JAYDEE Kanina ko pa pinagtatambol-tambol sa mesa ang daliri ko. Kapag nagsawa ay nginangatngat ko naman ang mga ito na kulang na lang ay maubos ang kuko ko. Hindi ako mapakali dahil ito ang pangalawang araw na tapos na ang meeting niya. Ang sabi niya ay uuwi na siya ngayong araw at susunduin niya ako dito sa shop. Tatawagan raw niya ako kapag nakaalis na siya sa Batangas. Pero halos mag-iisang oras na ako naghihintay ng tawag niya ay hindi pa rin tumutunog ang cell phone ko na nasa tabi ko lang. Huling text niya ay nagpasama lang si Mr. Agapito. Pero kaninang tanghali pa iyon. "Bakla, okay ka lang? Huwag ka masyadong mag-iisip. Ingatan mo ang inaanak ko," pukaw niya sa atensyon ko. Pagbalik ko sa shop ng hinatid ako ni Lucas ay sinabi ko na sa kanya na buntis ako. Katulad ng naging

