pupunta. Baka kung ano'ng kabaliwan ang gawin ng babaeng 'yan sa meeting," mariing sambit niya sa kausap. Ilang sengundo na hindi ko na siya narinig na nagsalita. Hanggang sa marinig ko ang malulutong na mura niya. Pakiwari ko'y iba ang naging epekto ng pakikipag-usap niya sa sinabi ng kausap. Lahat na yata ng mura ay narinig ko sa kaniya kaya minabuti ko na ang pumasok. Nagulat pa siya ng makita ako. "Wifey? What are you doing here? Nag-commute ka lang?" nag-aalalang tanong niya

