JADE Pagkatapos namin mag-usap ni Tristan ay pumasok na kami sa kuwarto. Hindi ko naiwasan ang pangingilid ng luha sa mata ko ng makita ko si Lucas at Lexus na masayang nakukuwentuhan. Para lang na magkaibigan ang mga ito kung mag-usap. Nang mapansin ni Lexus ang presensya namin ni Tristan ay lumawak ang pagkakangiti nito. "Mommy! Daddy!" tawag nito sa amin ni Tristan. Lumapit ako sa mga ito ngunit nanatiling nakatayo lang si Tristan at hindi sumunod sa akin. "Mukhang pwede ng umuwi ang baby ko, ah. Masigla na eh," nakangiti kong sabi rito at ginulo ang buhok nito. "Yes, mommy, gusto ko na po umuwi. Sabi naman po ni Ninang Abby ay pwede na raw po ako umuwi," tugon nito. "Marami po kami napagkuwentuhan ni Tito Pogi. Gusto ko po makilala ang bestfriend niya," baling nito kay Lucas.

