Ramdam niya ang mahigpit na hawak ni T-Ross sa kamay niya habang tinatawid nila ang madilim na dagat papunta sa kabilang pampang kung saan naroroon ang bangka na maari nilang gamitin para makarating sa hideout nito.
Ang mga kamay niya ay tila nagyeyelo sa lamig na dulot ng malakas na hampas ng hangin at malamig na tubig dagat isabay pa ang malakas na t***k ng puso niya dahil sa takot na hindi niya naman matukoy kung para saan. Basta iyon lamang ang nararamdaman niya ng maramdaman ng paa niya ang tubig at hampas nito.
"Stay close, $ekerim. Medyo malakas ang current ng tubig at nag-high tide na rin," turan nito sa kanya. Ang mga kamay nito ay nanatiling matatag na nakapalibot sa katawan niya.
Sa likod ng panlalamig ng katawan ay nakaramdam siya ng kakaibang init mula sa kaibuturan niya. Ang matikas nitong braso at pagdidikit ng kanilang mga katawan ay may hatid na sensasyon na tumutunaw ng malamig na pakiramdam. Hindi niya maipaliwanag but she felt safe on his arms.
Ngunit sabay silang napatda ng biglang humampas ang isang malaking alon sa kanila. Ang mga kamay nito ay humulagpos sa pagkakahapit at kapwa lumubog ang kanilang katawan sa tubig.
Nakaramdam siya ng panic at tila nag-flashback ang nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. Pumikit siya at pilit kinampay ang mga kamay ngunit tila hindi siya makagalaw at naramdaman ang katawan na unti-unting hinahatak ng daloy ng tubig pailalim.
Ang pintig ng puso niya ay dumoble habang dumadaan sa balintataw niya ang trahedyang naranasan noong nasa elementarya siya. May tinig siyang naririnig pero hindi niya maulinigan kung ano ang sinasabi nito.
Nag-aagaw na ang ulirat at diwa niya ng may maramdaman na kamay na humawak sa kanya at hinihila siya paitaas. May mainit rin at malambot na kung ano na dumampi sa labi niya. Ilang saglit pa ay tila may gumaan sa loob niya at hinatak ang ulirat pabalik.
Dumilat siya ngunit kadiliman ang sumalubong sa mata niya at hapdi na dulot ng tubig dagat. Ang mainit na bagay na tila pisi na nagbibigay lakas sa kanya ay nanatili sa labi niya habang umaangat paitaas, at sa gitna ng lamig ng tubig ng dagat ay may nararamdaman siyang mainit na nakadaiti sa kanya at mahigpit siyang hawak.
Napasinghap siya ng tila ay marating nila ang dulo ng madilim na karagatan. Umubo siya at bumuga ng tubig na tila nainom niya.
"Oh! Thank God, $ekerim!" Hindi pa man siya tuluyang napapabalik sa ulirat ngunit iyon ang mga kataga na naulinigan niya dahil nananatili pa rin siyang nakapikit. Nanghihina ang pakiramdam niya at nanginginig ang kanyang katawan.
Shocks! Muntik nanaman ba akong malunod? Sh*t! Hinahabol pa niya ang hininga. Napalinga siya at ang mukha ni T-Ross ang tumambad sa kanya. Kahit madilim ay aninag niya ang nag-aalala nitong mukha. Nakalubog pa rin sila sa tubig dahil tuluyan ng nag-high tide. Ang kanina ay hanggang beywang lang na tubig na kanilang binabaybay ay ngayon hindi na niya makapa ang ilalim nito na sinabayan pa ng malakas na alon.
Ang kanan nitong braso ay nakapulupot sa beywang niya habang ang isang kamay ay kumakampay para marating ang pampang.
"$ekerim, are you okay?" dinig niya na tanong nito. Siya naman ay hindi pa maapuhap ang tinig. Nakakapit siya sa batok nito habang mas pinili na huwag sumagot.
"$ekerim, I'm asking you. Okay ka lang ba?" ulit nito sa tanong. Lumingon pa ito para makita ang mukha niya.
Umirap naman siya sa hangin bago sumagot. "Ikaw kaya ang muntikan malunod at makainom ng tubig dagat, magiging okay ka ba?" angil niyang tugon dito.
Pagak ito napatawa bago patuloy na kumampay sa tubig. "You are so back! Pinag-alala mo 'ko," Napakurap siya sa tinuran nito. Sabagay, kargo siya nito.
"May back back ka pang nalalaman. Bilisan mo bago pa maubos ang life line ko at baka ikaw ang mag-50/50 sa akin!"
Ilang metro na lamang ay malapit na sila, ngunit ang nagpapahirap sa kanila ay ang dilim ng lugar, lakas ng hampas ng alon at pagtaas ng tubig.
Muli, isang malaking alon ang humampas sa kanila. Muli siyang muntik humulagpos sa hawak nito ngunit mabilis din na nahabol ng mga bisig nito. Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto kung saan dumapo ang kamay nito. Nakatalikod siya rito at nakadikit ang dibdib nito sa kanyang likod.
Pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya ng maramdaman ang mainit na palad nito sa kaliwang dibdib niya. Noong una ay hinayaan niya dahil sa pag-aakala na hindi naman nito sinadya.
Ngunit makalipas ang ilang segundo ay naramdaman niya ang pagpisil nito roon. Lihim siyang napaigtad at napalunok. Mariin din siyang panandaliang pumikit at mahinang bumuga ng hangin. Iniipon ang natitirang katinuan sa sarili na huwag bumigay sa kalandian nito.
Marahas niyang inangat ang mukha at nilingon ito. "Nahiya ka pa, ba't hindi mo na rin pisilin 'yong kabila?" asik niya rito.
Sumingkit ang mga mata nito habang pilit sinusupil ang ngiti. Kinagat nito ang ibabang labi at binigyan siya ng maang na ekspresyon.
"Don't start what you can't finish, $ekerim. I'm warning you," sambit nito sa paanas na tono.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Kapag hindi ka umayos, baka ikaw ang ma-finish sa akin! Talipandas ka talaga!" angil niya rito.
Nakahinga siya ng maluwag ng marating nila ang naka-angkla na motorboat. Agad sumampa si T-Ross dito at tila siya isang bulak lang na iniangat nito.
Nang makaahon ay nakaramdam siya lalo ng lamig at nagsimulang manginig. Niyakap niya ang sarili at panaka-nakang bumubuga ng hangin mula sa kaniyang bibig.
"Come here, $ekerim," sambit ni T-Ross ng magsimula ng umandar ang bangka. Nakalahad ang kamay nito at tila gusto nito na tumabi siya rito. Tinitigan niya ang kamay nito bago umangat sa mukha na may nagtatakang ekspresyon.
"We're both cold. Let's warm each other up."
Lalong lumukot ang mukha niya habang ito naman ay tila nabasa ang iniisip niya at sumasayaw sa amusement ang mga mata.
"Nah! It's not what you think. Napakadumi ng isip mo, pero okay rin naman iyon sa kabilang banda," nakangisi nitong turan.
"Kapal mo, hoy!"
Tumayo siya para hampasin sana ito ngunit biglang gumewang ang bangka at na-out balance siya. Mabuti na lang at mabilis ang mga kamay ng dinosaur at mabilis siya nitong nahatak at napakandong sa mga hita nito patalikod.
"Huwag ka na kasing kontra nang kontra at sa akin ka rin naman babagsak, Karim," bulong nito sa punong tainga niya na naghatid ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan niya.