Chapter 6

2057 Words
GREY'S POV "Anak, kailan mo ba ako bibigyan ng apo? " Napa-ubo ako ng biglang nagsalita si mom, kumakain kami ngayon ng agahan. Nandito ako ngayon sa mansion, dahil pagkahatid ko kay Terry sa kanyang apartment kagabi, ay biglang tumawag si mom. As usual nag-drama na naman. I have my condo unit na siyang tinitirhan ko. Malayo ang mansion sa kumpanya ko kaya minsan lang ako umuwi dito. Isa pa ayaw ko na lagi akong kinukulit ni mom about kids. "Mom, It's early at the morning, please mom kumain muna tayo. " Sagot ko a kanya. Ngunit malalim na hinga ang sinagot sa akin. "Hays. Grey anak, It's been 6-years. Hanggang kailan kaba maghihintay kay Scarlet? Anak naman kung mahal ka niya dapat nagpakita na siya sayo. " Napatigil ako sa pagsubo ng tocino, sumandal ako sa chair at tumingin ako ng seryoso sa 'king ina. Ganito si mommy lagi, isa pa 'to sa dahilan kung bakit ayaw ko pumunta dito, dahil maraming ala-ala ang fiance ko dito sa mansion. Totoo ang sinabi niya, anim na taon ng hindi ko mahanap-hanap ang 'king fiance. Siguro pinaparusahan ako ng diyos. "Mom, stop please, not now. " Mahina ang boses kong tugon sa 'aking ina. Siya na lang din ang natitira sa akin, wala akong kapatid. Si Papa namatay sa aksidente noong bata pa ako. Hindi na rin nag-asawa ulit si mommy, dahil nag focus siya sa negosyo namin noon na iniwan ni papa. Hanggang sa lumaki ako na puro business ang laman ng utak ko. Hanggang sa napalago ko at nakilala ako sa buong Universe bilang isang young billionaire, business tycoon. "I'm sorry son. Hindi ko lang talaga mapigilan ang aking sarili na mainggit sa aking mga amiga. Tumatanda na rin ako, kahit isang apo man lang anak. Hindi ako mapili sa babae, pero please naman anak. Wag naman doon sa mga babaeng pariwara ang buhay. " Mahaba-haba niyang litanya sa akin. "Ok ganito na lang, may ipakilala ako sayo, she's young and beautiful and kind. I think you like her too! " Dagdag pa sa akin. Ito na naman si mommy, binebenta na naman ako! "Mom, I am very busy. Alam mo naman yun, wala akong time sa mga ganyan please. " Tanggi ko agad sa kanya. "Wala kang time? Pero mambabae meron? Monching! Sinabi ko sayo, tigil-tigilan mo na ang kakalaro mo sa mga babae, sinasabi ko sayo, baka balang araw ikaw din ang masasaktan sa mga pinaggagawa mo! " Ito na nga galit ni si mommy sa akin, dahil binanggit pa talaga ang pangalan na pinaka-ayaw ko sa lahat! Kung bakit kasi noong kindergarten ako ay, iyon ang gusto kong itawag sa akin, nag-aaral kasi ako no'n sa Monchichi School. Akala ko dagdag kagwapuhan ang pagtawag sa akin ng Monchichi but hell! Pitong taong gulang ako nung narealize ko unggoy pala yon! Damm it! Tumayo na ako sa aking upuan, at niyakap siya. Ganito lang naman ang gusto ni mom, simpleng lambing. "Mom relax, ang blood pressure mo. " Yakap ko sa kanya, at ngayon nakangiti na. "Anak, I'm telling the truth, why you not try to see the other woman. Not only your fiance. " Akala ko tumigil na, pero ito siya ulit. Bumalik na ako sa aking upuan, at tumingin ako ng seryoso sa aking ina. Mukhang seryoso siya sa kanyang kahilingan. "Ok, I'll try Mom. " Pagsuko ko sa kanya. Bigla nalang nagliwanag ang mukha ni Mom. Napailing na lang ako. "Talaga anak? So, papayag kang makilala ang nirereto ko sayo? Naku anak magugustuhan mo siya, I'm pretty sure. " Masaya niyang bulalas at sigurado pa siya sa kanyang sinabi. Ganyan na ganyan din ang ginawa niya sa akin noon kay Scarlet. Pinilit niya akong makilala ang 'king fiance. Nung una ayaw ko dahil busy ako, isa pa brat ang babaeng iyun, nagagawa lahat ng gusto. Damm it! Napa-hawak tuloy ako sa aking sintido ng naalala ko siya. But hell, I really miss her badly. "Are you ok son? " may pag-alala nitong tanong sa akin. "Yeah, don't mind me Mom. Just finish the breakfast then. " Sagot ko na lang sa kanya. Mahirap talaga ang nag-iisang anak. Ngayon naiintindihan ko na si Marco Mondragon, kung bakit problema din nito ang mommy niya noon. Haits! Matapos kaming kumain ni Mom, hindi ko alam kung saan na siya nagpunta. Ang paalam sa akin, pupuntahan daw niya ang babaeng ereto sa akin. Kahit kailan talaga ang mommy ko, binebenta ang kagwapuhan ko. Umalis na rin ako sa mansion at pumasok na ako sa aking trabaho. Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga malimutan ang sinabi ni Mrs. Mondragon sa kanyang bestfriend. Siniraan pa talaga ako sa mismomg teritoryo ko. At ang gago kong kaibigan todo defends naman sa kanya asawa. Ano paba aasahan kong sa kaibigan kong under de saya! Damm it! Hindi ba nila iniisip, na ako pa ang ginagawang yaya ng mag asawa na 'yon? Haist talaga nga naman! Pero biglang sumagi sa isip ko, ang sinabi ni mom sa akin na ereto niya. Wala naman siguro mawawala kung pagbibigyan ko si Mom. Isa pa I felt guilty to her, dahil magmula ng naging matured ako, hindi na ako umuwi sa manion minsan na lang. Siguro nagtatampo na rin. Kung sabagay nga naman apo ang kailangan niya. Kung pwede ko lang sana bigyan ng maraming apo ginawa ko na. But hell! Gusto ko sa babaeng makakasama ko sa habang buhay, at ang fiance ko lang yun. "Paano si Terry? " Biglang sigaw ng utak ko. Damm it! Paano naman nakapasok ang babaeng yan sa utak ko? Arhg! Masakit na talaga ang ulo ko. Kung hindi dahil sa mag asawang Mondragon, hindi ko naman yan hahanapin. f**k! "Bakit lagi mong iniinis, at pinupuntahan pa sa hospital? " Sigaw ulit ng utak ko. "Bwiset talaga! " parang kaaway ko na tuloy ang sarili ko. Gusto ko lang siyang asarin that's all, no other reason! Nakarating na ako sa aking opisina na maraming tumatakbo sa utak ko. "Good morning Sir. " Bati ng secretary ko sa akin. Hindi ko siya sinagot at dumiretso ako sa aking opisina. Nakita na roon ng umuusok kong kape, at mga papeles na nakapatong sa 'king mesa, tinanggal ko ang aking suit, at umupo ako sa aking swivel leather chair. Binasa ko isa-isa ang lahat ng mga papeles. At agaw pansin ang kumpanya ng isa sa mga kilala ko. Nakaramdam ako ng galit bakit pati siya tinatago ang kanyang anak sa akin. "Pagbabayaran mo sa akin ang ginagawa mong pagtago sa anak mo Mr. Laurel, dahil ipapakita ko sayo kung gaano ako ka-walang hiya. " Nagngingitngit ako sa galit a matandang ito. Hindi ko alam kung ano ang rason ng matandang 'to sa akin, dahil hanggang ngayon ayaw pa rin sabihin sa akin kung nasaan si Scarlet, pati si Vanessa. "Ngayon, matitikman mo kung gaano ako kasama matanda ka! " Kausap ko sa kanyang litrato. At pinitik ko pa ang litrato nito. Wala na rin akong pakialam kung siya ang ama ni Scarlet. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak ng matandang to. Hindi rin biro ang ginawa ko nag pabalik-balik ako noon sa mansion nila upang magmakaawa kung nasaan si Scarlet. I told him the exactly happened that night. At gusto pa niyang pakasalan ko ang anak-anakan niyang si Vanessa, never! Si Vanessa ang dahilan kung bakit biglang nawala na parang bula ang aking fiance. That night, naalala ko pa ang gabing 'yon, ang gabing pinagsisihan ko sa tanan ng aking buhay. Flashback.... "Hi. " Matipid na ngiti ni Vanessa sa akin, she is step sister of my fiance Scarlet. Nandito ako sa aking penthouse upang hintayin ang fiance ko. Ang sabi sa akin, pupuntahan daw ako. Kung pwede lang, sunduin ko na siya. Kaso ayaw niya. Kailangan kong sunduin ang sinabi niya at baka magalit ulit sa akin. Ayaw ko laging umiinit ang ulo niya. Dahil ilang araw na rin na hindi kami nagkikita. Kung hindi ko gawin ang sinabi, baka hindi na naman magpakita sa akin. Mahirap pa naman galitin. "What are you doing here? " Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya, sino ba may sabi na payagan ang guard na papuntahin ang babaeng ito sa penthouse ko damm it! "Galit kaba sa akin? I'm sorry ok. Nandito ako para magpaalam sayo. Alam kong marami na akong nagawa na kasalanan specially Scarlet. Pabayaan ko na kayo. Aalis ako at pupunta ako sa malayong lugar para hindi ko na kayo guluhin. " Napa smirk ako sa kanyang sinabi. Yes, she's right. Magmula ng dumating ang babaeng ito sa buhay ng fiance ko, naging kalbaryo na ang buhay ni Scarlet, I don't even understand my fiance kung bakit pinagbibigyan niya lagi ang babaeng ito! "No need Vanessa, just go back home, baka makita kapa ng fiance ko dito, mas lalo pa kaming mag-away. Ikaw rin ang dahilan kung bakit ayaw akong kausapin. Just leave. " Mahina ang boses ko na alam kong narinig niya, pero kasing tigas ng bungo ng babaeng ito, kung hindi lang nakiusap ang fiance ko na wag ko itong sasaktan, baka noon pa man nasaktan ko na ang babaeng ito, na walang ginawa kundi akitin ako, but hell! Hindi ko siya papatulan. "Grey, nandito lang naman ako para humingi ng tawad sayo, humingi na rin ako ng tawad kay Scarlet, pinatawad na ako ng kapatid ko. Gusto ko lang naman na marinig ang sayo, then aalis na ako, promise. " Hindi ko alam kung totoo ang luha niyang dumaloy sa kanyang pisngi. Dahil kahit anong gawin niya hindi ako makumbinsi sa drama niya. Pero dahil sabi niya aalis na siya, sige pagbibigyan ko. "Ok, just leave. " Matipid kong tugon, at bigla akong niyakap ng hindi ko nagpahandaan. Naramdaman ko nalang na meron siyang tinusok sa aking braso na malamig. "What are you doing woman?! " Sigaw ko sa kanya, pero nakaramdam ako ng hilo. "I'm warning you Vanessa. " Nag-iigting ang panga ko sa sobrang galit sa babaeng ito, I can't accept na naisahan ako ng isang babae? No hell! "Sige tingnan natin kung sino mamaya ang magmakaawa sa atin Grey, in 5 second. " Malademonyo nitong sagot sa akin, habang nakangiti siya na akala mo nasisiyahan sa nakikita, hindi ko maigalaw ang katawan ko kahit gusto ko siyang sakalin. "Boys, dalhin siya sa loob ng kwarto! " Hindi ko inaasahan na marami siyang kasama, gusto ko sila patayin lahat! Pero namanhid ang buo kong katawan. "Hayop ka Vanessa, pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin! " Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Pero sinuklian lang ako ng malademonyong ngisi at may binulong sa akin. Dahil nakahiga na ako sa kama. "Hindi ka rin lang naman mapupunta sa akin Grey, mas mabuti masira ko ang relasyon yung dalawa ng kinakapatid ko. " Malademonyo pa rin nitong sagot sa akin sabay tanggal lahat ng kanyang damit. Napapikit ako sa sobrang galit sa aking sarili. Kung bakit nagtiwala ako sa babaeng ito. "Talaga? Papunta na dito, ok let her in. " Narinig ko pang boses niya ng may kausap sa kabilang linya. Pumatong siya sa akin at napapikit ako sa sobrang galit sa kanya, gusto ko siyang itulak, pero hindi makagalaw ang aking katawan. Siya na rin ang naglagay ng aking mga braso sa kanyang bewang, kung may makakakita man sa amin, malamang mag-iisip ng hindi maganda. "Oh, f*****g baby, yes faster ohh... " Natawa ako ng pagak, baliw na talaga ang babaeng ito. Nagpapasarap na wala naman nangyayari. Ngunit biglang kong naimulat ang aking mga mata ng biglang malakas ang pagsara ng pintuan sa aking kwarto, I saw my fiance's crying. "Babe... Babe! " Tawag ko sa kanya, pero hindi ako makagalaw. Dahil sa injection na itinusok ng babaeng ito sa akin. Tumayo siya na para bang ang saya-saya niya at iniwan akong walang magawa. I can't imagine to myself na naisahan ako ng isang babae lang. Gusto kong tumayo para sakalin siya, pero hindi ko parin maigalaw ang katawan ko. Tumingin ako sa may gawa. "Hindi kita papatayin Grey, dahil damhin mo ang pag walang bahala mo sa akin. See you in hell! " Nakangisi nitong bulong at umalis na siya sa aking kwarto. "Siguraduhin mo lang Vanessa na hindi ka magpakita sa akin, dahil ako mismo ang papatay sayo! Hayop ka! "Alam kong narinig niya ako bago siya nakalabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD