JADE "I'm sorry, I don't recognize you," I said and smiled. Lalong nagsalubong ang kilay nito dahil sa naging sagot ko. Kailangan ko rin ba sabihin sa kanya na may amnesia ako? "Really? How long until you can't recognize people you know?" she sarcastically said and smirked. I raised my eyebrow. Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng babaeng ito. "Sino ka ba?" tanong ko na may halong pagkainis. Napasinghap ito sa sagot ko. Tila hindi makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ko. "Wait, may amnesia ka?" tanong niya. Well, hindi ko na rin siguro kailangan sagutin ang tanong niya. At wala na ako panahon makipagdiskusyonan. "I'm sorry, miss, baka hinahanap na ako ng asawa at anak ko. Aalis na ako. Pasensya na ulit," sabi ko at tinalikuran na ito. "You're with Lucas?" tanong niya na

