TERRY'S POV
Nandito ako ngayon sa loob ng opisina ni Dra. Nepomuceno, at naghihintay ng pasyente. Wala pa siya, dahil mamaya pa 'yon pumasok. By schedule kasi ang mga pasyente niya.
"Tok-tok! " Napa-sulyap ang tingin ko sa pintuan ng may kumatok, sigurado ako si Dra. Nepomuceno na ang dumating. Tumayo na ako upang pag buksan ang pintuan, ngunit hindi pa ako nakaka-hakbang ng lumuwag na ang bukas ng pinto, at pumasok si Dra, at Mrs. Sandoval?
Tiningnan ko ang orasan sa side-table ni Dra. ngunit maaga pa, isa pa wala naman schedule si Mrs. Sandoval ngayon.
"Bakit ang aga? " Tanong ko sa aking sarili.
"Hi, hija. Good morning! " Masaya nitong bati sa akin. Napakurap pa ako dahil mukhang nawawala na naman ako sa aking sarili.
"Good morning po Mrs. Sandoval, Dra. " Gumanti ako ng bati sa kanilang dalawa, ng bumalik na ang 'king diwa. Tinanong ko pa si Dra. gamit ang aking mga mata kung bakit nandito si Mrs. Sandoval sa ganitong kaaga, pero napataas balikat lang siya.
Matagal ng client ni Dra. Nepomuceno si Mrs. Sandoval. Minsan naalala ko din ang kapre na 'yon dahil magkapareho sila ng apelyido, pero sabi nga ni Mrs. Sandoval mabait daw ang anak nito, minsan lang daw sumasakit ang ulo dahil matanda na raw pero wala pang asawa.
Kung sabagay nga naman, kasi ang kilala kong Sandoval ay masakit sa ulo sa pagiging babaero! Minsan talaga hindi ko maunawaan ang mga mayayaman.
"Bakit ko nga ba naalala ang kapre na 'yon? Erase-erase Terry! " Sermon ko sa aking sarili.
Napailing na lang ako.
Pumasok na ako sa loob ng pantry upang ipagtimpla sila ng kape, total maaga pa naman. Isa pa alam kong 'to ang kailangan ni Dra. Kasi naman mukhang nag-bar na naman kagabi. Mahilig kasi ito sa bar. Kung hindi pa ako niyaya ng kapre na 'yon malamang kasama ko ulit si Dra.
"Coffe po. " Nakangiti kong saad sa kanila, at inilapag ko na ang umuusok na kape sa kanilang harapan.
"So, ano hija pagbigyan mo ha ako sa hiling ko? " Biglang bulalas ni Mrs. Sandoval kay Dra. Ngunit sa akin na, sila nakatingin pareho.
"B-Bakit po? " Nauutal ko pang tanong sa kanila, dahil iba ang tingin nila sa akin.
"Tita, hindi mo dapat sa akin tinatanong ang bagay na yan. Si Nurse Terry pa rin ang masusunod. " Tugon ni Dra. Nepomuceno, kay Mrs. Sandoval. Nagtataka ako at bakit lagi ako kasama sa usapan nila? Isa pa maaga pa sa marites time noh!
Napatindig ako sa aking pagtayo, ng tumingin si Mrs. Sandoval nang seryoso sa 'kin. Feeling ko may kasalanan yata ako? Pero wala naman akong alam na ginawang kasalanan. Ngunit nagsalita na si Mrs. Sandoval.
"Hija, can I join you for lunch today? " Nabigla ako sa sinabi ni Mrs. Sandoval sa akin, ngunit mas nagulat ako dahil si Dra. biglang naubo at nailuwa pa nito ang kape na hinihigop! Siguro mainit. Kung sabagay umuusok nga diba?
Pero hindi nakaligtas sa akin na parang gusto niyang matawa, wala naman nakakatawa. Maliban lang talaga sa sinabi ni Mrs
Sandoval sa akin. Bakit kailangan niya ako kasama? At parang nahihiya pa. Pero may lungkot sa kanyang mukha.
"Sigurado ako, namimis na naman nito ang anak. " kausap ko sa aking sarili.
Iyon kasi ang lagi nitong problema, ang kanyang nag-iisang anak na si Monchi. Minsan iniisip ko, kung ano itsura ng anak niya, dahil hanggang ngayon wala pa daw asawa eh matanda na. Nahihiya rin naman ako magtanong kung gwapo ba o pangit. Dahil ayon sa ginang, wala naman daw problema kung pera ang pag-uusapan. Kaso nga daw walang interes sa babae. Hays! Sa tuwing pinag-uusapan namin ang anak niya, laging sumasagi sa utak ko ang kapre na 'yon. Dahil magkaiba sila ni Sir Monchi. Dahil si Sir Monchi walang hilig sa babae, samantalang si kapre kahit sinong babae basta nakapalda papatulan!
"E, bakit ko nga ba siya iniisip! Hays! " Kastigo ko sa aking sarili, ng biglang may malakas na boses. Si Dra.
"Nurse Natividad, are you with us? " Tanong ni Dra. Nepomuceno sa akin. Medyo nakaramdam ako ng hiya, dahil ang layo pala ng nilakbay ng isip ko. Napangiwi tuloy ako sa aking sarili.
"Po, sorry. " Nakayuko kong bulalas dahil nahihiya ako. Pero nagsilat na ulit si Doctora.
"Tinatanong ka ni Mrs. Sandoval kung ok lang sayo na mag lunch daw kayo mamaya. " Pag-uulit ni Dra. Nepomuceno, sa sinabi kanina ni Mrs. Sandoval sa akin. Tumingin ako kay Mrs. Sandoval na akala mo excited siyang naghihintay sa sagot ko. Medyo nahabag ang 'king kalooban dahil sa matamis na ngiti nito sa akin. Sino ba naman ako na tumanggi diba? Isa pa namimiss ko na si mama.
"Sige po ma'am. Mamaya po. " Magalang kong tugon sa kanya. Ewan ko din ba sa matandang 'to. Ang weird talaga ng mga taong nakapaligid sa akin.
"Thank you hija, at pumayag ka. I'll see you later. " Nakangiti nitong bulalas, at tumayo na siya sabay paalam narin kay Dra. Nepomuceno. Akala ko kanina, may appointment.
"Yun lang ba ang sadya? Pwede naman ako itext nalang, o kaya tawagan? " kausap ko sa aking sarili.
Nang makalabas na si Mrs. Sandoval, syempre hindi nakaligtas sa akin si Dra.
"Dra. Bakit parang masaya siya nung pumayag akong mag lunch kami? Wala ba yun anak na iba kundi si Sir Monching lang? " Tanong ko kay Doctora. Tumingin siya sa 'kin ng may kahulugan. Dahil matamis siyang ngumiti.
"Nag-iisa lang ang anak nun Terry, tyaka hindi na yata umuwi sa bahay nila. Buti nga nandyan ka eh, alam mo laking bagay sa akin. Dahil nung wala ka, ako kaya nirereto nun sa anak. Salamat Terry hah. " Hindi ko alam kung nagbibiro ba si Doctora sa sinasabi niya, o baka maman kasama na naman ito sa prank niya sa akin. Ang hilig din kasi nitong mag-prank minsan! Palibhasa meron siyang vlog.
Tumingin pa ako sa paligid, aba malay ko kung may mga camera at nakalagay sa sulok, hindi ko muna siya sinagot at inisa-isa ko ang mga naka display sa loob ng kanyang opisina.
"Terry, walang camera. " Boses ni doctora kaya humarap na ako sa kanya.
"Yung totoo doctora, pati ikaw din nereto niya sa anak niya? " Hindi ako makapaniwala sa ginagawa ni Mrs. Sandoval. Kasi palagi talaga niyang nerereto sa akin ang anak. Siguro pangit ang anak. Sa isip-isip ko, Dahil napa-ngiwi pa ako. Ngunit mukhang nabasa ni Dra. Nepomuceno ang laman ng utak ko.
"Gwapo yon. " Tipid nitong saad sa akin, parang walang gana nitong sabi, paano ako maniniwala kung gwapo nga?
"Wehhh, hindi nga Dra? E, bakit hindi mo siya nagustuhan? " Tanong ko sa kanya. Umupo na rin ako sa chair, at mag marites muna ako, total wala pa naman siyang pasyente.
"Hindi ko siya type. " Tipid pa rin nitong sagot, pero may kinukutingting sa kanyang phone na akala mo'y may kaaway. Dahil gumagalaw pa ang labi nito na akala mo susugod ng laban. Maya't maya lang.
"Bwisit ka talaga damuho ka! " Nabigla ako ng binagsak niya ang kanyang phone sa mesa at parang nagngingitngit sa sobrang galit.
"Ay kapreng bakulaw! " Bigla kong bulalas dahil nagulat ako sa sigaw ni doctora!
"I'm sorry Terry, meron nambwi-bwesit lang sa akin. Arhg!! " Parang nanggigigil pa ito sa kanyang sinabi, at kung nandito lang sana ang taong 'yon, malamang kinalbuhan na siya ni Dra.
"Makita lang kita damuho ka malilintikan ka talaga sa akin! " Sigaw ulit nito, hindi na ako takot dahil mukhang may kaaway. Ngunit may kislap sa kanyang mga mata. Ngayon lang siya ganyan. Tiningnan ko siya ng pataas-pababa.
"Hindi kaya inlove si Dra? " Tanong ko sa aking isip, dahil marites tayo, sumilip kasi ako sa phone niya, saktong nag beep, at iyon nga nakita ko ang pangalan ng nagtext doon. Ang pangalan, "damuhong Carreon" basa ko sa screen ng phone ni Dra. Hindi tayo halatang marites diba?
"Damuhong Carreon? " Pag-uulit ko ang mukhang napalakas yata, dahil tumingala si doctora sa akin, paktay tayo! Mahirap paman din itong magalit.
Tumayo na ako, at magpaalam na sana sa kanya, dahil kahit close kami, ayaw ko madamay sa init ng ulo niya noh! Mahirap na! Sabi nga nila mahirap galitin ang tumatandang dalaga. Napahagikhik pa sa ako sa aking iniisip.
"Terry. " Mahina ang kanyang boses, ngunit malaman. Napatigil ako sa paghakbang at humarap sa kanya ng may ngiti sa aking labi.
"Yes doctora, wala po akong nakita promise po. " Pinipigilan ko talaga ang hindi mapabunghalit ng tawa, dahil sa wakas mukhang may nakakuha na sa interes ng aking kaibigan na pihikan sa lalaki.
Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa kanyang harapan, at tiningnan ako ng seryoso, sabay sulyap sa labas ng pinto dahil hinayaan kong nakabukas kaninang paglabas ni Mrs. Sandoval.
"Talaga? " Tanong niya sa akin, ewan ko ba sa babaeng to, parang bigdeal sa kanya ang lalaki. Pero syempre honest tayo. Kasi mahirap 'to galitin.
"Meron po Doc. Yung si ano, ano nga ba ulit ang pangalan? " Kunwari nakalimutan ko syempre.
"Damuhong Carreon! " Malakas ang boses niya, kaya hindi ko na mapigilan ang aking sarili na mapabunghalit ng tawa, dahil sa itsura ni Dra. Nepomuceno, na akala mo natalo ng million. Dahil nakapalumbaba nitong mukha na ngayon naka-upo na sa kanyang swivel chair, na mukhang problemado. Kaya naman tumigil na ako. Kanina lanh galit, ngayon mukhang problemado na.
"Oo, sino ba yan Doctora? " Tanong ko sa kanya at umupo na rin ako. Mukhang kailangan niya ng aking tulong. Kahit wala tayo alam sa usapang pag-ibig.
Pero bago pa siya magsalita, tumunog na ang 'king phone.
"Sagutin mo muna ang phone mo, mukhang importante Terry. " Sabat ni Dra. sa akin. Wala akong nagawa kundi sagutin dahil hindi tumitigil sa pag-ring.
"Yes hello!" Tugon ko agad, hindi ko na pinansin kung sino ang caller.
"Hi, Ms. Natividad! " Boses ni Kapre, kaya tiningnan ko ang pangalan ng caller, hindi nga ako nagkamali si kapre nga.
"Ang aga-aga! Wala kabang inisin na iba, diyan sa opisina mo? " Ganting sagot ko, kahit nag-hi lang naman. At pinatay ko na ang tawag niya, ng hindi ko na siya hinintay na sumagot pa.
Ngunit kalaunan nagring ulit ang phone ko, kaya napapikit pa ako, dahil mukhang magsisimula na naman si kapre na bwisetin ang araw ko!
"Grabe ka naman Ms. Natividad, ganyan ba ang dapat isagot mo sa akin? " Parang nang-aasar talaga ang mokong! May tama ng naman siya, pero naiinis pa rin ako.
Pero pinatay ulit ang tawag niya sa akin. Ngunit hindi nagtagal nagring ulit ang phone ko. Napabunga pa ako ng hangin.
"Ano ba! Busy ako! Pwede ba, bumili ka ng kausap mo damuho kang kapre ka! " Bulyaw ko sa kanya.
"Hello, hija. I'll just want to remind you of our lunch today, I'm sorry for disturbing you. "
Omg! Parang gusto ko ng lamunin ngayon ng lupa sa aking kinatatayuan ngayon. Dahil si Mrs. Sandoval pala ang tumawag.
"Lord.. Kunin mo na ako. " Peping dasal ko. Dahil sa sobrang kahihiyan.