Chapter 108

2260 Words

JADE Pinagmasdan ko lang kumain ang anak ko. Kalahating kanin lang ang kinain ko dahil ang kalahati ay binigay ko kay Lexus. Sa edad nitong apat na taon ay marunong na itong maging independent. Hinimay ko lang ang karne at hinayaan ko na siya kumain mag-isa. Kailangan nitong mabusog dahil sisimulan na namin ang mahabang pakikipagsapalaran. Habang hinihintay ko matapos itong kumain ay palinga-linga ako sa paligid. Baka kasi biglang dumating si Tristan. Dapat ay maging alerto ako. Sana lang ay wala pa ito sa bahay dahil kung nandoon na ito ay tiyak na hahanapin na kami nito. "Ate, may itatanong lang ho sana ako. May bumabyahe po ba ng ganitong oras papuntang Maynila?" tanong ko sa babae na pinagbilhan ko ng pagkain. "Pasado alas nuwebe na, ineng. Wala ng byahe sa bayan. Ipagpabukas n'

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD