JADE "Subukan mo mag-paa, Lucas. Mas masarap maglakad sa buhangin na naka-paa," nakangiting suhestyon ko rito ng marating namin ang buhanginan sa isang beach. Pinili ko na lang na sa beach siya dalhin para makalanghap siya ng sariwang hangin. Pagkatapos ko marinig ang lungkot ng boses niya sa huling sinabi kanina ay mas mabuti kung dito ko siya dalhin. Open ang beach na ito sa lahat. Kung gusto mag-stay rito ay may mga cottages naman na pwedeng arkilahin. Sa kaso ni Lucas ay kailangan lang niyang mawala ang lungkot na nararamdaman niya. Tinanggal ko na ang sneakers ko at binitbit iyon. Hinintay ko naman na tanggalin niya ang kanyang sapatos. Pagkatapos niya iyon gawin ay nauna na akong maglakad sa kaniya. Sa totoo lang, ngayon ko lang naranasan ito. Bagamat lumalabas naman kaming

