LUCAS Five years later… "Kumusta ka na, wifey ko? Kumusta na kayo ng baby natin? If I'm not mistaken, he must be four years old now. Tama ba ako?" nakangiti kong tanong habang nakatayo sa tapat ng malaking puno na ngayon ay napakalago na ng mga dahon. Parang kailan lang ay muntik na itong mamatay dahil sa pagkasunog ng katawan nito. Pero hindi mo aakalain na mabubuhay pala ito. Ngayon nga ay parang hindi ito dumaan sa pagsubok dahil kahit may bakas pa ng sunog ang katawan nito, patuloy pa rin na yumabong at lumago ang mga dahon nito. Katulad ko na kahit may bakas pa rin ng sugat sa puso ko sa pagkawala ng babaeng mahal ko, narito pa rin ako, patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay. Kung dati-rati ay buwan-buwan ang pagpunta ko rito, ngayon ay ginagawa ko na lang na taon, sa mismong ar

