Chapter 124

3002 Words

JAYDEE "Lexus, huwag malikot sa Ate Amy mo," saway ko sa anak ko na kinukulit si Amy sa hardin habang abala naman ako sa pagbubungkal ng lupa. Hindi ako mahilig sa halaman pero nagkahanap ako ng paglilibangan. Para magkaroon din siguro ng buhay ang hardin dahil ang tamlay tingnan lalo na at tila napaglipasan na ng panahon. Huling nakita ko ang hardin na ito ay puno ng bulaklak. Pero ngayon, puro ligaw na damo na ang nakikita ko. Binalot ako ng lungkot sa isiping dahil sa pag-aakalang patay na ako, kasabay ng padadalamhati ni Lucas ay nangamatay rin ang mga bulaklak na narito. Naawa ako sa asawa ko. Hindi ko man natunghayan ang paghihirap na dinanas niya ng mga panahong wala ako sa tabi niya ay sobra akong nasasaktan. Pinipiga ang puso ko sa isipin na mag-isang hinarap ni Lucas ang pas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD