"Ano? G*go ka ba? Anong marriage contract pinagsasabi mo?" Kulang na lang ay ihulog niya ito sa motor ora mismo.
"I'll explain it to you later, $ekerim. Meanwhile, let me just drive in peace. Sige ka baka sumemplang pa tayo," may himig pangongonsensiya pa nitong turan.
"Sa mga pinaggagawa mo parang higit pa sa semplang ang gusto ko gawin sayo. Talipandas ka! Gusto kitang pugutan ng ulo!" nangangalit ang mga ngipin na sambit niya.
Napahigpit ang hawak niya sa beywang nito ng mas tumulin pa ang takbo nila. Pumapalo na sa 120kph ang nakita niya sa odometer ng motor.
"Pugutin mo na ang lahat, huwag lang ang ulo, $ekerim. Sayang ang magandang lahi ko!" sigaw pa nito para marinig niya dahil nakakabingi na rin ang hampas ng hangin sa bilis ng takbo nila at pag-angil ng makina ng motor.
Bigla silang gumewang ng may kung anong tumama sa likod ng motor. Tila nabasag ang tail light.
"Sh*t! Naabutan tayo. Kumapit ka maigi, Karim!" sigaw nito at mas lalo pa humarurot. Panay ang tingin nito sa side mirror. (Karim- turkish word means "my wife")
Napakunot naman ang noo niya. Iba na naman yata ang tawag nito sa kanya. Magtatanong pa sana siya ngunit nakita niya sa side mirror na maaabutan na sila ng mga humahabol sa kanila.
May tatlong motor at dalawang kotse. Mukhang mahihirapan sila mailigaw ito dahil isang straight lang ang daanan.
Tinapik niya ito sa balikat. "Hawakan mo ng maigi ang manibela. Tatayo ako at iikot." Tumango ito at medyo nagmenor.
Mabilis siyang tumuntong sa upuan at umikot paharap sa mga humahabol sa kanila. Magkatalikuran na sila ngayon ni T-Ross.
"It's showtime!" sigaw niya sabay bunot ng dalawang baril at itinutok sa mga ito.
Ngunit bago pa niya makalabit ang gatilyo ay isang bala ang dumaplis sa gilid ng helmet niya.
"Hoy! Wala pa ngang game nangunguna agad!" gigil na bulalas niya. Mabuti na lang at sa helmet dumaplis!
Mabilis niyang inasinta ang nakamotor na nagpaputok at isa pa na nakasunod dito. Pagkalabit niya ng gatilyo ay magkasunod na sumemplang ang dalawa na nagpagewang sa isa pang motor at dalawang kotse na nakasunod dito.
"Hah! Lintek lang ang walang ganti!" Nakangisi niyang sambit.
"$ekerim, mukhang meron pang nakaabang sa atin." napalingon siya sa sinambit nito.
P*nyeta! May nakaabang na kotse sa unahan nila at halos bulagin sila sa nakakasilaw na ilaw ng headlight nito.
"Keep driving, dinosaur! Lilipat ako sa unahan mo."
"What? Are you serious? Delikado ang gagawin mo!"
"Wala kang bilib sa 'kin ah? Watch and learn!"
Muli siyang kumilos at umikot papunta sa unahan. Nakakandong na siya rito habang magkaharap. Ang mga braso niya ay nasa magkabilang balikat nito habang hawak ang baril at nakatutok sa mga humahabol sa kanila.
"Now, I am enjoying the situation," mahinang sambit ni T-Ross ngunit dahil nakafocus siya sa pagbaril sa kalaban ay hindi na ito umabot sa pandinig niya.
"Marunong ka ba mag-circus, dinosaur?" tanong niya rito.
Sumingkit ang mga mata nito. "What do you mean?"
Malapit na sila sa naka-abang na sasakyan sa unahan nila at kita niya ang mga anino na nakatayo roon. Mukhang nakaplano ang pang-aambush sa kanila.
Who are these f*ckin' as*h*les? Iyan ang mga tanong na nakapaskil pa rin hanggang ngayon sa utak niya.
"Kapag sinabi kong drive iharurot mo. Naiintindihan mo?" Utos niya rito.
"I am the comman---" Tututol sana ito ngunit hindi natapos ang sasabihin dahil pinutol na niya ito.
"Wala akong pakialam. Kung gusto mong makalabas tayo ng buhay rito parehas, sundin mo ang sinasabi ko!" mariin niyang sambit.
Muling umulan ng bala, sa pagkakataong ito ay nagmumula ang mga iyon sa magkabilang direksyon.
Sinipat niya ang dalawang baril na hawak para tignan kung sapat pa ba ang bala. Nang makasiguro ay inayos ang pagkakakandong kay T-Ross at nakayakap siya rito na bumaril sa nasa likod ng motor nila. Inasinta niya ang gulong ng dalawang sasakyan at ng motor.
Naunang nasapul ang isang kotse at nawalan ng kontrol kasunod nito ay ang pagbangga sa gumegewang na motor dahil na-flat na rin ang gulong nito. Tumilapon ang rider at sumadsad sa kalsada. Ang kotse naman ay umangat sa gutter at tumaob. Mabilis itong lumiyab.
"F*ck!" Napaatras siya ng marinig ang mura nito. "May tama ako, $ekerim!" sambit nito.
"Matagal ko ng alam na may tama ka. Hindi mo na 'ko kailangan i-inform," kinaltok niya pa ng hawakan ng baril ang helmet nito.
Pero napatigil siya ng makita ang balikat nito na dumudugo. "Linawin mo kasi sa susunod kung anong tama ba ang sinasabi mo! Tamaan ka sa 'kin eh!" nakairap na panenermon pa niya.
Bumuntong-hininga na lamang ang lalaki. Halatang nagtitimpi ng inis.
"Sa unahan, $ekerim!" Napakurap siya ng bigla itong sumigaw. Lumingon siya at ilang metro na lang ay mararating na nila ang mga tatambang sa kanila. Nakaumang ang mga baril at sabay-sabay nagpapaputok.
Hinubad niya ang helmet at inabot kay T-Ross. Mabilis siyang lumiyad at inihiga ang sarili sa may manibela at nagsimulang magpaputok.
Nang maubusan ng bala ay muli siyang umahon. Ngunit nahuli niya ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. "Nag-enjoy ka?" tanong niya habang nagre-reload ng bagong magazine. Hinayaan niyang malaglag sa lupa ang wala ng laman at nag-load ng bago.
"I am just so amazed. Action star ka?" tugon nito habang sinusupil ang ngiti sabay kagat sa labi.
"Exorcist. Charot! Irampa mo ang motor sa kotse. Ako ang magco-cover!" utos niya rito.
Ngunit hindi pa man nakakarebolusyon ang makina ay tinamaan na ang gulong nila kaya't gumewang sila.
"Sh*t! Kumapit ka, Elix! Bubulusok tayo sa bangin!" sigaw nito. Siya naman ay mabilis na yumakap dito.
Dinig niya ang malakas na hinga ni T-Ross habang pilit kinokontrol ang manibela. Madilim na ang paligid at tanging ang ilaw lamang ng motor ang nagbibigay tanglaw sa pababa nilang motor.
"Elix, at the count of three tatalon tayo," mahinahon ang boses nito at naramdaman niya ang isang kamay nito na humapit sa kanya payakap.
"Pa'no iyong counting? Three, two, one . . . or one, two, three?" tanong niya.
"Baliw ka talaga! Ito na! Isa, dalawa, tatlo!" sigaw nito sabay talon mula sa motor. Gumulong sila sa madamong bahagi ng bangin. Ramdam niya ang higpit ng yakap ni T-Ross sa kanya at ang pagsusumikap na protektahan siya na huwag masaktan.
"Tingnan mo 'to! Wala naman sa choices iyong bilang mo!" maktol niya ng tumigil na ang paggulong nila. Umirap siya at pinakiramdaman ang sarili. Kasalukuyan pa rin ito nakayakap sa kanya.
Ngumisi ito pero ngumiwi rin sabay sapo sa balikat na may tama ng baril." Malapit na talaga kita na dalhin sa mental, babae ka!"
Luminga siya sa paligid. Ang motor na sinasakyan nila kanina ay nasa hindi kalayuan at nagliliyab. Sa ibaba naman ng bangin ay tila dagat.
Nasaan na ba kami? Mahinang usal niya.
"C'mon, Karim! Let's get going! Tiyak na sisiguraduhin nila na patay na tayo kaya bababa ang mga iyon para hanapin ang bangkay natin. Malapit na rito ang hideout ko," turan nito. Tumayo na ito at pinagpagan ang sarili at hinatak ang kamay niya.
"Malapit na rito?" Luminga ang mga mata niya sa paligid. Pinasingkit niya pa ang mga ito ngunit tila imposible na may bahay rito.
"One boat ride from here," tugon nito na tila nabasa ang nasa isip niya. Nasa harap na sila ng dagat at rinig na niya ang hampas ng alon nito.
Tila natulos siya sa kinatatayuan at nanlamig ang mga palad. "Uhm, wala na bang ibang way para makarating sa hideout mo?" tanong nya habang pinipigilan ang mga labi na manginig.
"Why, $ekerim?"
"I have thalassophobia," mahinang sambit niya habang malayong nakatanaw sa dagat na binabalot ng dilim. Kumikinang ito sa sinag ng buwan.
"You have what?" Nakakunot ang noo nito.
Pumalatak siya. "Pangmatalinong phobia iyon!" Umirap siya at dinuro ang pisngi nito.
"Damn! I'm serious, Elix!" Seryoso na ang boses nito at may pagbabanta.
"Phobia on deep waters."
"What? Why? How come I didn't know that?" sunod-sunod na tanong nito.
Pagak siyang napatawa. "Hoy, teka naman! Maka-how come I didn't know that ka riyan, akala mo naman ikaw ang nagluwal sa 'kin!"
Kapwa sila napayuko ng biglang makarinig muli ng putok ng baril.
"Let's go, $ekerim." Inabot nito ang kamay niya. "May bangka doon sa kabilang side," bulong nito sabay turo sa kabilang gilid ng pampang. Ngunit bago nila ito mapuntahan ay kailangan nila lumusong sa tubig na nagpabilis ng t***k ng puso niya.
Wala sa loob na napahawak siya sa dibdib niya. Nag-uumpisa nanaman rumagasa ang takot sa kanya, kapag hindi niya ito nalabanan ay mamanhid ang pakiramdam niya at mahihirapan huminga. She might passed out.
Napalingon siya sa tabi niya ng maramdaman ang palad ni T-Ross na humawak sa isang kamay niya. Iniharap siya nito at itinaas ang baba niya. Kahit madilim, sapat naman ang liwanag ng buwan para makita ang mga mata nito na nanunuot ang titig at tumagos hanggang puso niya.
"Trust me. Just hold my hand." mahinang sambit nito. Kinuha ang isa pang kamay na nasa dibdib niya at ikinulong sa mga palad nito.
"Maka-trust ka riyan. Condom ka?"
"Elix Khale!"