JADE Kahit yata mawalan ako ng boses sa kasisigaw ay hindi niya ako pagbubuksan ng pinto. Kahit lumuha ako ng dugo, hindi siya makikinig sa 'kin. Sarado na ang utak ni Tristan. Ang mahalaga na lang sa kanya ngayon ay ang kagustuhan na mailayo kaming dalawa ni Lexus kay Lucas. Hanggang ngayon ay hindi ko lubos mapaniwalaan na magagawa niya ang bagay na ito. Nakiusap ako pero hindi niya ako pinakinggan. Bagkus ay nilayo niya ako sa taong makakatulong para bumalik ng tuluyan ang alaala ko. Paulit-ulit na bumabalik sa balintataw ko kung paanong napalitan ng galit ang mukha niya ng sinabi ko na sasama na kami ni Lexus kay Lucas pabalik ng Maynila. "T-Tristan, gusto ko malaman mo na totoong minahal kita. Mahalaga ka sa 'kin at naging masaya ako sa mga araw na nakasama kita. P-pero… nang mak

