TERRY’S POV
“Terry, ano kaba. Would you please stop? Nahihilo na ako sayo.” Reklamo ni Dra. Dahil kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng opisina niya. Dahil nahihiya talaga ako kay Mrs. Sandoval, sa nangyari kanina.
“Dra. Hindi ko naman talaga yun sinadya. Hindi naman siya yung sinabihan ko ng ganun diba? ” Saad ko sa kanya, para akong isang plaka na paulit-ulit akong nagpapaliwanag sa kanya na akalay mo’y may nagawa akong krimen na gusto kong ipagtanggol ang 'king sarili.
“Terry, ano kaba, ilang beses ko bang sabihin sayo na maunawaan ka ni Mrs. Sandoval. Sabihin mo na hindi siya iyon, at si kapre ang sinabihan mo hindi siya. Ganun lang kasimple!” Sagot sa akin, na akala mo ganun lang kasimple, kung alam lang niya ang nararamdaman ko ngayon. Hays...Kasalanan ng kapre na iyon eh!
"Malapit na ang mag-lunch, puntahan mo na kaya siya, malamang naghihintay na 'yon sayo. " Dagdag pa sa akin.
"Dra. Pwede kaya next time nalang ako sumama sa kanya? Nahihiya talaga ako. " Parang nag makakaawa pa ako sa kaharap ko ngayon.
"Kasalanan ng kapre na iyon eh! " Kausap ko sa aking sarili. Pero kung tutuusin ako naman talaga ang may kasalanan.
"Bahala ka, basta ako aalis na, may lunch-date ako today. " Tugon pa sa akin, at tumayo na siya, kinuha niya ang sling bag nitong gucci, pero hindi nakaligtas ang pagbunga niya ng hangin. Na akala mo'y may kinaiinisan. Sumulyap naman siya sa akin bago lumabas sa kanyang opisina. Pero sandali nga, tama ba ang pagdinig ko, may lunch-date daw? Pero mukhang nabasa niya ang isip ko.
"Ah, hindi pala lunch-date yun, lunch with my family friends, yeah, yeah that's right! Ba-bye Terry! " Sabi sa akin tapos mabilis ng lumabas sa kanyang opisina na hindi pa ako sumasagot sa kanya. Akala mo may iniiwasan.
Napa-sulyap pa ako sa pintuan kung saan, lumabas si Dra. Nepomuceno. Kanina lang parang bumubuga yun ng apoy e, pero bumalik ang diwa ko sa sarili kong problema.
Napatayo ako sa aking upuan, at pa ikot-ikot ako sa loob. Sumilip din ako sa side table ni Dra. Nepomuceno, malapit ng mag-twelve.
"Wala naman akong sinabi na masama diba? Sinabi ko lang naman na busy ako? " Kausap ko sa aking sarili.
"At bumili ka ng kausap mo! " Dagdag ng kabila kong utak. Hays naman e! Para na aking sira-ulo na kaaway ko na ang 'king sarili.
"Kung hindi ako sumipot kay Mrs. Sandoval, baka mas lalo siyang mag-isip ng hindi maganda sa akin. " Kausap ko ulit sa aking sarili.
Kaya nagpasya na ako, pupuntahan ko na lang siya. Nakakahiya naman. Lumabas na ako sa opisina ni Dra. Nepomuceno. Napa-hinga muna ako ng malalim.
Habang naglalakad ako sa pasilyo, may narinig akong parang ungol sa may exit door. Dahil marites tayo, aba sumilip ako!
"Yes! Baby! F*ck me hard ohh! Yeah..! " Boses ng isang babae na akala mo, natatae na ewan!
Sumilip ako sa loob ngunit wala akong makita, ngunit pigura ng dalawang tao ang naaninag ng 'aking mga makasalanang mata na may ginagawang milagro ang dalawa? Napalunok ako na akala mo'y nakakita ako ng multo. Dahil sa kanilang anino na siyang tumatama sa ilaw. Madilim ang loob, ngunit naliliwanagan ng ilaw. Nasa gilid sila kaya hindi makita kung sinuman ang taong gustong pumasok.
Mabilis akong humakbang pabalik sa may exit door ng marinig ko ang boses ng lalaki.
"This is want you want? So f*cking wet b***h! Urgh… Ooh! " Nanginig ang 'aking mga tuhod, sa aking nasaksihan. Habang malakas ang ungol nilang dalawa na akala mo'y may hinahabol. Mabilis kong nilinisan ang lugar.
Kung bakit kasi, napakamarites mo baba'ta ka! Kastigo ko sa aking sarili. Kinalma ko muna ang aking sarili, bago ko ipinagpatuloy ang lumakad.
"Hindi siya 'yon. Tama, hindi siya. " Para akong baliw na kinakausap ang aking sarili. Alam kong babaero siya, pero hindi kailan man sumagi sa isip ko, na kahit sa exit door gagawin ang kababalaghan? "No, no! " pagkukumbinsi ko sa aking sarili. Isa pa, baka ka-boses lang niya iyon.
At hindi ko man lang namalayan, nandito na pala ako sa resto. Nandoon na rin si Mrs. Sandoval. Kinalma ko ang aking sarili, bago ako tumungo kung nasaan siya.
"Terry, relax!" Pagkukumbinsi ko sa aking sarili, ng medyo nahimasmasan na ako, lumapit na ako sa kanya. Mukhang may kausap pa sa phone kaya hindi niya ako agad nakita.
"What did you say again? Nangako ka sa akin kanina hindi ba? Kahit kailan ka talaga Monching!" Halata sa mukha ni Mrs. Sandoval ang pagkadismaya sa kausap nito. Hindi muna ako nagsalita, dahil may kausap pa siya.
Hindi rin niya ako namalayan na dumating na ako, dahil nasa kausap ang atensyon niya. Nahihiya rin akong magsalita.
Hanggang sa pinatay na nito ang tawag, medyo nagulat pa siya ng umangat ang kanyang mukha at nakita ako. Keme din akong napangiti.
"Uh, hija, kanina ka pa ba diyan? Come here and have a seat please. " Nakangiti niyang saad sa akin.
" Umh, hello po Mrs. Sandoval, kararating ko lang po. " Nakangiti kong bulalas sa kanya, umupo na ako sa kanyang harapan.
" Naku hija, pasensya ka na talaga, hindi man lang kita namalayan. Ang totoo niyan kasi, ang aking anak, hindi na naman tumupad sa usapan namin. " Mahaba nitong litanya sa akin. Halata ang lungkot sa mukha nito. Pero teka nga, ano yung sinabi?
"Po? " Tipid kong sagot, ano naman ang kinalaman ko sa anak niya. Isa pa, kakain lang naman kami ah. Uminom muna ako ng tubig dahil pakiramdam ko nauuhaw ako sa nasaksihan ko kanina sa exit door.
"Uh, gusto ko sana ipakilala sayo ang aking anak hija. " Bigla akong napa-ubo sa sagot sa akin ni Mrs. Sandoval. Alam ko naman na lagi niyang sinisingit ang anak niya sa akin. Pero hindi ko akalain na ito na pala ang araw na iyon. Gosh! Hindi man lang niya sinabi sa akin. Kausap ko sa aking sarili.
Pero tumingin ako sa kanya ng nahimasmasan na ako, mukhang malungkot siya talaga.
" Ok ka lang ba hija? " Tanong niya sa akin, dahil siguro sa bigla akong naubo. Tumango ako bilang sagot, dahil mukhang may sasabihin pa siya.
"Acutually, nandito na siya kanina, meron lang daw siya titingnan. Pero ayon nakaalis na pala. But anyway hija, hindi pa naman ito ang huli natin na lunch hindi ba? " Ngayon naka ngiti na siya. Hindi ko talaga maintindihan minsan ang mga taong nakapaligid sa akin.
Para wala na siya masabi pa, tumango na lang ako. At 'to nag order na rin siya. Kung tutuusin hindi na ito ang una namin magkasama kumain. As usual laging bida ang anak niyang si Sir Monching. Pero syempre masarap sa pakiramdam na, mabait sa akin si Mrs. Sandoval.
Na miss ko tuloy ang mama ko sa Baguio. "Tawagan ko mamaya" kausap ko sa aking sarili.
"Hija, napapansin ko sayo, ayaw mo ng mayonnaise? " Napaangat ako sa aking mukha ng nagsalita si Mrs. Sandoval.
Totoo ang sinabi niya, may allergic ako sa mayonnaise, konting tikim lang nagpapantal na lahat ng mukha ko.
"Ah, opo Mrs. Sandoval, sorry po. " Nahihiya kong tugon sa kanya, baka isipin na maarte ako sa pagkain, hinayaan ko kasi siya ang mag order kanina.
Pinipili ko na lang ang walang mayonnaise. Kasi naman, mga bread lang 'to at sandwich. Saka syempre hindi mawala-wala ang steak.
"Bakit ka nag so-sorry hija? Ako dapat ang mag hingi ng sorry, I almost forgot, wait lang, mag order ulit ako ng pagkain. " Nabigla naman ako sa kanyang sagot sa akin.
"Po? Wag na ma'am, ok na po ako dito, tyaka po, busog na rin po ako. " Nahihiya kong sagot sa kanya. Dyos Ko naman.
Dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa resto. Meron kasi restaurant dito sa loob ng Madrigal Hospital.
Alam kong kilala nila ang aking kasama ngayon, pero ako wala talaga akong alam sa mga taong nakapaligid sa akin. I-ilan lang talaga sa kanila ang kilala ko, dahil na rin sa tulong ng aking bestfriend na si Cassandra and of course my sister Terens. Sa pagkawala ng ala-ala ko noon, parang bago lang akong panganak na walang muwang sa mundo, dahil kahit konting detalye, wala akong maalala. Pero madali naman ako natuto. Feeling ko kasi, alam ko naman ang mga ginagawa ko, lalo na ang mga sinagot ko. Madaldal din naman ako.
After a few weeks. Parang walang nangyari. Ang pangalan ko daw ay Terry. Sabi ni mama isa akong nurse. Dahil mahirap ang buhay namin. Nagpasya akong mag abroad noon. Iyun ang time na nakilala ko si Cassandra, may boyfriend daw ako at iniwan ako, ipinagpalit daw ako ng iba, 'yon kasi ang sinabi ng kapatid ko. Hindi ko alam kung totoo ang mga sinasabi nila.
Pero minsan mapapaisip din ako. Parang minsan napa-praning din ako. Lalo na kapag nagagabihan ako sa daan, yung pakiramdam mong, may nakasunod sayo, pero wala naman.
Malaki ang utang na loob ko sa mga taong, kumupkop sa akin. Kaya gusto ko sila bigyan ng magandang buhay, 'to ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap upang mabigyan sila ng kahit konting karangyaan man lang. Hindi na rin ako nagtanong about may past. Dahil kung meron man akong mga magulang, dapat hinanap na nila ako, isa pa nabubuhay na tayo sa social media. Pero wala naman akong nabalitaan na nawawalang anak.
"Hija, are you ok? " Nagbalik ang aking diwa sa boses ni Mrs. Sandoval. Omg! Muntik kong makalimutan na kasama ko siya. Ang layo kasi ulit ang narating ng isip ko.
"Pasensya kana ma'am. Sorry po talaga. " Nakayuko kong paghingi ng tawad sa kanya. Pero maya't maya dumating na ang order niya. Ang bilis naman!
"May problema ka ba hija? I wonder why, baka yung kausap mo sa phone? And please, matagal na tayong magkasama at kilala mo na rin na ako, would you mind called me tita instead ? " Mahaba-haba niyang litanya.
"P-Po? " Nahihiya kong tugon, pasimple din akong tumingin sa paligid namin, lahat sila akala mo'y nakikimarites sa amin ni Mrs. Sandoval. Pero napangiwi ako sa pagbigkas niya doon sa aking kaaway.
"Hija, magiging masaya na ako, kung tawagin mo akong tita. Hindi naman siguro mahirap yan hindi ba? " Wala naman akong nararamdaman na kaplastikan sa kanya, nagtataka ako kung bakit masyado siyang mabait sa akin. Kung tutuusin nakilala ko lang siya isang beses siyang dumalaw sa clinic ni Dra. Nepomuceno noon. Hanggang sa naging palagay na kami sa isa't isa.
"S-Sige po, t-tita. " Nahihiya ko kung tugon. Para matapos na ang usapan namin, at lunch.
"Ang swerte naman ni Nurse Natividad, hindi ba niya kilala talaga kung sino kasama niya? Naiinis din ako minsan sa babaeng yan! " Saad ng kapwa ko nurse.
"Ewan ko lang, magmula kasi na nandito yan, lagi na lang siya pinapabayaan. Feeling vip ang gaga! " Dagdag ng isa.
Hindi nakaligtas sa akin ang bulungan ng mga kababaihan malapit sa aming mesa. Hindi rin ako sure kung naririnig ni Mrs. Sandoval ang mga pinagsasabi nila. Hindi ko na rin sila pinansin, isa pa ayaw ko ng gulo. Dahil kapag talaga ako napuno! May kalalagyan sila sa akin! Pasalamat sila kasama ko ang ginang.
Pasimple ko silang sinulyapan, at tinaasan ng aking kilay. Mabilis naman sila nagyuko agad! Totoo kasi ang sinabi nila. Sabi ko sa inyo e, hindi ko alam kung ano nakain ng mga taong nakapaligid sa akin. Dahil akalain mo, inulan ako ng swerte, mag mula ng nakilala ko aking bestfriend.
"Masaya ako hija, atlast! Tinawag mo din akong tita. Pero kanina pa kita napapansin, mukhang malayo ang isip mo, may problema kaba" Napa-angat ako ng mukha, ng magsalita si Mrs. Sandoval, at seryoso siyang nakatitig sa akin. Hindi pa nga ako nakaka-sagot, ngunit meron na ulit siyang tanong.
"You know what hija, I don't understand myself why like, I know you very well. " Maya't maya saad niya sa akin. Habang nakatitig sa aking mga mata. Naalala ko tuloy ang isang taong ganito siya kung makatingin sa akin.
Bakit sa tuwing nakatingin sila sa aking mga mata, parang kilala nila ako? Pero alam kong imposible 'yon.