LUCAS Hilot ang aking sintido ay hapong sinandal ko ang likod sa aking swivel chair. Mariin akong pumikit. Kalaunan ay nagmulat ako ng mata ng mag-reflect sa isip ko ang mukha ng asawa ko. Napapaisip ako kung nasaan na ba sila ngayon. Wala pa ring nagbabalita sa akin kung may nakakita na ba sa kanila sa airport. Siguro ay nakatunog ang Tristan na iyon kaya hindi na makapunta ng airport. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Dadalawin ko pala si Mr. Guevarra bago ako umuwi. Aalamin ko kung kumusta na ang lagay nito. Although, alam ko naman na may kamag-anak na nagbabantay rito pero gusto ko pa rin sadyain ito. Pagkatapos ko itong isugod sa ospital ay hindi pa rin ito nagigising hanggang ngayon. At hindi ko pa nakikita si Celine. Mabuti na rin iyon dahil baka kung ano pa ang ga

