JAYDEE Pag-akyat namin ay lumabas siya ng kaniyang opisina at ilang minuto siyang nawala. Pagbalik ay hindi nagbago ang madilim niyang mukha. Hindi ko siya magawang kausapin dahil baka mas lalo lang siyang magalit kaya hinayaan ko na lang muna siya. Habang lulan ng sasakyan ay halos mabingi ako sa katahimikan. Tinatahak na namin ang daan pauwi. Pagdating sa bahay ay nakangiti kaming sinalubong ni Amy ngunit hindi ito pinansin ni Lucas at diretso lang na pumanhik sa hagdan. Nagtatanong naman ang tingin na ipinukol sa akin ni Amy. "Hayaan mo muna. Pagod lang sa trabaho. Mauna ka ng kumain. Mamaya na lang kami," bilin ko rito at iniwan na ito sa sala saka pumanhik sa kuwarto. Pagpasok ko ay nakita ko ito sa balkonahe at nakapamulsang nakatayo. Tila ang lalim na naman ng iniisip nito. P

