JADE Nakasimangot ako habang nagluluto ng sopas. Paborito ng anak ko ito kaso baka hindi na niya magustuhan dahil wala ako sa mood magluto ngayon. "Dee," tawag niya sa akin. Marahil tapos na siya makipag-usap sa babaeng iyon. Nang silipin ko siya kanina ay wala na siya sa sala. Umakyat yata siya at doon sa taas pinagpatuloy ang usapan nilang dalawa ng Celine na iyon. Ewan ko ba, boses pa lang ang narinig ko ay gigil na ako sa babaeng iyon. Siguro dahil pinakitaan na niya ako ng kamalditahan niya. "Dee, it's not what you think. Celine and I are just friends," paliwanag niya ngunit hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paghalo sa sopas na mukhang durog na dahil kanina ko pa ito hinahalo. Hindi ko nga matandaan kung natimplahan ko na ba ito o hindi pa. "Dee, kausapin mo nam

