Chapter 17

1508 Words
"Pwede bang luwagan mo ang pagkakayakap sa 'kin, dinosaur? Hindi ako makahinga!" paangil na reklamo niya habang nagmamaneho ng motor. Idagdag pa na kumikirot ang tama niya. Naramdaman naman niya ang pagluwag ng kamay at mga braso nito. "Pull over on the side, $ekerim. Let me drive now," malumanay na sambit nito. "Ang pabebe, hindi bagay! Yuck!" pang-aasar niya rito na tila nandidiri ang mukha pero inihinto rin sa tabi ang motor. Nauna na itong bumaba at umupo sa gutter sandali. Pumalatak ito. "Ayaw mo no'n? Ikaw naman ang bibigyan ko ng chance makayakap sa akin," nakangising sambit nito. "Kapal naman ng sperm mo! Excuse me, hindi ko pinangarap!" Umirap pa siya habang pababa na ng motor para ibigay na ang manibela rito. Nag-stretching na rin siya dahil medyo mahaba na ang itinakbo ng byahe nila. "Bakit alam mong makapal ang sperm ko? May naiwan ba 'kong bakas sa pader ng banyo?" Nakapaskil sa mukha nito ang mapang-asar na mukha. "Baboy mo, leche ka!" Sinipa niya ito sa binti at naglakad papunta sa gilid ng big bike. Halakhak naman nito ang pumailanlang sa paligid habang nakahawak sa binti at hinihimas ang parte na tinamaan ng sipa. Muli silang sumakay sa big bike at ito na ang nasa manibela. "Kumapit ka ng mabuti. Don't let go whatever happens, $ekerim." Hindi niya makita ang mukha nito dahil parehas na sila nakahelmet pero nakakapagtaka ang pagiging seryoso ng boses nito. "Umatake nanaman ang pagkakaroon mo ng split personality na talipandas ka," angil niya rito ngunit hindi na ito sumagot at nag-umpisa nang humarurot. Nang makarating ng Laguna ay pumarada sila sa isang magarang tahanan sa Eton Villas. Mukhang high-end at mga mayayaman ang mga nakatira roon. Ang bawat bahay na nadaanan nila ay nagsusumigaw ng karangyaan sa labas pa lamang. "Sino ba ang pupuntahan natin dito?" curious na tanong niya. "Ninong ko. Let's go!" Inumang nito ang kamay para alalayan siya. Isinabit niya sa side mirror ang helmet niya. Nagtataka man ay iniabot niya ang kanyang kamay at hinayaan itong alalayan siya. Mayroon talagang kakaiba sa hawak at kilos nito. Ramdam kasi niya ang mahigpit nitong paghawak sa kamay niya at ang seryoso nitong mukha. Ano nanaman kayang kaluluwa ang sumanib sa katauhan ng dinosaur na 'to at ganiyan nanaman kaseryoso? "Ang taray ng ninong mo ah? Yayamanin!" hindi niya napigilan na ibulalas. Dahil tunay na nakakalula ang rangya ng tahanan nito. "He will be your ninong, too," tugon nito na nagpakunot ng noo niya. "Ha? Bakit magpapabinyag ba tayo ngayon?" Tumawa ito at hinapit siya sa beywang. Inilapit pa nito ang mukha sa kanya. "Ako ang magbibinyag sa 'yo, $ekerim," bulong nito sa tainga niya. Tila may kuryente na gumapang sa katawan niya at nanindig ang balahibo niya sa batok. Mahina niya itong itinulak dahil masyado nanaman malapit ang mga katawan nila. "Binyagan ko 'yang mukha mo diyan eh! Lumayo ka nga! Lapit ka ng lapit, baka magkapalit pa tayo ng mukha!" angil niya rito upang pagtakpan ang init na nagsisimulang mamuo sa kaibuturan niya. "Hindi ka naman na lugi sa mukhang 'to, $ekerim. Maganda ang magiging lahi mo," turan nito sa nagyayabang na tono na lalo niyang kinainis. Umamba siya na susuntukin ito ngunit hindi na natuloy ng biglang bumukas ang pinto ng main entrance at niluwa ang isang lalaki na sa kabila ng edad ay mababakas pa rin ang tikas at gandang lalaki. Sa tantiya niya ay nasa 50's na ito pero mukha pa ring fit. "Ross?" wika nito sa baritonong boses. "Ninong!" Nag-handshake sila at kinabig nito si T-Ross sabay yakap. "Aba, at mukhang nilagpasan mo pa ang gandang lalaki ko ah?" Sinipat nito si T-Ross na umiiling habang nakangisi. "Kanino pa ba 'ko magmamana, Ninong?" Tumikhim siya kung kaya't sabay na napabaling ang mga ito sa gawi niya. Oo, tao po ako! Mga vaklang twoh! Akala mo 48 years hindi nagkita! Pigil na pigil ang sarili mapa-irap. "Oh, siya na ba hijo?" Tumingin ito sa mukha niya sabay muling baling kay T-Ross. Ngumiti lang ang dinosaur sabay hapit sa beywang niya. "By the way, Ninong this is Elix Khale. Elix this is Judge Mario Almazan." Pagpapakilala nito sa kanilang dalawa. "Nice to meet you, Hija." Inabot nito ang kamay para makipag-handshake na tinanggap naman niya. "Nice to meet you, too Judge Almazan," magalang na tugon niya. "Kaya naman pala nagmamadali ka!" Lumingon ito kay T-Ross na may nanunuksong tingin. Pumalatak naman ang dinosaur sabay iling. Inanyayahan na sila sa loob at mas magara pa pala ang nasa loob ng mansiyon. Nakakasilaw ang kintab ng sahig na tila pwede ka na manalamin. Nakakalula ang lawak ng sala na may nakasabit na mamahaling chandelier. "Maupo kayo. Feel at home. Kukunin ko lang ang papeles sa study room," wika ni Judge Almazan. "Si Ninang Alice?" tanong ni T-Ross. "Ross!" sabay silang tatlo na napalingon sa malambing na boses na iyon. "Ninang Alice!" balik na sambit ni T-Ross sa babaeng halos kaedad din ni Judge Almazan. Napaka-amo ng mukha nito at ang ngiti ay abot hanggang sa mga mata. Naka-messy bun ang buhok nito at naka-bestida ng puti na nagpalutang sa kutis nitong mala-porselana. Mukhang itong espanyola dahil napakatangos ng ilong nito. Niyakap nito ang dinosaur bago mabilis na kumalas habang ang mga mata ay nakapako sa kanya. "Ninang, I'd like you to meet Elix. Elix, this is my ninang Alice." Ngumiti siya sa ginang. Parang gusto ng umikot ng mga mata niya. Tila ito walang katapusang pagpapakilala. Kapag may lumutang pa na ibang tao rito malamang another introduce yourself nanaman na eksena. Hays! "Oh my God! You are so beautiful, Hija!" bulalas nito at lumapit sa kanya. Ngunit natigilan ito ng makita ang benda ng braso niya. "What happened? T-Ross, hindi mo dapat pinapabayaan ang napakagandang dilag na ito!" nilingon nito si T-Ross habang sinesermunan. Ang dinosaur naman ay nangangamot ng ulo at nakangisi. "Uhm, hindi po okay lang po ako. Sanay po ako, Ma'am. Huwag po kayo mag-alala," turan niya sa ginang. "Call me ninang, Hija." Nakangiti ito at hinaplos ang pisngi niya. "Ah okay po, Ninang. Pwede na rin ho ba ako manghingi ng regalo sa inyo kapag pasko? Charot!" wika niya sabay peace sign. Naramdaman naman niya ang pagpisil ni T-Ross sa beywang niya at ang nagbabanta nitong tingin. Ang ginang naman ay sandaling nagulat pero agad ding ngumiti. "Nakuu, nakakatuwa naman ang batang ito! O sya, halina kayong kumain muna." Pag-aya nito sa kanila. Siya namang labas ni Judge Almazan na may bitbit na brown envelope. Hindi na niya masyado pinansin dahil nakafocus na siya sa pagkain. Kanina pa siya nagugutom! Marami silang napag-usapan sa harap ng hapag-kainan ngunit siya ay nanatiling tahimik at buo ang atensyon sa paglamon. Maliban na lamang kung tatanungin siya tsaka lang makikisali pero madalas ay ngiti ang kanyang isinasagot. Nang matapos kumain ay bumalik sila sa sala at inilatag na ni Judge Almazan ang mga papeles na nasa brown envelope. Ngunit hindi pa nag-iinit ang pwet nila sa pagkaka-upo ay bigla silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. "Sh*t!" mura ni T-Ross. "Mukhang mabilis kayo nasundan, Ross?" turan ni Judge Almazan. "Kailangan na namin magmadali, Ninong!" Tumayo na si T-Ross at lumapit sa lamesa, mabilis dinampot ang ballpen at pinirmahan ang papel. Napanganga naman siya ng bumaling ito sa kanya matapos makapirma. "$ekerim, sign it now. Hurry up!" sambit nito sa nagmamadaling boses. Nakita niya rin ang mga tauhan ni Judge Almazan na pumalibot na sa buong kabahayan hawak ang mga matataas na uri ng baril. Wala sa loob na inabot ang ballpen at tinignan ang papel. Babasahin pa sana niya ngunit sunod-sunod na putok nanaman ang umalingawngaw. "Hurry up, Elix! Kailangan na natin makaalis!" sigaw ni T-Ross na naglakad para sumungaw sa salamin na bintana. Wala sa sarili na inilapat na lamang niya ang pirma at iniabot kay Judge Almazan. "Sige na, magmadali na kayong umalis. Ico-cover kayo ng mga tauhan ko. Nakatimbre na rin sa pulis at papunta na sila rito." wika ng Judge sa kanila. Ang maybahay naman nito ay nasa tabi lamang ng asawa. Hinawakan na siya ng dinosaur sa braso. "Ninong, kayo na ho ang bahala riyan." Inginuso nito ang papel na pinirmahan nila. "Ako na ang bahala. Mag-iingat kayong dalawa," bilin ni Judge. "Dumalaw kayo ulit dito kapag maayos na ang lahat," sambit naman ng ginang. Mabilis silang nagpaalam at sumakay na sa motor habang ine-escortan ng mga tauhan ni Judge Almazan palayo sa Eton Villas. "Ano ba iyong papel na pinirmahan natin?" Na-curious siya sa pinirmahan. Idagdag pa na hindi pa niya nabasa ang laman niyon. "Contract," maiksing tugon nito. "Contract? Anong contract?" "Basta contract." Tila ayaw nito i-explain sa kanya ang buong detalye kung kaya't lalo siyang nainis. "Sasabihin mo sa akin o sesemplang tayo ng sabay rito?" banta niya. "Anong contract iyon?" ulit niya sa tanong. Pumalatak ito. "Marriage contract."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD