LUCAS Sa sobrang excited ko na hintayin ang araw ng pagbabalik sa akin ng asawa ko ay madaling araw na ako nakatulog. Dalawang oras lang yata ang tinulog ko dahil nagising din ako ng maaga. Walang specific time na binigay siya pero handa akong maghintay kahit anong oras. Hihintayin ko ang mag-ina ko. Para lang malibang ay kung ano-ano na lang ang ginawa ko sa loob ng kuwarto na inuukupa ko. May pagkakataon na gusto ko na s'ya tawagan o kaya si Lorna pero mas pinili ko na lang ang maghintay. Isa pa, baka makahalata si Tristan. Iniisip ko rin kung paanong pakiusap ang sasabihin niya kay Tristan. Ngunit hapon na ay wala pa rin siya. Gusto ko na siyang puntahan. Hindi ko na kayang maghintay kaya kinuha ko ang cell phone ko at susi ng sasakyan ko. Pagbukas ko ng pintuan ay hindi agad a

